Chapter 9

49 0 0
                                    

"Tori naman, ang laking gastos niyan!" bulyaw ko sa kanya.

Namomroblema na naman ako sa pinag-gagastosan ng pera niya. It's her birthday tomorrow and she planned it all without my knowledge dahil ayaw niyang pakialaman ko siya sa kanyang plano at ang mas nakakabaliw pa ay rinentahan niya ang buong lugar para lang walang outsiders na mahalo sa party.

Kinuha ko ang listahan ng mga pupunta, she invited around 100 guests. Some of them are her friends from high school/schoolmates and some were her blockmates.

"Less than 100k lang naman 'yon, tsaka ako naman ang magbabayad sa nirentahan kong place, hindi naman ikaw." She snorts. She sip her drink while playfully biting the straw, ang laman lang naman ng baso ay tubig.

Nakapameywang akong tumingin sa kanya, sa sahig siyang nakaupo dahil may kinalikot na naman sa kanyang laptop, sasakit daw ang kanyang likod at leeg kung yuyuko siya lagi paharap sa screen. Nag-iscroll siya sa kanyang laptop at ang isang kamay naman nito ay cellphone ang hawak, nag last minute check kung naaayon ba sa gusto niya ang kanyang plano.

Nakasandal ang kanyang likod sa nakabukakang Roux.

"Oo nga naman, tsaka birthday naman niya. Hindi naman mamumulubi sila Tori kung gastusin niya ang maliit na porsyento ng kanilang kamayanan" Bumaling ang tingin ko sa sumasabat na si Roux.

"Aww thanks for defending me, Roux-babes" ani Tori. Ihiniga niya ang kanyang ulo sa paanan ni Roux na nakaupo sa sofa, he widely spread his arms in the backrest. Feel at home.

Tori hugged his knees and he slightly rumpled her hair.

"Anything for you, Tori-babes" He said while winking at her.

I sighed. She never listens to anyone, even me. With all the freedom she had on spending money on non-valuable things were getting worse. I can't even know how much the cost is but hearing her say that it's less than a hundred thousand 'lang'? Mamatay ako nito sa konsumisyon.

Isa pa 'tong si Roux! Balak ko sana siyang hindi papasukin sa unit pero nagmatigas ang ulo dahil pinsan naman daw niya ako, bakit ko naman daw siya hindi papasukin. Kung sana hindi ko nalang pinapasok, di sasakit ng doble ang ulo ko.

Napahilot ako sa aking sintido.

"It's not just a place, it's a damn bar! You also give advance payments to the service crews. You paid for it all! Malilintikan ka talaga sa mga magulang mo!"

Araw-araw nalang maglalabas ng pera si Tori, she's an indeed compulsive spender. Kung hindi man ang kanyang magulang, I'm sure her parent's accountant monitors her expenses.

Ewan ko kung bakit hinayaan nalang nila Tito at Tita na mag-gasta ng ganung kalaking pera ang anak nila. Abala naman kasi ang mga magulang ni Tori sa negosyo kaya siguro kung anong gusto ng anak ay hinayaan nalang nila, ibinigay nalang ang mga luho nito kapalit ang pagkakulang ng kanilang presensya sa anak.

I prayed that Tori gets her lesson. She was so uncontrollable! Matigas din ang ulo.

"They'll be happy because I'm happy," Tori said confidently. Tignan nalang natin, baka pagkatapos ng masayang kaarawan mo ay lalapit ka sa akin ng luhaan.

"Not this time" I said. She shrugged.

Itinirik ko ang aking mata at napapadyak na pumasok sa aking kwarto, binulabog nila ang tahimik kong gabi. Umalis naman sila sa unit dahil gigimik.

Saturday is the chilliest day of my school week dahil isang subject lang ngayon. Humigit 15 minutos na akong nasa salamin, ilang beses akong nagpapalit-palit ng damit. Isinusuot ko nalang ang damit na alam kung kumportable ako at babagay sa akin kahit simple lang. Saglit akong tumingin sa salamin to put a lip balm and a pressed powder. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok, pinaikot ko muna ang dulo para hindi naman magmukhang boring akong tingnan. Nang makuntento na sa pag-aayos ay lumabas na ako ng unit.

Leading The Track(Color Series #1)Where stories live. Discover now