Chapter 17

30 0 0
                                    

Hindi ako pala-puyat na tao, kapag tapos na ako sa school works, pinagpahinga ko na ang sarili ko pero sa nagdaang araw ay binabalik-balikan ko ang pinanuod kong videos sa YouTube noong unang mga araw na inaalagaan namin ang itlog. My time was eaten up because of the advancement of preparation.

I found myself depending on Google whenever I have questions, although that was the real purpose of Google, asking for answers on the web.

Naisip ko rin i-search kung ano ang maaaring ipakain ng baby bird, chick or baby duck. Nang sa ganun ay ready na sa pagbili. Kahit sa pamamagitan lang nito, mapaghandaan ko na ang lahat. Pakiramdam ko kasi ang hirap mag-alaga ng hayop, hindi ko kasi maranasang mag-alaga ng hayop sa amin.

Ang hayop lang na meron kami sa pamilya ay si Roux, joke.

Gusto ko na tuloy malaman kung anong itlog itong inalagaan namin ni Ashton.

Natapos ako sa panunuod nung mag-ala una na ng madaling araw and speaking of him, tumunog ang notification sound ng messenger ko at lumitaw ang pogs na mukha ni Roux. Napadapo lang ako kanina sa inbox para i-check kung may nagmensahe ba sa akin.



Anthony Roux Tavarez
1:05 AM


Sinong kapuyatan mo?😏
Iyong ikinukwento ba ni Tori na nag-ngangalang Ashton?


Hindi noh,
ang chismoso mo


Sabi ni Tori, palagi mo raw pinapapunta sa condo niyo?
Akala ko ba bawal boys?🤔


Nakatapak ka naman dito, Roux ah


Except sa 'kin, pinsan mo 'ko kaya hindi ako include sa rules mong iyon🙄


The egg needs a shelter, nagpresenta akong sa condo nalang para maalagaan at sinabi kong dadalaw nalang siya rito


Ha? Anong egg? May egg tray naman, bakit niyo aalagan ang itlog? May sira ba kayo sa ulo?


Iyong itlog na fertile kasi! Hindi iyong nasa tray na niluluto at kinakain natin.
If you want, pumunta ka rito para makita mo.


Talagang pupunta ako, malay ko kung anong gagawin niyo kapag umalis si Tori at kayong dalawa lang diyan.
Seen 1:15 AM


My eyes moves upward irritatedly. He's overreacting, hindi naman ganung klaseng lalaki si Abo at wala rin naman kaming relasyon dalawa kung makapag-react siya ng ganyan.

Later that morning, Roux dropped by in our unit. He brought food for our breakfast dahil dito nalang daw siya kakain. Dumiretso siya sa kwarto ni Tori para gisingin ito at sabay kaming tatlong kumain.

Hinanda ko na sa hapag ang pagkain pero si Roux lang ang lumabas.

"5 more minutes pa raw." ani Roux.

Leading The Track(Color Series #1)Where stories live. Discover now