"Good job, everyone! What a close fight!" Nagagalak na sabi ni Sir Mandela sa amin. He clapped proudly, nahulog pa nga ang kanyang gradebook na inipit sa kanyang underarm dahil sa patuloy niyang pagpalakpak. He clustered us together--our team and our opponent to congratulate us. It is our midterm practical assessment today in P.E, and the team who won will have a perfect grade and the team who lose will still get a grade pero minus puntos.
Well, it doesn't matter dahil 5 points lang naman ang bawas. I could still pass.
Yes, my team didn't win. Though I want the perfect grade, but that's what we could give. We gave our best shot, and my partner is the one who worked hard to chase the shuttlecock aloft even if the light streak of sun hit her eyes. Ang hirap kaya kapag nag glasses while doing outdoor activity in broad daylight.
Huling dumating si Macie, lupaypay na dahil sa ginawa namin sa araw na ito. She stretches her arms and massages her muscles. Tiyak na magkaka-muscle aches siya bukas, I do warm-ups before we could start but because she's late, she wasn't able to relax her muscles.
I offered my watered bottle to her, tinanggap naman niya dahil hingal na hingal na siya at sa natutuyo niya ring lalamunan.
"Thanks" she uttered shyly.
"Darius' Team and Careigh's Team be ready, we will start in 5 minutes. Others who have already done with their assessment today, you may now go." Sir Mandela said.
Nagtingin ako ng mauupuan at umupo malayo sa nagkukumpulang mga grupo ng babae na naghagikhikan.
Napagpasyahan kong magpalipas na muna ng ilang minuto dito dahil hindi parin naman dismissal at hihintayin ko pa si Tori para sabay na kaming umuwi. At ang boring naman maglaro kung walang audience na manunuod.
The girl who was in the same class as me turned her head and smiled at me.
Oh no, don't come near me.
Hindi sa ayaw kong makipag-usap sa kanila, hindi ko lang alam kung anong isasagot ko sa kanila kapag tinatanong nila ako. I mean, sure they're bubbly and super friendly to other students but my introverted self can't handle people like them.
Si Tori lang ang kinakausap ko at alam kung ano talaga ang totoo kong ugali. Never pa akong nakipag-kaibigan sa iba, hanggang tanong lang kung ano ang activities sa school and such.
Maybe this time I'll gave them a chance to befriend me, so I smiled back.
"Hi, Grace Imari!" Pagbati niya sa akin na may kasamang tili at paghampas ng braso sa akin, hindi lang sakit sa tenga ang inabot ko, kundi sakit sa braso.
Ang sakit nun ha.
Hindi pa naman kami close pero ang sakit niyang manghampas na akala mo ay may sinabi akong katawa-tawa sa harapan niya. Ang sakit niyang maging kaibigan. Nginitian ko nalang.
"Hello.." nahihiyang kong sabi sa kanila,hindi ko alam kung bakit ako ang nahihiya imbis na siya. Sana hindi na 'to mauulit pa.
"Ikaw lang ba mag-isa dito?" Hmm obvious naman siguro?
"A-Ahh o-oo"
"Eh nasaan pala si Chad?" Ito naman pala ang hinahanap. Iba naman pala ang pakay.
"Sa room nila?" sagot ko sa kanyang tanong na patanong rin.
Bigla siyang tumawa at hinampas ako ulit sa braso. Isa nalang. Bigla siyang tumawa at nakisali pa ang kanyang kasamahan sa pagtawa sa kanya.
"You're funny, no wonder you and Tori are friends." Loko. Hindi naman marunong magbiro si Tori, maarte 'yon. Anong pinagsasabi nito. "Hmm can I ask you a question? Do you like Chad?" My eyes wide a bit, mabuti nalang naagapan ko ang aking pagkagulat dahil nasisiguro kong kukumpirmahin nila agad nga may gusto nga ako kay Chad, well, I do, but they're not my friend to confide this matter to them. Ang sudden naman ng tanong niya. "I like Chad, but he always ignored me"