ORF-30

9.2K 237 27
                                    

Kevin's POV

"Hey baby,help me to wake up your mom." Hinalikan ko ang tiyan ni Jasmine na di pa gaano kalakihan.Tulog na tulog pa kasi eh.Malapit ng mag-alas diyes ng umaga.Palaging ganito ang gising niya.Gumalaw siya.Palatandaan na gising na siya.

"Hey sweety.Good morning." Hinalikan ko siya sa mga labi. And as usual. Naiilang na naman siya sa tuwing hahalikan ko siya sa lips tuwing umaga.Sabi niya kasi di pa siya nakapag-toothbrush.Iniisip niya na bad breath pa siya. Pero ni hindi ko naaamoy na mabaho ang hininga niya.Pinaka-paborito ko nga ang halikan siya sa umaga pagka-gising niya.Para naman iparamdam ko sa kanya na siya ang unang inaalala ko pagkagising sa umaga.Ganito pala talaga ang totoong mainlove ano? May mga bagay na masasaktan ka pero masaya naman kapag ipinaramdam mo sa taong mahal mo ang laman ng puso mo.

"Good morning too sweety." Nakangiting bati niya rin sa akin.Umunat pa siya.Parang tamad na tamad pang bumangon.Parang bata talaga itong asawa ko.Mamaya,kakausapin ko na siya tungkol kay Kent na iyon.

Tinulungan ko siyang makatayo.Ayoko kasing nahihirapan siya eh.

Kakaiba ang buntis na ito. Parang di naglilihi.Di ko nga nakita na nagsusuka ito.Pero bawi naman sa mga pagkain na ipinpabili sa akin.At gusto niyang ako mismo ang bibili.Ayaw niya na si mama lang ang bibili.At ang masama pa,ay yung mga prutas pa na seasonal ang hinihingi.Ang hirap tuloy hanapin.Pero ok lang,di naman ako nagrereklamo.

"Luluwas daw ang mga parents ko dito next week sweety.Tumawag si mommy kanina sa akin. Gusto niya daw makita ang pagbubuntis mo. Excited na silang magkaroon agad ng apo." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Ang mga magulang ko,gustong-gusto nila si Jasmine kasi ang babaing ito daw ang nagpabago sa akin.Na totoo naman.Di na ako nagrereklamo sa mga pinapagawa ng daddy ko sa akin.Gusto ko kasi na balang araw ipagmalaki ako ng asawa't anak ko na ako ang pinakamagaling na asawa't ama sa buong mundo.At simula ng nagpakasal kami ni Jasmine, naging maayos na rin si daddy sa akin.Grabi talaga ang hatak ng babaing ito.

"Talaga sweety?" Namilog ang mga mata niya.Malamang masaya siya dahil may kakampi na siya sa pang-aaway sa akin.

"Oo. Kaya kumain ka na ng almusal mo.Baka sabihin ng parents ko na pabaya akong asawa.Tayo ka na sweety." Umupo siya kasi ulit sa kama eh.

"Hug and kisses first." Dumipa pa siya para mayakap ko siya.Naka-pout lips pa ito.Nakaugalian niya na ang ganitong paglalambing.Agad ko naman ginawa ang gusto niya.Parang magiging dalawa pa yata ang maging baby ko.At ang isa ay siya.

Inalalayan ko na siyang tumayo pagkatapos kong gawin ang nais niya.

Narating namin ang kusina at agad ko siyang pinaglalagyan sa plato niya. "Juice sweety,you like?" Alok ko sa kanya.

"No thanks sweety." Sagot niya habang nagngunguya.

"Aba,ginagawa mo na yatang prinsesa iyang anak ko Kevin." Biglang sumulpot si mama.Ang kanyang ina. "Wala ng ginawa yan dito.Palaging naka-asa sa iyo.Aba, baka masanay yan at di marunong gumawa ng sa sarili niya." Pagpapatuloy ni mama.Kung si Jasmine ay kinakampihan ng magulang ko,ito namang si mama ay sa akin kumakampi.Parang exchange gift lang.

"Ma naman eh." Maktol ni Jasmine.

"Anong ma naman?Hoy,Jasmine. Umayos ka ha.Kaw dapat ang magsilbi sa asawa mo. Hindi yung asawa mo." Nakapamewang pa ito. Ganito palagi ang eksena naming tatlo.

