Hindi ko matanggap na isasali niya ako sa mga collections niya. I am a person and not an object pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na sumang-ayon na sa kanya. I left with no choice dahil ito rin lang naman ang choice na binigay nung Yael na 'yon. Kahit na alam ko namang hindi siya mapagkatiwalaan, patuloy pa rin ako sa pagtiwala. Nagtiwala pa rin ako na tuparin niya iyong kasundoan namin. I'm not sure if we get along with each other, kasi baka mairita lang ako. Kagaya ng sinabi ko nung una, he has the same vibe as my cousin but the difference is, I love my cousin.. even though he was annoying.
I put aside my issues about Yael, and contemplated again my decision.
Earlier, I asked Ashton why he wanted to go back.
"Para bawiin ang pagka-disappoint ni Coach sa akin. Gusto ko maging proud siya.. At masabi sa kaibigan niya ang magagandang katangian ko at hindi ang pagka-disappoint niya. Minsan daw kasi pinag-usapan nila ako bilang batang bersyon ng kaibigan niya." He noticed the line formed in my forehead, his eyes flickered to my side and bowed his head to the ground. "Bago ako sumali sa runner-athletes team, matagal na akong minamatyagan ni Coach at ikinuwento niya sa akin ang pagkakahawig ng papa ko.. Iyong biological father ko at si Coach ay malapit na kaibigan, akalain mo iyon? Ang liit-liit lang talaga ng mundo." lumitaw ang ngiti sa labi niya.
"Pinakita sa akin ni Coach ang picture at nakumpirma ko na si papa ko nga iyon. I was not hoping to meet my Father because he already has a family, ayokong manggulo pero sa pagkakataong iyon, gusto kong magpakilala sa kanya bilang isang anak. Pinigilan kong hindi maiyak nang sabihin ni Coach na we could pass as father and son, iniisipin niya rin na baka may anak sa labas ang kaibigan niya at hindi niya alam. Pinigilan kung huwag sabihin na anak nga niya ako." tumawa siya. Hindi ko matukoy kung masaya ba siyang malaman na may pagkataon na siyang makalapit sa tunay niyang ama o malungkot dahil hindi alam ng papa niya nag-exist siya.
His words stuck in my mind and that was I'm determined to continue what I and Yael agreed on.
I always tend to find good in every bad decision I had made para hindi ko isipin na pagsisihan ko ito sa huli. Nagiging mali lang ang desisyon kapag hindi naaayon sa gusto mo ang mangyayari, nauwi sa palpak. There's no such thing I could benefit from agreeing with Yael in exchange for accepting Ashton to the team but his reason is the good side and seeing him happy. Sapat na iyon.
Nakapilig akong nakatingin sa blankong whiteboard at nawala lang ang pokus ko sa harap nang biglang nagsitayoan ang mga kaklase ko pagkalabas ng aming instructor.
"Oy, dismiss na," sagot ng katabi ko sabay sundot sa braso ko.
"Hmm, okay" ngiting sabi ko. Sinikop ko ang mga libro sa aking bisig.
I fail to listen to today's lecture, pasok sa kanang tainga at pinalabas sa kaliwang tainga. Iniisip ko pa rin kung tama ba itong ginagawa ko?
Hindi ako nangangamba na gagawin niya sa akin ang gawain nila sa recent niyang ka-date, labas ako sa ganoong level. Ang sabi niya ay date lang at hindi naman official girlfriend and boyfriend type of relationship. Kapag lalabag siya sa rule namin, ba-back out ako at pipilitin ko siyang tanggapin si Ashton na pasalihin ito sa team nila.
I stopped in my tracks, napatigil ako sa aking naisip. Kahit pakiramdam kong tuso siyang nilalang, he knows that rule is a rule. What if I make a plan that will lead him to break one of our rules? I will let him hold my hand if I have to basta huwag lang hihigit pa riyan. This sounds ridiculous and unfair to Yael pero 'yan ang gagawin ko. I don't want Ashton to know that I'm negotiating with Yael.
Lumabas na ako ng silid at isinasa-isip ang plano. Inangat ko ang aking tingin para hanapin kung saan siya naghintay ngayon, my attention wasn't in the lecture but I'm aware na late kaming dinismiss dahil sa panay na reklamong narinig ko sa mga kaklase ko pagkalabas.