"GRABE miss ko na Angel ko... di niya talaga me tinetext. Ako kaya makatiis na di magtext." Sa isip-isip nito dahil talagang miss na niya si Alex at ni hi o ho ay talagang wala."Bakit Lolo ginawa ba talaga ni Alex yung kasunduan nila na tiisan muna na huwag magtext sa isa't-isa?" Tanong ni Mia.
"Tignan natin?"
"HELLO po!" bati ni Sam kay Cara ng tawagan niya ito.
"Hello po! Musta po?"
"Okey naman po. Ikaw musta n?"
"Okey naman andito kami sa mall naggagala. Bakit ka napatawag?"
"Wala naman po miss na kita eh. Sobra." Wika nito.
"Talaga?"
"Oo naman, kita mo naman bumili pa ako ng load."
"Touch naman po ako. Eh kumusta naman kau ni Akex?"
"Mag-wa-one week na kaming hindi nagkakausap eh."
"Ganun? Baka naman po kasi kinukwento mo na naman ako sa kanya?"
"Hindi ah... siya nga po ang madalas na mag-open ng topic about you eh."
"Eh ano na naman kaya ang problema ng taong iyon?"
"Baka busy lang."
"Baka nga..." and so on..."
"HI:-)! Grave Alex hindi ko kaya. Mamamatay ako ng hindi ka kinakausap. Pls naman magreply ka na! Miss na miss na talaga kita." Text nito. "Miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na talaga kita." Text pa nito at wala talaga siyang tigil kakatext dito at talagang sobrang lungkot na yung nararamdaman niya kaya wala siyang ginawa sa tindahan nila kundi ang maglettering ng pangalan nito. At nung magcheck siya ng friendster eh natuwa siya ng may nareceive siyang message galing dtto kaya masaya niya itong binuksan pero...
"WHAT? Galit na naman si Alex kay Sam ? Ano na naman ang reason niya?"
"Sa tingin ko alam ko na." Wika naman ni Mia.
"Ano naman po iyon."
"Wari ko nagalit siya doon sa ginawang pagpapabasa ni Sam kay Cara ng archieve nila." Wika nito.
"Eh ano naman ba ang sama dun sa archieve na yun?"
"Ewan ko. Basta alam ko iyon lang ang pwedeng maging reason."
"HI! Mag-usap naman tau." Message ni Sam kay Alex ng makita niya itong online. At talagang wala siyang tigil sa kakamessage dito pero wala talaga siyang makuhang sagot.
"Wala ka bang pride?" message ni Alex.
"Bakit? Saka kung meron man bakit ko naman papairalin sayo iyon eh alam ko namang ako ang may kasalanan." Sagot nito at hindi na ulet ito sumagot hanggang sa...
"Wala na akong pakialam sayo. Nakalimutan ko na ang lahat ng nangyari..." message nito.
"Ganun? Are u convincing me or your self..."
"Alam mo napapansin ko nitong mga nakakaraan eh parang mas alam mo pa yung nararamdaman ko eh. Parang mas marunong ka pa sa akin." Message nito.
"Ganun? Sorry kung ganun."
"Alam mo tapusin na natin ito. GOODBYE." Message nito at naglog-out na kaya naglog-out na rin siya.
"Ate Sam maliligo na ako." Kalabit sa kanya ng pamangkin niya ng nakadapa siya sa kama. "Ate Sam bakit ka umiiyak?" tanong ng pamangkin nito.
"Wala... lumabas ka na muna." Wika nito sa pamangkin niya at nilock ang kwarto kung saan siya nandoon at hinihagis ang lahat ng unan sa kama saka nag-iiyak.

BINABASA MO ANG
Soulmate
RomanceThis is a story of two young girls in the past that died at the same time after their promised to be there for each other forever. And a story when Samantha and Alexandra meet!