"Ma,ok lang po." Awat ko kay mama.

"Ay ewan ko sa inyo." Inis na tinalikuran kami ni mama.Kaya nagtawanan na lang kami ni Jasmine.

-----------------------------------

Jasmine's POV

"Sweety?" Malambing na tawag ni Kevin sa akin.Nasa sala kami ngayon at nanunuod ng Tom & Jerry.Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ko itong panuorin.Natatawa kasi ako eh.Pakiramdam ko kasi ay relate ako sa kanila.Parang ganyan kasi kami ni Kevin noon eh.

"Hmm." Yan lang ang naisagot ko sa kanya. Nakaunan kasi ako sa mga hita niya.At paminsan-minsan,kinukurot ko pa ito. Kaya nasasaktan siya. Pero iniinda niya ang sakit.

"Ano ba talaga ang Kent na iyon." Deretsong tanong niya. "Bakit palagi mo siyang napapaniginipan?" Dugtong pa niya pero may halong pagtatampo ang tono niya.Bigla naman akong nakonsensiya.Sobrang mahal ako ng asawa ko,tapos ibang lalaki ang napa-panaginipan ko?Ang unfair ko naman.Pero anong magagawa ko.Palaging pumapasok sa isipan ko si Kent kahit winawaksi ko na siya sa isip ko.Pakiramdam ko tuloy,nasa paligid ko lang si Kent.At iyong panaginip ko,paulit-ulit lang.Iyong naaksidente si Kent.

Dahil gusto ko makabawi kay Kevin,sinimulan ko ang pagkwento sa kanya.

"Magkapit bahay kami sa Bulacan sweety.Mga bata pa kami ay magkaibigan na kami.Palagi kaming dalawa lang ang magkasama.Nagdadamayan sa lahat.Lalo na kapag may umaaway sa amin.Naging sobrang close kami.Hanggang sa mangako sa isa't-isa." Sabi ko.
"Mangako?At ano iyon?" Nakakunot ang noo na tanong niya.Hindi ko tuloy alam kong itutuloy ko pa o hindi na. Maya't-maya pa ay itinuloy ko na.

"Na maghihintayan kami.Na kami lang ang magmamahalan.Na kahit anong mangyari,magiging kami sa huli.Pero bigla na lang naglaho ang pamilya nila sa lugar namin. At hindi ko alam kung nasaan sila. Sobrang nalungkot ako.At umasa na babalikan ni Kent.Pero walang may bumalik na Kent.Di niya tinupad ang pangako niya sa akin.Siya din ang dahilan kung bakit di ako nagmahal.Dahil sa murang edad ko noon,ay alam kong minahala ko siya." Hindi ko napigilan ang matangay ng emosyon ko kaya napaluha ako.Huli ko na ma-realize,na maaaring masaktan si Kevin sa reaksyon ko.
Nilingon ko siya. Pero tahimik lang siya.

"Hanggang ngayon ba ay umaasa ka pa rin sa kanya Jasmine?Mahal mo pa rin ba siya?" Napatiim pa siya.Naroon din ang halo-halong emosyon na makikita sa mukha niya.Inis, galit at takot ang nakikita ko.Ano ba itong nagawa ko?Di ko na naman naisip na maari siyang masaktan.Na asawa ko pala ang kini-kwentuhan ko.Ang tanga ko talaga.

"K-kevin." Napabangon ako at hinarap siya.

"Tell me Jasmine. Tell me.Di mo ba naiisip na maari akong masaktan sa mga reaksyon mo?Jasmine, sa tuwing maririnig ko ang pangalan ng Kent na iyon,nasasaktan ako." Sabi niya.

"Nagpapa-kwento ka di ba?" Tanong ko.

"Oo.Pero hindi yung magke-kwento ka na parang nasasaktan ka pa at umaasa.Kapag ba magpakita siya sayo, iiwan mo ako?" Tanong niya na lalong nagpabigat sa kalooban ko.Napatulal ako.Di ako makasagot ng deretso sa kanya.

"Alam ko na ang sagot mo." Tumayo siya at naglakad na. Tinawag ko siya pero di na lumingon pa.Napasabunot na lang ako sa buhok ko.

Our Ridiculous Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon