I feel like our friendship now is way more special than before. Ashton started to share some things with me, mahirap mag-open sa iba pero nagawa niyang mag-share sa 'kin. Si Abo ang tipong tao na ayaw magbahagi ng problema sa iba, hindi pala-kwento sa naging karanasan.. and the longer I'm with him, the more curious I was about his life.
A lot of things I still didn't know about him, gaya ng kung anong bagay ang nakakapagpasaya sa kanya para kapag nalungkot siya, masisiyahan ko siya sa ganung paraan. I'm willing to be a tool to cope-up his sadness, a-shoulder-to-lean-on and a-one-call-away friend.
"How did you manage your time? Isn't hard? School tapos work?" I asked while munching the food.
Nag-aya akong mag-meryenda bago pumasok ng cafe, doon kami sa nakagawian namin na kumain. Matapos ang ika-dalawang beses niyang kuha ng set of tempura ay tumigil na ito sa pagkuha pero ang mga mata nito ay nagtutumingin pa sa mga tinda. We could eat in the fastfood restaurant if he's that hungry, but Ashton doesn't want to feel he owed someone. He would definitely declined it.
I'll ask him some other time or maybe on his birthday, I'll treat him.
Ako na ang kumuha ng panibagong luto at inilagay sa kanyang lalagyan. Tumanggi siya noong una pero pinandilatan ko ng mata kaya natakot at kinain nalang. He said thank you in a small voice.
Masama ang tumanggi sa grasya! Masama ang tumanggi sa 'kin.
"Sakto lang, napagkasya ko ng maigi ang oras ko dahil kaonting subjects lang kinuha ko ngayong school year."
"Irregular student ka?" Kinda shocked. It make sense now, kaya naisingit pa ang pagtatrabaho dahil irregular student siya. Ang hirap kapag full-time student ka tapos may trabaho ka pagkatapos. Kung ako mismo nasa sitwasyon niya, hindi ko kakayanin.
"Oo, Grasya at aabot ako ng 6th year. Mukhang mas una ka pang makaka-graduate sa 'kin.. Yun lang kung papalarin din ba akong maka-graduate." Tawa nito.
I sprint to knock on the wood, tinakbo ko talaga kung saan iyong puno at kinatok ko ng napakarami. This will cause a jinx on his fate. Tinitingnan ako ng mga estudyante dito sa labas. Nagkakahulog-hulog na ang pagkain dahil sa pagtakbo ko.
Hindi ako nagpapaniwala sa mga superstitious beliefs ng mga tao pero willing akong takbohin kung nasaan man iyong mga kahoy para lang hindi iyon mangyari.
I never doubt his ability, it's just that I'm afraid he will no longer endure the exhaustion and hardships in life. I have a feeling he will end up being successful in the future pero iyan ang inaalala ko sa kanya, baka kapag malapit na siya sa dulong bahagi, doon na siya susuko. Ako ang unang malulumbay. Pipigilan ko iyong mangyari, I'll be by his side. Ashton deserves everything-the successful life and career. I know one day all his efforts will be paid off.
Pagkabalik ko sa posisyon ko kanina, hinampas ko ang kanyang braso pero nakailag ito. I swat him again in his arms. "Aray, Grasya."
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!" I rebuke. Saglit niyang pinisil ang kabila kong pisngi.
"Namimisikal ka na, masakit." ani Ashton. "Cute mo" Rolling my eyes, I continued to eat.
"Pero ang sayang pala, delayed ng isang taon.." Malungkot kong sabi.
"Hindi naman ito paunahan kung sino ang unang makakapagtapos. Mahalaga nakapagtapos pa rin at nalampasan ang hirap para makatapos sa pag-aaral."
I could say he has a point, nuunawaan ko ang kanyang sinabi. Naramdaman ko ang hiya dahil sa sinabi ko, tama nga naman siya. Hindi naman ito karera para magmadali. Merong nauuna, meron naman nahuhuli. 'Di bale ng matagalan, importante ay makakamtan natin ang diplomang pinaghirapan nating makuha ng ilang taon.