ORF-36(The Truth Between The Lies)

9.1K 248 32
                                    

Jasmine's POV

"Kent?" Biglang naglandas ang mga luha ko.Hindi ako maaaring magkamali.Siya ito. Si Kent na matagal ko ng hinihintay.

Pero bakit wala siyang maalala?Gusto kong magalit sa kanya. Gusto ko siyang sumbatan.Pero paano ko gagawin iyon kung wala syang may maalala?Imposible. Mas matanda kaya siya noon sa akin ng dalawang taon.Ako nga natatandaan ko pa eh.Siya hindi?

"K-kevin,...wala ka bang natandaan talaga?" Tanong ko.Ngayon gusto ko ng maniwala talaga na siya si Kent.Ang lalaking noon pa ay minahal ko.

Bakit di ko naisip kaagad na posible nga. Una,yung pagkakaroon niya ng bracelet at picture ko.Pangalawa ang nanay ni Kent.Parang may kakaiba kasi sa sinasabi ni tita. Parang ayaw niyang malaman namin.Parang may nililihim siya. Yun bang parang may takot sa mga mata niya.

"Sweety...wala talaga." Kinabig niya ako.Dahilan upang magka-dikit ang katawan namin.Biglang tumulo ang mga luha ko.Parang nasasaktan kasi ako eh.Bakit ganun?Dapat bang magalit ako kay Kevin?

Marahan ko siyang itinulak.Napatingin naman siya sa akin habang nagtatanong ang mga mata niya.

"Sweety,alam kong nahihirapan ka dahil wala akong maalala.Wala akong magagawa eh." Sabi niya.

"Imposible." Bulalas ko. "K-kevin...alam ko,...ikaw si Kent.Ikaw yan... R-ramdam ng puso ko eh.Pero bakit di mo ako maalala?Bakit?" Inis na tanong ko sa kanya at kasabay ng sunud-sunod kong pagluha.Nabalutan ng takot ang mukha niya.Di niya kasi siguro inaasahan ang sabihin ko.

"Sweety..." Alo niya sa akin. Akmang lalapitan niya ako pero mabilis akong tumayo sa kama.

"Alam mo bang,matagal akong naghintay kay Kent,Kevin?Matagal na panahon na puro asa lang sa kanya ang ginawa ko.Inasahan kong darating siya.Inasahan kong babalikan niya ako...p-pero..." Halos di ko na matapos ang sasabihim ko.

"Sweety please,..wag kang umiyak...nasasaktan ako.Sinusubukan ko naman na alalahanin eh.Kahit pa na..."

"...p-pero ang hinihintay ko pala ay ang asawa ko." Pagpapatuloy ko sa sasabihin ko kanina.Di ko pinansin ang mga sinasabi niya.

"Pero sweety,di pa naman sure na ako yun." Malungkot na saad niya.Aawayin ko ba siya talaga?

"At ano pang patunay ang hahanapin mo Kent...Kevin?" Napasuklay na lang ako sa buhok ko.Gusto ko kasing umpugin ang ulo niya para maaalala niya ako noon.

"Jasmine, ang mga parents ko,baka may alam sila." Suhestyon niya at agad na nag-kunot ang noo niya.Tama nga siya. "But for now,please...kumalma ka muna. Wag kang magalit sa akin.Gusto ko rin malaman na ako nga si Kent.Bukas na natin ipagpatuloy ito. Gabi na oh.Buntis ka sweety.Ayokong ma-stress ka sa kakaisip." Madamdaming sabi niya.Halos mag-makaawa pa siya sa akin.

Wala na akong nagawa nang nalapitan niya na ako at niyakap.At sa huli,inihiga niya na rin ako sa kama namin.

"I love you sweety.Alam mo, masaya ako kapag ako si Kent." Hinalikan niya ako at bahagyang ngumiti.Para bang nag-iimagine siya.Hinayaan ko na lamang siya.Hanggang sa napapikit na ako.

Tunog ng doorbell ang nagpagising sa akin.Alas dyes na pala ng umaga.

Hinanap ko si Kevin sa tabi ko pero wala na siya. Kungsabagay,tanghali na kasi.Agad akong bumangon para buksan ang pintuan.Ni hindi ko na ginawa ang morning rituals ko.Sinuklay ko nga lang ng daliri ko ang buhok ko.Kaya kung sino man ang nag-doorbell,siguradong malalaman kaagad nito na kagigising ko lang.

Nagulat pa ako ng masalubong ko si Kevin pagka-labas ko ng kwarto.

"Good morning sweety." Nakangiting bati niya sa akin.At siyempre,mawawala ba ang kiss?Nakaugalian niya na yata yan.

Our Ridiculous Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon