Chapter 22

37 0 0
                                    

His presence alone, constantly reminding me of our agreement. Naiirita na ako kay Yael, sumasakit ang ulo ko sa katigasan ng ulo niya. Natatakot ako na baka anumang oras ay mabuko kami ni Ashton.

Napapadalas na ang pakikipag-sabay niya sa amin, sinadya niyang makipagsabay sa amin! Kung noon ay de kotse siya papuntang university, ngayon hindi na. Mas pinili niya talagang makisabay sa amin sa paglalakad papuntang unibersidad kaysa sumakay nalang sa sarili niyang kotse. Kasama na rin siya naming mag-lunch, at hanggang sa pag-uwi.

Naguluhan si Ashton sa biglang paglitaw ni Yael, hindi niya alam kung ano ang kinain niya't bigla-bigla nalang itong nakipagkaibigan sa kanya. Ang sabi ni Ashton ay hindi naman sila ganoon ka-close, minsan nga raw siyang pansinin nito para kantyawan. Aware si Ashton na pinagkatuwaan siya palagi ni Yael at ang kasamahan nila pero hindi niya pinagsabihan ang mga ito. He didn't mind them and he always let it slide.

Mabilis nagdaan ang araw at papalapit na ang pagtapos ng aming kasundoan ni Yael. Dalawang araw nalang ang natira kaya ito siya't todo na ang pagpaplano. I only have one subject to attend during Saturday at nang malaman niya, tuwang-tuwa ang Yael dahil may pupuntahan daw kami mamaya.

Nag-abang ako sa kanya sa main gate ng unibersidad. Ashton had to attend other classes at mamayang 5 pa ang uwian nila. Nakagawian na namin ni Ashton ang pag-update sa isa't isa at ang sinabi kong dahilan ngayon bago ako naunang umalis ay may lakad ako kasama blockmates ko.

Walang ibang dahilan para pagdudahan ako ni Ashton pero kanina, there's a hesitation in his eyes.. he seems uneasy. Ang mga mata niya ay nagtatanong kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

Dati naman tatango lang siya't sasabihin na mag-iingat ako. Ngayon, kulang nalang ay ihatid ako sa pupuntahan kong lugar para hindi na siya mabahala pa. Nakakalito lang dahil hindi naman siya ganyan dati, Ashton doesn't ask kung saan talaga ako pupunta, o anu-ano ang mga pangalan ng mga kasama ko o ano ang gagawin namin. Not that he doesn't cared about my whereabouts.. argh parang ganun na hindi.

Siguro nagka-pake na siya?

Ito ang mahirap, hindi mo alam kung gawaing magkaibigan pa rin ba ang ipinapakita niya sa akin o hindi na.

I ask him one time if he has someone he admired and he says no one, marami raw siyang tungkulin at responsibilidad na ikinakaharap and having relationships might distract him. He said that the only kind of relationship he will going to offer to someone is friendship. That someone might be me if confessing to him crossed my mind.

"Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko habang nagmamasid sa paligid. Yael doesn't mentioned to me kung saan kami pupunta ngayon. Ang narinig ko lang mula sa kanya ay 'basta'.

Lumiko si Yael sa kanang direksyon at tanaw ko ang malawak na parke. Inangat ko ang kanang kamay para iwasan ang pagtama ng araw sa mata ko. The sun shone brightly but it didn't burn my skin.

"Magpi-picnic date tayo. It's peaceful, right?"

The park was calming and refreshing to the eye, I crave this kind of view. The melody of a bird singing is the only noise you'll hear in the peaceful and quiet space area. Inihilig ko ang aking sarili sa bintana ng kotse habang tumingala at panoorin ang papalit-palit ng mga ibon sa pagpunta ng mga malalaking puno.

Nauna akong bumaba kay Yael para magsimulang ilibot ang mga mata ko sa buong paligid. May nakita akong playground sa kabilang banda. I got too excited all of a sudden.

"Is it allowed for adults? Can we play?" tanong ko habang nakaturo sa playground, para tuloy akong bata na nagpaalam sa magulang dahil sabik na sabik itong maglaro.

"I'm not childish, okay? Seesaws and playground slide still excites me."

"If you are this excited everytime, pupuntahan talaga natin ang magagandang lugar para makita ko lang ulit kitang masaya." aniya.

Leading The Track(Color Series #1)Where stories live. Discover now