Jasmine's POV
Unti-unting bumukas ang malaking pintuan ng simbahan.Heto na. Heto na ang araw na matatali ako sa isang responsibilidad.Ito na ang araw na goodbye single at hello double,triple at multiple at kung anu-ano pang ple yan. Hihi!
Habang naglalakad ako papasok ng simbahan ay nakikita ko na ang lalaking magiging asawa ko.Seryoso ito at walang ka-ngiti-ngiti.I know,napipilitan lang siya dahil napikot siya ni papa.Lumingon ako sa gilid ko.Nakita ko ang mga kapatid ko,mga kamag-anakan at ang buong barangay na nakangiti sa akin habang umiiyak.Alam kong masaya sila para sa akin.
Lumingon naman ako sa kabilang gilid ko.Naroon ang pamilya ni Kevin na mga seryoso.Mga nakangiwi pa ang mga labi nila. Para bang diring-diri sa akin.Ganito kasi yun eh.Langit sina Kevin samantala,lupa naman ang pamilya ko.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng mabagal.Yun bang parang nag-e-slow motion ang bawat hakbang ko.Malapit na malapit na ako sa kanya. Malapit na talaga.Kaunti na lang.
Teka lang.Napatigil ako sa paglalakad.Di ba dapat hinahatid ng parents ang bride papunta sa groom?
Masyado ba akong excited sa kasal na ito,kaya nauna akong maglakad? Obvious ba?
Tiningnan ko ulit si Kevin.Heto siya nakatingin lang sa akin na parang naiinip na. Ang hayop na ito.Wala man lang kangiti-ngiti.Sana man lang kahit pagkukunwari man lang.
Humakbang pa ako ng kaunti papunta sa kanya. Bahala na kung wala ang parents ko na hahatid sa akin.
Malapit na malapit na talaga ako kay Kevin. As in,malapit na talaga.Bigla na naman akong napatigil ng biglang tumugtog ang kanta ni Ed Sheran na Thinking out loud.
Kainis,pati ba naman kanta eh late din.Kung kanina pa sana pagpasok ko sa simbahan eh de sana naubos na ang luha ko sa kakaiyak.Bigla na lang kasing tumulo ang mga luha ko.At sinabayan pa ng pintig ng puso ko.Ganito pala ang pakiramdam ng ikinakasal.Nakakasakal.Nakaka-kaba.
Humakbang na ulit ako.
Heto na malapit na ako.Heto na inaabot niya na ang kamay ko.Ito na talaga yun.
Itong-ito na talaga to.Walang halong biro.Walang halong eklabush.Walang halong kaik-ikan.Totoo na talaga ito.
Akmang ia-abot ko na ang kamay ko sa kanya ng...
"Putragis!" Pagmumura ko.Paanong di ako mapapamura eh natapilok ako sa pisting high heels sandal ko at...at...napadapo ang mukha ko sa harapan ng ano ni Kevin...Yung ano niya.Oh noes!
"Oh hindiiiiiii!...." Sigaw ko.
"Hoy gaga!" Kung makasigaw ka diyan akala mo ikaw lang ang tao rito sa office ano?
"Office?" Kunot noong tanong ko at palinga-linga pa sa paligid.
"Ay hindi.Nasa bundok ka girl." Sarkastikong sagot ni Nina.Pisti! Panaginip lang pala yun. Nakatulugan ko pala ang pagbabasa ng wattpad.Akala ko totoo.Akala ko totoo ng ikinakasal ako kay Kevin.Bakit kaya napanaginipan ko siya?
Hindi ko na pinansin si Nina.Nagkunwari na lang ako na tumutok sa computer. Maya't-maya pa ay lumayas na siya.Mabuti naman.Naramdaman niya yata na ayokong kausapin siya.
Napabuntong-hininga ako ng maalala si Kevin.Isang taon na kasi ang nakaraan.
Ang huli naming pagkikita ay yung sinabi niya kay papa na may nangyari daw sa amin.
Agad akong napangiti ng maalala yun. Nahirapan akong magpapaliwanag noon kay papa.Pero dahil may tiwala naman ang ama ko sa akin ay naniwala naman siya.
BINABASA MO ANG
Our Ridiculous Fate (Completed)
RomansaKevin and Jasmin(JaVin)story from the "His Way of Revenge" (HWOR) Nagger.Yan ang pinakaayaw ni Kevin Sacramento sa isang babae. Mahangin at mayabang.Ang pinakaayaw ni Jasmine Imperial sa isang lalaki. Kaya nanumpa sila sa kani-kanilang sarili na "th...