Chapter 7

49 0 0
                                        

Roux pronounced as Roo and Mauve as Maav. Yun lang hekhek

***

All I knew was after Mauve transmitted the lifesaver news to me, I was relieved. Relieve that our paths will not meet again. Malaki naman ang university kaya malabo rin na magtagpo kami ulit. Iwasan nalang talaga ang maglibot sa buong lugar.

Pero sa nangyari nang nakaraang araw, the universe played trick on us. Kung saan ako namalagi, magpapakita naman siya, like our tails were being tangled to each other.

The following days were fine as the refined sugar naman pero why naman ganito? Paano ko ba mabubura ang kahihiyang nasaksihan niya sa gabing iyon? Wala na siguro iyon, weeks ago na eh. Maybe he forgot the scene already.

Hinintay kong dumating ang prof namin sa HUM 101. Mas dumami na ngayon ang pumasok kumpara nung nakaraan. Umupo ako sa silya kung saan ako umupo noong una.

Matindi ang pagkagulat ko nang makita kung sino ang papasok sa loob ng silid, na naging dahilan ng pagbuga ko ng ininom kong tubig. Hindi lang sa bibig lumabas ang tubig kundi sa ilong ko din. Hinawakan ko ang tungki ng ilong ko at pinipisil, habang isa kong kamay ay nasa aking dibdib, pinupukpok. Na naman.

I coughed many times, and it only worsened when his eyes landed on me. Not to mention I got the attention of everyone inside the room. May nagpupumigil tumawa, yung iba naman ay nagulat dahil sa nangyari at ang iba ay wala lang pakialam.

I wanted to shrink. I wish the floor would eat me alive and never to see their faces again.

Arghh, so much for protecting my own dignity, dito rin pala hahantong.

But one thing could only mean, we are classmates in this subject.. o lahat??

Hindi ito maaari.

Nagsimulang kumalabog ang dibdib ko nang dahan-dahang lumapit si waiter guy sa akin at nalihis ang kanyang atensyon sa binder na nakalapag sa aking armchair. Kakaibang ngisi ang nakita ko sa kanyang labi nang makita niya iyon. Ibinalik ko sa loob ng aking bag ang gamit na nasa harapan ko.

Saktong paglapit niya ay ang pagdating ng magiging instructor namin sa subject na 'to. Nanatiling nakatayo lamang si waiter guy. Pagkatapos kaming batiing lahat ng aming instructor ay ipinakilala niya ang kanyang sarili. Sinenyasan kami ni Mrs. Cantilles na umupo na. Walang pagdalawang isip na inayos niya ang posisyon ng silya na nasa aking gilid.

At talagang umupo siya sa tabi ko!

"Okay ka lang ba?" Tanong niya habang pa simpleng tinatakpan ang kanyang bibig gamit ang kanyang kaliwang kamay. Itinukod niya ang kanyang siko sa armchair at ipinatong ang baba niya sa kanyang palad.

Nanuyo ang lalamunan ko.

Ako na hindi alam kung sa anong sitwasyon niya ako tinanong kung okay ba ako. Tungkol ba sa pagkahiyang naramdaman ko o iyong pagsamid ko sa tubig?

Pero ito rin ang tanong niya sa 'kin noong una. Ang consistent naman niya, puro okay ka lang tinatanong. At sa tuwing magkaharap kami ay naipit ako lage sa dalawang sitwasyon; Nasasamid at nabibilaokan.

Bilang pagtugon, tumango nalang ako. Mahina kong naihampas ng paulit-ulit ang noo ko at nang-gigil na napakagat sa labi ko sa pagkahiya.

Sa buong period ay hindi ko gaanong naintindihan ang sinasabi ni Mrs. Centillano. Hindi naman ako kinukulit ng lalaking hindi ko alam ang pangalan sa aking gilid. Sa katunayan nga ay pokus siya sa pakikinig sa nagsasalita sa harap. Ako itong hindi, naiilang dahil bumalik sa akin ang katangahang ginawa ko.

My traitor eyes always wandered on his face, parang kabisado na ng mga mata ko ang lahat ng parte ng kanyang mukha. His brushed-up hair and a few strands of his brown hair that fell on his forehead made an impact on the girl's heart.

Leading The Track(Color Series #1)Where stories live. Discover now