Chapter 11

67 0 0
                                    

Saglit na nagkatinginan kami ni Ashton, bakas ng pagod ang nakikita ko sa kanyang mukha pero kahit ganun paman ay masigla ito kong makakilos. Binasa niya ang kanyang pang ibabang labi at gamit ang likod ng palad, ipinahid niya ang pawisang noo.

I didn't leave my eyes on him, sinundan ko ng tingin ang bawat kilos niya. Naka-nakaw pa ako ng tingin sa kanyang katawan, I immediately reverted my attention to his weary face.

My inner self urges me to wipe the stilled sweat near his left brow. Sadly, I didn't bring a clean handkerchief for him.

Isinandal niya muna ang kanyang pang-upo sa semento bago ito nagsalita.

"Hindi na ako babalik, Grasya." ani Ashton. Pinagsiklop niya ang dalawa niyang kamay habang ang mga mata nito ay nasa konkretong daan. "Wala naman akong dapat balikan pa, may kasalanan din ako sa Tito mo at dapat ko pagbayaran iyon."

Kumunot ng bahagya ang noo ko.

"Wala ka naman kasalanan!" Hindi ko nagustohan ang pag-ako niya sa bagay na hindi naman niya ginawa. Mabilis niyang inangat ang kanyang ulo at nakatitig ang gulat na mga mata nito dahil sa bigla kong pagtaas ng boses sa kanya. "Bakit hinayaan mo nalang isipin ni Tito iyon? Ng lahat?"

Siya naman ngayon ang napakunot ang noo.

"Hindi naman ikaw ang may kasalanan, it was Miggy.." Pagpapatuloy ko sa aking sinasabi. "It wasn't your fault, in the first place.. Siya ang nagsilid ng pera sa bulsa ng likod ng pantalon mo. Tito found out everything."

Napangisi ito.

Seryoso ako, bakit mukha pa siyang masaya? Walang nakakatuwa sa pangyayaring iyon!

"Kapag sinabi ko ang totoo, hindi rin naman maniniwala ang iba sa akin, Grasya, kaya hindi ko na itinama si Sir Rumulo."

A blow of pain I had felt after, I hadn't heard any sound of bitterness in Ashton's voice. Parang straight fact iyon at walang halong gawa-gawang storya.

To think he only accepted what other people throw unacceptable allegations or painful words to him because they will still not believe on whatever he would say. It hurts me to know that he didn't correct the others to clean up his image and clarify everything to them.

Kung anong pinaniwalaan ng iba, iyon nalang din ang gusto niyang ipaniwala sa kanila.

Sa pagkakataong iyon alam kong mayroong malalim na dahilan nang pagbitaw niya sa mga salitang 'yon.

"But you must defend yourself and deny the accusation!" Tumawa ulit ito, nagsimula ng mamuo ang pagka-irita ko sa kanya. Seryosong usapan tapos tatawanan ka lang ng kausap mo. "Stop smiling, stop laughing!" I said irritatedly.

Nagseryoso naman siya.

"Hindi talaga ako babalik, Grasya. Kasi.. Ano.. N-naka--" Nahihirapan niyang sabi.

"Nakahanap ka na ng trabaho?" Dinugtongan ko ang kanyang sasabihin.

Hinintay ko ang kanyang sagot pero naagaw na ang atensyon nito sa paparating niyang kaibigan. The look on the face of Ashton's friend dimmed and been irritated by Tori's presence. Bago sila dumating, Tori has been poking Ashton friend's right arm.

"Meryenda." sambit ng kanyang kaibigan.

Our talk has to be put aside.

"Sige pre.. Sa bakery lang muna tayo ngayon." ani Ashton.

Tumango ang kaibigan nito at nagsimula ng humakbang. Si Tori ay sumunod Tumayo na ako at kinuha ang pinamili namin ni Tori, mabilis niyang ikinuha sa kamay ko ang pinamili at inilipat sa kamay niya.

Leading The Track(Color Series #1)Where stories live. Discover now