Chapter 16

38 0 0
                                    

After a short deliberation with myself, I finally think on what I'm going to draw. I can't say I recreate this scene between the two ex-lovers dahil wala naman akong alam sa mga masasayang alala na binuo nila rito sa kanilang tahanan. Nilikha lang ng aking isip and the output came out as what I had imagined.

I saw a wooden table with two chairs on the side, I imagined them sipping their morning coffee dito sa kanilang backyard while holding one another's hand, listening to the chirps of birds, and feeling the touch of morning kiss. I guess, this was their old little moments nung nakatira pa sila dito.

And to wake up in each other's arms and start their morning routines together is a great morning. Iyong ikaw ang unang makikita niya sa umaga at ang matamis na halik ang bubungad sabay bati ng magandang umaga.

It must be such a wonderful feeling, isn't it?

Dahil tapos naman na ako, hinintay ko siyang matapos bago ko ipakita sa kanya ang aking gawa. He was busy on his artwork, I tried to peek pero baka mahalata at ayaw patingin ng gawa niya.

Nadadalas na ang pagtitig ko kay Ashton, ilang beses na rin niya akong naaktohan ang paninitig ko pero parang wala lang ito sa kanya.

Sabi naman niya kanina ay tignan ko lang ang paligid kung meron akong mahanap na inspirasyon para sa iguguhit kong ideya, so my eyes went directly to Ashton.

Tama nga ang sinabi niya kanina na makakatulong ang tahimik na paligid para makaisip ako ng ideya dahil it inspired me to work and helped my interest in art back.

Una akong natapos dahil it was a quick sketch. Nakakapagtataka nga ang dali ko lang natapos, akala ko pahirapan dahil ilang taon na rin simula nung tumigil ako. Kahit na draft palang, ang gaan sa pakiramdam kapag tapos ka na.

Hindi ko inakala na nagawa ko.. nagawa ko ulit gumuhit sa tulong ni Ashton. Naaappreciate ko ang mga maliliit na bagay na nagawa niya para sa akin kagaya lang nito. Even if it's just a small thing but to me ang laki-laking bagay na. I'm grateful to have him because he made me realize that the artistic inner side of me never leaves.

When Ashton move to properly sit, I switched my gaze to the opposite direction. We leaned our back to the trunk of not-so-tall tree para may pagpahingahan ang aming likod.

Ibinaba niya sa kanyang hita ang sheet kasama ang notebook na ginamit niyang patongan.

"Tapos ka na?" tanong nito. I nodded and showed my artwork to him. He took the pad out of my hand and his proud smile came out.

"Ang galing mo!" he said. I smiled sweetly.

"Can I see yours, too?" I asked but he quickly fold the sheet in half and put it inside his bag. "Unfair, pinakita ko sa 'yo ang artwork ko tapos sa 'yo hindi?"

"Natural lang na ipakita mo sa akin, Grasya. 'Di ba ako ang mentor mo?" tawa nito. Napalabi ako.

"Nahihiya ka bang ipakita?" tanong ko. He pressed his lips into thin line. "Pangit ba? Impossible ata iyon sa 'yo."

Mukha ngang maganda dahil all out itong maka-smile sa sheet habang nag-guguhit.

"Maganda nga ang naging kinalabasan.." sagot niya.

"Ano ang iginuhit mo? Patingin.." pangungulit ko.

"Saka nalang... ibibigay ko sa 'yo ang portrait mo kapag natapos ako, may kulang pa kasi. Gusto ko detalyado."

"Portrait? Ako ang iginuhit mo?" Sadyang bingi lang ba ako o hindi ko kaagad nakuha ang sinabi niya.

"Oo, Grasya." he said nonchalantly.

Ibig ba sabihin na... Nakakatakot mag-assume, malay natin hobby lang niyang gawan ng portrait ang kung sinong kaibigan niya.

"O-okay.." I answered.

Leading The Track(Color Series #1)Where stories live. Discover now