ORF-42 (Key?-The Girl?)

8.7K 199 9
                                    

Kevin's POV

Sunod-sunod kong tinungga ang alak na nasa harapan ko.
"Pare,tama na yan." Nagulat na lang ako ng may biglang umagaw ng baso na may lamang alak na tutunggain ko na sana.Nilingon ko ito.
"Kanina pa kitang pinagmamasdan.Balak mo bang magpakamatay sa alak?" Inis na tanong niya sa akin kasabay ng nakakainis niyang ngisi.
"Pakialam mo ba Javier?" Marahan ko siyang sinuntok sa balikat.Oo,si Javier nga.Ang lalaking minahal at mahal ni Miesha.
Nandito ako ngayon sa bar.Matapos kong marinig kasi kanina ang kwento ng mga kinilala kong magulang at ng totoo kong ina, hindi ko napigilan ang umalis.
Naguguluhan ako masyado.Nasasaktan ako sa katotohanan.Pakiramdam ko kasi,pinagkaisahan nila akong lahat.Di ko na nga napansin na na-abutan na ako ng gabi dito.
Dinig ko pa kanina ang pagtawag ng asawa ko sa akin.Pero di ko iyon pinansin kasi gulung-gulo na ang isip ko.Kung sa iba,madaling tanggapin yun,pero sa akin,nahihirapan pa ako.Matagal na panahon ang ginawa nilang paglihim sa akin.Matagal na panahon na hindi ko naalala ang nakaraan ko.
Di ako gago na ganun lang kadali tanggapin ang lahat.
"May pakialam ako pare kasi kaibigan pa rin kita." Bumalik ang diwa ko ng magsalita si Javier.Tiningnan ko siya ng masama then I smirk.
"A-alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko...ngayon pare?" Dahil lasing na ako,paputol-putol na ang salita ko.
"Then tell me pare." Binigyan niya ako ng pagpapanatag na tingin. "Handa akong makinig." Dugtong pa niya saka kinuha ang wineglass na may lamang alak at saka ininum ito.
Tinitigan ko siya saglit at binawi ang tingin kasabay ng patingin ko sa malayo.
Huminga ako ng malalim saka sinimulan ang mag-kwento sa kanya ng buong detalye.
"Damn pare." Napamura siya matapos akong mag-kwento sa kanya. "Can't believe it pare." Napapailing pa na sabi niya. "Pero ganun talaga ang buhay.Kaya tanggapin mo na lang ang katotohanan.May sarili ka ng pamilya.At yun ang kailangan mong buo-in at wag sirain." Pagkasabi nun ay tinapik ako sa balikat.Ang mga bagay na ito ang hinahanap ko nung mga panahon na nagkasira kami.Napangiti ako bigla sa sinabi ni Javier.
"Salamat pare." Sinuntok ko siya ng marahan. "Pasensiya na kung sa iyo ko nailabas ang saloobin ko." Sabi ko sa kanya.
"Tsk.Bro,tulad ng sinabi ko,magkaibigan tayo.Ang drama mo." Ngumisi pa siya ng banggitin ang huling sinabi.
"Ogag! Kung sa iyo kaya mangyari to?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Hindi ko rin alam.O baka magwala ako at magalit.Lahat tayo bro ay may kanya-kanyang hinaharap sa buhay.Kaya sana,harapin mo rin yan.At kung may galit ka sa mga magulang mo,mawawala din yan kapag naisilang na ang magiging anak niyo ng asawa mo." Bigla siyang napatigil ng pagsasalita at tumingin sa malayo kasabay ng pagpakawala niya ng malalim na hininga saka nagpatuloy. "Maswerte ka pa rin pare dahil sa kabila ng pangyayari sa buhay mo,makikita mo ang magiging anak mo na iniluluwa ng iyong asawa." Bumuntong hininga siya ulit. "Unlike me,ni hindi ko nga nakita ang paglaki ng tiyan ni Miesha.At yun ang masakit pare." Pagpapatuloy niya.Gusto kong matawa sa kanya.Amputs lang kasi,ako itong nagda-drama tapos siya pala ang matindi mag-drama.Kungsabagay kasi,di rin biro ang kanilang kwento ni Miesha.At hanggang ngayon,alam kong di pa sila nagka-ayos.
"Whoa!" Palatak ko at sinabayan ko pa ito ng mapang-asar na tawa. "Gago ka kasi pare.Kung di mo kasi niloko ang babaing minahal ko noon,sana,di ka pa naghahabol hanggang ngayon." Saad ko.
"Ok.I admitted. Kasalanan ko ang lahat.Ang gago ko eh.Pero gumagawa naman ako ng paraan para maging okay na kami di ba?" Tumungga siya ulit ng alak.
Matagal man na di kami nagkausap ni Javier, pero alam ko na nag-e-effort siyang sundan at suyuin si Miesha.Dahil nagke-kwento naman ang babaing iyon sa akin.At di lihim sa akin na mahal na mahal pa rin siya nun.
"Ang drama mo pare.Pero sigurado akong maaayos mo yan at mabubuo kayo.Tiwala lang pare." Wika ko at uminum na rin ulit.
"Oo naman bro." Mahina niyang sagot sa akin. "Ikaw,dinig ko ang swerte mo sa napangasawa mo." Dugtong pa niya.
"Kailan ka pa naging tsismoso pare?" Biro ko sa kanya.Tumawa lang siya ng pagak.Alam ko at nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot.Kaibigan ko siya noon pa kaya alam ko kung nasasaktan siya.Kilala ko si Javier.Kilala ko sila ni Zachary.
Bigla kong naalala ang asawa ko.Ni hindi ko siya pinansin kanina na tumatawag sa akin dahil puno ng hinanakit ang puso ko.
Agad kong hinagilap ang phone sa bulsa ko pero wala ito.Napasapo na lang ako sa ulo ko ng maalala ko na naiwan pala sa bahay dahil agad akong tumakbo matapos kong marinig ang lahat -ang katotohanan.
"What's wrong pare?" Agad na tanong ni Javier ng mapansin ang pailing-iling kong ginagawa.
"Tatawagan ko sana ang asawa ko pare.Kaso wala ang phone ko.Baka nag-aalala na iyon." Sagot ko.Ang bobo ko talaga.Ang tanga ko.Sarili ko lang ang inisip ko kanina.Alam ko na natatakot na si Jasmine sa pangyayari pero iniwan ko pa rin siya.Lumukob sa pagkatao ko ang pagkabahala sa asawa ko.Ang mahal kong asawa.
"Pare,pwede pagamit ng phone mo?" Pakiusap ko kay Javier ng maalala ko na pwede pala akong manghiram sa kanya.Total memorize ko naman ang number ng asawa ko.
"Tsk.Pasensiya pare.Pareho tayong tanga eh.Naiwan ko rin." Sagot niya sa akin.
"Shit!" Mahina kong pagmumura.
Tiningnan ko ang oras,alas nueve pa lang naman ng gabi pero kanina pa akong nawala sa bahay.Baka sobrang nag-aalala na iyon.
Dahil busy ako sa kaka-isip napansin ko na lang na nag-order na pala ulit si Javier ng inumin.
"Pare uuwi na ako." Agad na sabi ko sa kanya ng bigyan pa niya ako.
"Tapusin na lang natin ito pare saka tayo uuwi.Ngayon na lang tayo ulit nagkasama sa bar ng matagal-tagal kaya samantalahin na natin." Isang ngisi ang pinakawalan niya.
"Pero baka mag-aalala na yung asawa ko pare." Nababahalang sagot ko sa kanya.
"Doon pa rin naman ang uwi mo pare di ba?So,tapusin na natin to.Marami pa tayong mapagkwentuhan dahil matagal din na mag best enemy tayo eh." Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya. "Ganyan lang yang mga babae,mahilig mag-alala.Kaya chillax dude." Dugtong pa niya.
Wala na akong nagawa kundi ang pumayag.Kahit papaano kasi,gusto ko rin ngayon makalimot sa pangyayari sa buhay ko.Handa naman akong harapin yun,pero siguro kailangan ko pa ng panahon para lubos kong matanggap ang lahat.
At si Jasmine,ang asawa ko,alam ko naman na miintindihan niya ako.Dahil mahal niya ako.
Bigla akong napangiti ng maalala ko na noon pa pala kami nagmamahalan.
"Hoy!Baliw ka na ba pare?Kanina lang,nagda-drama ka.Ngayon naman ay nakangiti ka.Ano,kailangan na ba kitang dalhin sa mental?" Mapang-asar na tanong ang niya sa akin.Tumawa pa ng malakas ang ogag na ito.
"Ulol!" Singhal ko sa kanya at saka tiningnan ng masama.Kung di ko lang kaibigan ang gagong ito,kanina p ito bumulagta sa sahig.
Nagpatuloy kami hanggang sa napasarap na ang kwentuhan namin.Para kaming mga bakla sa aming ginawa.Pero hindi porket lalaki ang magpapalabas ng sama ng loob ibig sabihin ay bakla na agad.Nagagawa din namin yan kapag sobrang bigat na ng nararamdaman namin.
Napansin ko na lang na sobrang nahihilo na ako.Ibig sabihin,lasing na ako.Kasi malabo na ang paningin ko.
"Ihatid na kita pare.Sobrang lasing ka na eh." Si Javier.Nandito na kami sa parking.Ang gagong ito,mas lasing pa nga sa akin,may gana pang mag-alok na ihatid ako?
Hindi ako pumayag.Nagdahilan na lang ako na kaya ko pa ang mag-drive.At isa pa,may kotse din akong dala.
Hindi na siya nimilit pa.Nauna pa nga siyang sumakay sa kotse niya at pinaharorot na ito.
Ako ngayon ay nakatayo pa rin sa labas ng kotse ko.Di ko kasi makapa kung nasaan ang key ng kotse ko dito sa bulsa.Dito ko lang yun nilagay sa bulsa ng pants ko.
Kinapa ko ulit pero biglang tumindi ang hilo ko.Parang nalasing ako lalo sa kakahanap ng susi.
Gusto ko pang sumuka. Damn! Napapamura na ako.
"Looking for this?" Isang tinig ng babae ang narinig ko mula sa likuran.
Dahan-dahan ko itong nilingon at nakita ko ang ngiti niya habang hawak-hawak niya ang susi ng kotse ko.Bakit nasa kanya yan?
"X-xenia?" Banggit ko at nandilim na ang paningin ko.


---------------------------------------
Note: matagal po ba ang UD?Sorry po ha.Babawi na lang ako.
Kamusta naman po ang UD kong ito?Need your reactions guys.Gusto ko malaman.Baka may mga tanong kau.
Need ko pa mag review nito kasi nalimutan ko na ang iba.hahaha.Peace!
So please,comments and vote po kayo.
Salamat ng marami.

Unedited
No reviews

Our Ridiculous Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon