Chapter 23

20 0 0
                                        

Natigilan ako sa nabasa ko. Sunod-sunod ang pagdating ng mensahe niya. May isang text siyang hindi ko napansin kanina nung hindi pa kami nakarating dito sa sanctuary.

"Swans can be aggressive and very territorial.. male swan is just like me. I can be aggressive if someone steals you away from me... I stopped asking kung may chance na ba ako sa 'yo. I'm asking you now, Grace. Do I have a chance? Please let this relationship be real.."

My hands are sweating in cold, not because of Yael but to Ashton. He waited for almost 1 hour, and he got no response from me! Nagsabi siya ng oras kahapon pero nakalimutan ko, nakaligtaan ko!

"I'm sorry, Yael. I can't."

Hindi na ako mapakali sa aking kinauupoan, gusto ko ng umuwi para maabotan ko pa si Ashton sa labas at magmadali nalang ako sa pag-aayos.

"Does one week is not enough for you to prove that we're compatible?"

"Yael, you have nothing to prove to me. Stop wasting your time on me, hindi ako worth it na pag-aksayahan mo ng oras."

"You are worth it, Grace. It will take a long time to wait na magustohan mo rin ako, maghihintay ako. Alam kong maikli lang pinagsamahan natin but my feelings were true and I swear, nagbago na ako. Believe me."

"I'm sorry, Yael but let's head home, please. Gusto ko ng umuwi."

"You know that our contract ends at the end of the day, right?"

"I have to go now, Yael. Besides yung unang araw ay maaga mong sinimulan ang date, that counts."

Tumalim ang tingin niya sa akin.

"Kikitain mo si Ashton after this, tama ba ako?"

I didn't respond, but Yael knows he doesn't need my confirmation. By the looks of his eyes, he was really hurt. Hindi ko na alam kung totoo na ba talaga yung nararamdaman niya para sa akin.

"Don't worry, hindi ko babawiin ang kasundoan natin but I will not let that Ashton win over me," he said abruptly.

Those promising words he said, hindi ko pinansin. Dumiresto na ako sa sasakyan niya. I replied to Ashton pero hindi ko sinabi na saan ako nagpunta, I ask him if he could wait me in the cafe but he didn't reply. Siguro nakaalis na siya.

Ate Mariel

Nasan ka? Dumito ka nga saglit at tumulong sa amin sa pag prepare hehe

To Ate Mariel:

Naku, Ate. May lakad po kasi kami ngayon ni Ashton, papaalis na po ako.

To Ate Mariel:
Ate, favor po. Sabihin niyo po ako kaagad kapag nandiyan na si Ashton, nagsabi ako na diyan nalang kami magkikita.

Ate Mariel

Ay taray may pa surprise ka rin kay Ashton?

Ate Mariel

Wag! Mabuko kami, nakabalandara pa naman balloons dto

To Ate Mariel:

Surprise? Ano po meron, Ate?

Ate Mariel
Bday ngayon ni Ashton, anong lakad ba yan. Date ba? Hindi birthday celeb?

Napasinghap ako. Tumingin ako saglit sa phone calendar, ang alam ko ay sinet ko iyon as reminder event. Napapikit ako ng mata nang malaman na September 9 nga ngayon.

To Ate Mariel:
Ate nakalimutan ko na ngayon pala, tutulong nalang ako riyan. Hindi nalang ako sasama sa kanya ngayon.

Leading The Track(Color Series #1)Where stories live. Discover now