ORF-47(Last Chapter)

10K 217 24
                                    

Jasmine's POV

"Paano kaya sweety kapag bumalik agad ang alaala mo ano?" Tanong ko sa kanya habang ang mga mata ko ay nasa kisame.

Nakaunan ako sa dib-dib niya at siya naman ay hinahagod ang tiyan ko.Kabuwanan ko na ngayon.

At hanggang ngayon,tanging ang lolo na lang ni Kevin ang kulang sa pamilyang ito.Masyado siyang matigas.Pero umaasa pa rin kami na magkaka-ayos pa rin sila.

"Bakit mo naitanong yan sweety?" Balik tanong niya sa akin.Hinalikan niya ang ulo ko. "Bango mo sweety." Dugtong pa niya.Kaya sa inis ko nahampas ko siya sa hita at natamaan ang kanyang ano.Kainis kasi eh.Iniiba ang usapan namin.

"Kainis ka." Nakalabing asik ko sa kanya.Tawa naman siya ng tawa.

"Kainis ako?Yung totoo sweety,bakit mo tinamaan yun?Sige ka,kapag yan ay nagalit,yari ka." Kunwaring pananakot niya.

"Hmp!Tse ka talaga sweety.Tumigil ka ha.Hindi na ako pwede.Malapit na akong manganak." Inis-inisan kong saad.At doon na siya humagalpak ng tawa.

"Ano ang nakakatawa?" Bumangon ako sa pagkakaunan sa dib-dib niya at pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Kasi na naman sweety,talagang sineryoso mo ang sinabi ko.Siyempre alam kong di na pwede kasi malapit ka ng manganak.Pero kapag pinilit mo ako,sino ba naman ako na tatanggi?Alam ko namang miss na miss mo na ito eh." Ngumiti siya ng nakakaloko at saka kumindat.

Lalo akong nainis sa kanya.Kaya padabog na tumayo ako kahit nahirapan ng gumalaw.Pero mabilis niya akong napigilan at napadapo sa kanyang...

dib-dib.Hihi!

"Ano ba naman kasi Kevin?" Malandi este malambing kong saad sa kanya.

"I miss you so much sweety.Alam mo,kahit magkakasama tayo araw-araw..." Hinila niya ako upang maka-unan ng maayos sa dib-dib niya.Pinagsaklob pa niya ang mga palad namin. "....pakiramdam ko,palagi akong nanabik sayo.Gusto ko lang na masilayan ang mukha mo sa araw-araw.Lalo na pagka-gising ko sa umaga,ikaw ang gusto kong unang masilayan.Jasmine,Mahal kita..." Dahil nakaunan ako sa kanyang dib-dib kaya damang-dama ko ang bawat pagtibok ng puso niya sa tuwing nagsasalita siya.Para bang sinasabi nito na ang bawat katagang binibitawan niya ay galing talaga sa puso niya. "....mahal kita.Na kahit siguro hindi pa tayo noon nagkakilala noong mga bata pa tayo,malamang siguro na gagawa ang tadhana ng paraan para mag-krus ang mga landas natin.Dahil tayo ang itinakda niya.Ikaw ay sa akin Jasmine at ako naman ay isinilang para sayo." Mahaba at madamdamin niya pahayag at saad.

Nakakakilig di ba?Kinilig ako.Oo,sobra.Kaya...

"Ehhh...naman Kevin eh." Ipinadyak ko pa ang mga paa sa kama na hinihigaan namin ngayon.

"Why?What happened sweety?" Dahan-dahan niya akong inalis sa dib-dib niya at nag-aalalang tumingin sa akin.

"Naman kasi Kevin eh.Kinikilig ako..." I giggled.

"Tsk." Sambit niya. "'Lika nga dito." Dugtong pa nito at bumalik kami sa pwesto namin kagaya kanina.

Napakaseryoso naman ng taong 'to.Kala mo naman nung nakilala ko siya bilang Kevin eh seryoso.

Nagseryoso na rin ako at inungkat yung unang tanong ko sa kanya.

"Sweety,di nga.Sagutin mo yung tanong ko kanina sayo.Paano kaya kapag bumalik kaagad ang alaala mo noon.Babalikan mo pa kaya ako gayung mayaman ka na?" Napaisip tuloy ako.Paano nga kaya?

Naramdaman ko na huminga siya ng malalim. "Tulad ng sinabi ko sweety,tayo ang itinakda.Hindi ko masasabing babalikan kita noon agad pero isa lang ang nasisigurado ko,hindi ko kayang labanan ang puso ko.Kaya sa huli tatalunin ako nitong puso ko at wala akong magawa kundi ang balikan ka."

Napangiti ako sa sinabi niya.Talaga palang naniniwala na siya sa destiny.Sabi pa nga niya minsan sa akin,di daw siya naniniwala sa tadhana.Until dumating ako sa buhay niya.Lalong-lalo na ng malaman niyang noon pa kami nagsumpaan.Na ang lalaking pinagseselosan niya na si Kent,ay siya pala mismo.Nakakatawa nga ang aming tadhana.

Para kaming pinaglaruan talaga.Pero okay na yung ganito.Kasi nalaman namin na hanggang sa huli pala ay kami pa rin.

"I love you so much Sweety." Pahayag niya.

"Ahhh!..." Sa halip na sasagot ako ng I love you too pero di ko na nagawa dahil biglang humilab ang tiyan ko.

"Sweety,ano na naman ba yang pakulo mo ha?" Balewala niya sa pagdaing ko.Akala yata nito nag-a-arte na naman ako.

"S-sweety...ahhh...masakit eh." Bigla kong hinagod ang tiyan ko na tumindi yata ang paghilab.

"Ang ano ang masakit sweety?" Casual pang tanong ng ogag na ito.Eh ang sakit-sakit na eh.Gustuhin ko mang bumangon pero di ko makaya.

"Ang ...t-tiyan ko Kevin!Manganganak na yata ako eh...ano ba?!" Bulyaw ko sa kanya.

"Sos,manganganak lang pal-what?!Manganganak ka na sweety?!" Gulat na tanong niya at saka agad na tumayo.Halos masubsob pa ako sa kama dahil sa naitulak niya ako ng hindi man ubod lakas pero may pwersa pa rin.

Sapu-sapo ang tiyan ko ay pinagmasdan ko lang siya habang tarantang-taranta.Paikot-ikot pa siya.

"Ano ba Kevin?!" Bulyaw ko ulit sa kanya. Napatingin siya sa akin.Gusto ko ng tumawa sa reaksyon niya habang nagbubukas ng mga cabinet.Ang hayop na ito,ano pa ang pinagga-gawa diyan eh ang sakit na ng tiyan ko.

Pinilit kong makatayo.Dahan-dahan ang lakad ko papunta sa kinaroroonan niya.

"Kevin!Dalhin mo na ako sa hospital dahil ang sakit na!Baka dito pa ako manganganak sa loob ng kwarto!" Sigaw ko sa kanya ng makalapit ako.

"Ay oo nga pala.Hospital.Dalhin na kita." Taranta niya pa ring sabi.In-expect ko na buhatin niya ako pero iba ang nangyari.Ang binuhat niya ay yung mga damit na nakalagay na sa bag na inihanda na namin noong mga nakaraang araw.

Nilampasan niya lang ako at patakbong pumunta sa pintuan.

Nang akmang bubuksan na niya ang pintuan ay sumigaw ako.

"Kevin!Ano ba?!!!..ako ang dalhin mo sa hospital hindi yung bag na iyan.Anak ng...ahhhh!" Namilipit na ako sa sakit.Naiinis na ako sa kanya.Ano yun ang bag ang papaanakin niya sa hospital?

Ramdam ko na rin na may umagos na sa pagkatao ko.Pumutok na yata ang panubigan ko.

Patakbo siyang bumalik sa akin at finally ay binuhat na nga ako at patakbong bumaba.

Pagdating namin sa garahe ay agad niyang binuksan ang kotse at halos ihagis pa ako sa loob.Parang tanga naman itong mataranta ng asawa ko.

Pagkapasok na pagkapasok niya sa kotse,ininda ko ang sakit at malakas siyang binatukan.

"Aray naman sweety." Reklamo niya habang in-start na ang kotse.Halos nasubsob pa siya sa manibela.

"Nakaka-bwisit ka kasi eh.Manganganak na nga ako't lahat-lahat.Kung anu-ano pang ginawa mo!..Ahhhh!" Sigaw ko ulit.

"I-i'm sorry sweety.Nataranta na kasi ako eh." Paliwanag niya habang nagmamaneho.Pero bakas pa rin sa kilos niya ang pagka-taranta.

Nakakatawa naman itong asawa ko.Masyadong excited.

---------------------------------

Author ------- guys tanong ko lang.Malapit na kasi tong matapos.Who knows,baka epilogue na ang next.Kaya di ko na nilagyan ng title ang chapter na ito.

Ok,ito na ang tanong ko.Kaninong story ang gusto niyong isunod ko dito?

Kay Javier ba at Miesha?
Kay Rainier Bankoff? O kay Sandro?
Sila po yung mga character sa His Way of Revenge.Kung nakabasa kayo nun,kilala niyo sila.

**************
May new story po pala ako.Sana kapag may time kayo,mabasa niyo.

My new story entitled 'My Bodyguard Is My...What?!' -Hope na mabasa niyo po yun.heheh.Feeling writer po talaga ako.haha.

Unedited
No reviews

God bless and thanks po.

Our Ridiculous Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon