Jasmine's POV
Mahigit isang buwan na ang nakaraan.At ilang araw na lang ay kasal na namin ni Kevin.
Masaya ba ako?Siguro nga. Kasi papakasalan ko ang lalaking mahal ko.Pero paano kapag binalikan na ako ni Kent?Si Kent na unang nagpatibok ng puso ko.
"Anak, ang lalim naman ng iniisip mo. Hindi ka ba masaya sa nalalapit mong kasal?" Mula sa likuran ay tinanong ako ni mama.Nandito kasi siya eh.Sa bahay ni Kevin.Oo, dito na kami tumira ni mama.Pagkatapos ng mapag-usapan ang kasal namin ni Kevin.Lumuwas kasi ang pamilya ko dito sa Manila nung ipinagtapat ko sa kanila ang totoo. At ang pamilya ni Kevin ay formal din na namamanhikan sa pamilya ko.Mabuti na lang dahil hindi matapobre ang pamilya niya.Ok lang ako sa kanila.
"M-masaya po ma." Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Kung masaya ka,bakit parang di ko nakikita anak? Wag mong sabihin anak na hanggang ngayon ay si Kent pa rin ang iniisip mo?" Tanong ni mama at naupo sa sofa na kaharap ko.
Kaya dito nakatira si mama dahil para daw may kasama ako sa bahay na ito. Palagi kasing busy si Kevin eh.Pinilit nga lang niya ako na sumama sa kanya dito.Gusto ko pa kasi mananatili sa apartment ko habang di pa kami kasal.
"Ma,hindi ho.Baka ganito lang talaga ang nararamdaman ng ikakasal." Pagpapalusot ko sa kanya at ngumiti pa ako.
Mahal ko si Kevin.Kaya dapat maging masaya ako.Pero paano eh,di naman ako mahal ng kumag na iyon.Tanging ang anak lang namin ang inaalala niya palagi.
"Sana nga anak. Mabait ang pamilya ni Kevin.Kaya mahalin mo ang magiging asawa mo." Payo ni mama sa akin at tumayo na.
"Mahal ko naman po ang magiging manugang niyo eh.Siya nga lang ang di nagmamahal sa akin." Isinaisip ko na lang ang huli kong sinabi.Naalala ko na naman tuloy ang Kevin na iyon.Ang sweet lang kapag kaharap ang mga pamilya namin. Hindi nga alam ng family ko na di ko talaga naging boyfriend si Kevin.
"Mabuti yan anak. Sige ha.May niluluto pa ako.Dito daw kasi manananghalian ang magiging asawa mo." Sabi niya habang naglalakad na papunta sa kusina.
"Tinawagan ka ba niya ma o tinext?" Pahabol ko pa.
"Tumawag siya sa akin.Naglalambing na gusto niya daw ang mga niluluto ko." Sagot ni mama.Bigla tuloy uminit ang ulo ko.Mabuti pa ito si mama,naiisip pang tawagan ng hinayupak na iyon.
"Eh de wow!Kayo na lang kaya ang magpakasal ma?!Total sa iyo naman siya naglalambing eh!" Sigaw ko kay mama kasi napapalayo na siya.Selos ako dun ha.Naging close kasi sila kaagad ni mama eh.
"Hahaha!Selosa!" Ganting sigaw din ni mama.Tumawa pa talaga.Kaya napasimangot ako.
"Hi baby." Bati ng kakarating lang.Alam niyo ba kung sino ang dumating?Ang unggoy lang naman na ama ng anak ko.At humalik pa talaga sa tiyan ko.Nakasanayan niya na yan tuwing aalis at darating.Nakakasakit na ito ng puso eh.Yung baby na binabati niya ay yung nasa sinapupunan ko.Nakakapag-selos na talaga ang mga ito. Samantalang ako palaging huli kung batiin.
"Wag mo akong matingnan-tingnan Kevin ha.Naiinis ako sa pagmumukha mo." Sita ko kaagad sa kanya ng tumingin sa akin.Kaya ayun,napakamot na lang sa ulo.
"Tumawag pala ang designer ng gown mo. Kailangan mo daw na sukatin na ito dahil tapos na. Kaya kailangan natin puntahan yun after lunch." Saad niya.
"Ikaw na lang kaya ang magsukat." Inis kong sagot.Ganito lang yun eh,kapag kaharap ko siya, talagang umaakyat ang dugo ko sa ulo.Naiinis agad ako sa kanya. Pero kapag di niya naman ako pinansin,maiinis din ako.
"Jasmine gown yun eh.Kaya ikaw talaga ang dapat na magsukat nun." Sabi niya na halata namang naiinis siya sa akin.
"Oo na. Pero pwede,lumayas ka muna sa harapan ko?Nababanas ako sayo eh.Ayokong makita ang pagmumukha mo." Pagtataboy ko sa kanya.
"Tsk!" Yan lang ang sinabi niya at tumalikod na paakyat ng kwarto.Sinundan ko na lamang siya ng tanaw.
Pagkatapos naming mag-lunch ay pumunta na kami sa pinagawaan namin ng gown ko.Sa loob ito ng mall.
Mabilis ang mga hakbang ko habang sumasabay si Kevin sa paglalakad ko.
"Jasmine,wag masyadong mabilis." Pagpapa-alala niya sa akin.Pero tiningnan ko lang siya ng masama at iniwanan.Pagdating sa pagbubuntis ko ay talagang maalaga si Kevin sa akin.Kaya naiinis ako sa tuwing maiisip na concern lang siya sa akin dahil sa dinadala ko ang anak niya.
"Hi Kevin." Narinig kong may tumawag sa pangalan ng lalaking iyon.At familiar pa.Kaya agad ko itong nilingon.And there.Sabi na nga eh.Ang malanding Xenia.Lalo akong nainis ng nakita kong ngumiti pa si Kevin rito.
Agad akong bumalik kay Kevin at ikinawit ang braso ko sa braso niya. Nakangiti pa ako. "Hi Xenia." Bati ko kunwari sa kanya.
"Hi Jasmine.So,matutuloy pala talaga ang kasal niyo?" Nakangiti din siya ng plastik.Pero wait lang,ano ang inaasahan niya?Na di matutuloy ang kasal namin ni Kevin?Ang sarap sapakin nito.
"Xeni-"
"Oo naman." Putol ko sa pagsasalita sana ni Kevin.Humanda mamaya sa akin ang lalaking ito. "Mahal na mahal ako nito eh.Di ba sweety?" Nilambingan ko pa ang boses ko habang nakatingin sa mga mata niya.Pero ang braso niya ay dinidiinan ko ang pagkakapit rito. I'm sure,masakit ito.
"Ha-oo naman sweety." Sagot niya na parang nagugulat ba o nag-aalangan.
"Ang sweet talaga ng sweety ko." Sabi ko sabay kurot sa mukha niya.Pero talagang diniinan ko para masaktan siya.Nakita ko pa ang pag-ngiwi niya pero ininda niya lang ito. Dapat lang no.
"So,paano Xenia,we'll go ahead.Magsusukat pa ako ng gown ko para sa kasal namin ng sweety ko.Excited much na nga kami eh." Saad ko rito na pinagdidiinan ko pa ang gown at kasal na mga kataga.
"Ok. Ipag-pray ko na matutuloy talaga ang kasal niyo." Sabi pa niya bago tumalikod.Aba't ang gagang ito. Gusto pa yata na hindi matuloy ang kasal namin.
Akmang hahabulin ko pa ito pero mabilis na hinapit ako ni Kevin sa baywang bilang pagpigil sa akin.
"Jasmine enough.Wag mo ng patulan yun." Saway niya sa akin.Ang hayop na ito. Nahulaan ang gusto kong gawin. Ayaw niyang patulan ko ang babaing yun dahil sa mawawalan na siya ng lalandiin.
Kumalas na ako sa kanya at iniwanan siya. Ka-bweset kasi eh.
Natapos ang lahat ng dapat na aasikasuhin namin sa kasal namin pero di ko siya kini-kibo.
"Sigurado ka na ba doon sa cake na napili mo?" Basag niya sa katahimikan namin. Nasa kotse na kasi kami.
"Isa pa Kevin ha.Bakit ba ang kulit mo? Sabi ng oo eh." Nakabusangot na sagot ko.Inirapan ko pa ito. Kanina pa ito tanong ng tanong doon sa cake nung nasa cake shop pa kami eh.Actually,di ko rin napansin ang design nun.Na kay Xenia kasi ang isip ko at sa Kevin na ito. Nagseselos ako.
"Sinisiguro ko lang naman eh." Napakamot pa siya sa batok niya.
"Eh de isiguro mo doon kay Xenia." Ay wala na. Naibulalas ko na.
"So nagseselos ka doon sa kanya?" Nakangiting tanong niya. Ang bruho,masaya pa.
"At bakit naman ako magseselos sa kanya?Kahit pa maglandian kayo,wala akong pakialam.Dahil di naman kita mahal." Taas ang kilay na sabi ko.Pero sa pagbigkas ko ng mga katagang di kita mahal ay parang kinurot ang puso ko.Inis lang ako eh.Kaya nasabi ko iyan at isa pa para na rin maibangon ang pride ko.
Napansin ko na biglang lumukot ang mukha niya. Nalungkot ba siya sa sinabi ko?Asa ka pa Jasmine.
Napailing siya at tahimik na nag-drive.Ni hindi na nga ako kinibo.Dumeretso na kami sa bahay.
Napagod din ako sa pag-aasikaso para sa kasal namin.
BINABASA MO ANG
Our Ridiculous Fate (Completed)
RomantikKevin and Jasmin(JaVin)story from the "His Way of Revenge" (HWOR) Nagger.Yan ang pinakaayaw ni Kevin Sacramento sa isang babae. Mahangin at mayabang.Ang pinakaayaw ni Jasmine Imperial sa isang lalaki. Kaya nanumpa sila sa kani-kanilang sarili na "th...