ORF-14(The Beginning)

11.7K 349 31
                                    

A/N: Uy,magseryoso muna tayo ha.Wag palaging nakatawa baka matuluyan.He he!Sa chapter na ito ay medyo serious muna ha.Pero depende. So,enjoy reading. At kung di man kayo mag-e-enjoy,di ko na kasalanan yun.hahaha!

-------------------------------

Kevin's POV

Sakay ng kotse ko ay tahimik lang kami ni Jasmine. Walang bangayan na nagaganap.Sa totoo lang di ko maipapaliwanag ang nararamdaman ko kanina habang nagpa-panggap siya na fiancée ko.

Parang gusto ko rin kasi na ewan. Actually, ang Xenia na iyon ay minsan ko ng nakilala sa hotel nina Zach.Siya ang manager sa Organizing department ng hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Zachary.

Mabait siya sa akin.Pero di talaga maiwasan na kahit papaano ay nararamdaman kong may gusto siya sa akin.Kaya laking pasasalamat ko kay Jasmine sa ginawa niya.Bagay na dapat kainisan ko pero parang nagustuhan ko pa.Ano ba talaga ang nararamdaman ko sa babaing ito?

Mahal ko na ba siya? May pagmamahal na ba akong nararamdaman sa makulit na babaing ito.Amputs naman oh.

Napukaw ang pag-iisip ko ng biglang mag-ring ang phone ko.Agad ko itong tiningnan.

And there,si dad na naman.Walang tigil talaga ito.

"Hello po dad." Bagot na sagot ko.Alam ko na naman kasi ang sasabihin niya.Nagsasawa na ako.Sinulyapan ko lang si Jasmine na tahimik lang.

"[Hanggang kailan ka magmamatigas Kevin?Kailan ka susunod sa kagustuhan ko?]" Great!Sabi na nga ba na iyon ang ibubungad niya sa akin eh.Matagal niya na kasi akong pinipilit na umuwi sa Cebu.At ang gusto niya ay pamahalaan ko ang kalahating business namin. Hindi ko kaya yun. Mabuti kong pipitsugin lang ang mga kumpanya na ito. Kung ang Sacramento construction na nga lang ay di ko na kakayanin,lahat pa kaya?Gusto niya kasi na pati ang pagmamay-ari naming mall sa Cebu ay ako na rin ang mamahala.

Pinilit ko minsan na pamahalaan nung nagkasakit siya pero hirap na hirap ako.

Ganyan ang ama ko.Kailangang sundin lahat ng kagustuhan niya.Ako lang ang palaging sumusuway sa kanya. Unlike sa mga kapatid ko na talagang masunurin sa mga magulang.

"Dad,pwede bang wag muna ngayon.Busy pa ako." Pagdadahilan ko.Para na rin makaiwas ako sa kanya.

"[Busy?Busy sa mga babae?!Godamn it Kevin!Wag mong sagarin ang pasensiya ko baka hindi ka magkakaroon ng mana sa akin!]" Sigaw niya sa kabilang linya.Ayan na naman siya. Ilang beses ko na bang narinig yan sa sarili kong ama?Sanay na ako.Kaya kahit sa paglayas ay sanay na rin ako.

"Dad please.Not now." May tonong pakikiusap na sagot ko.Muli kong sinulyapan si Jasmine na tahimik lang.Ewan ko ba kung bakit ngayong katabi ko siya ay mahinahon akong nakikiusap sa ama ko.Palagi kasing sumasagot ako kay Daddy pero kahit nasagot ako ay naroon pa rin ang respeto ko.At isa pa,ayokong sagutin siya dahil baka ma-stroke pa ang ama ko at ako ang maging dahilan.Mahal ko si Dad.Kaya hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sa kanya dahil sa akin.

Our Ridiculous Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon