ORF-16 (Positive)

11.5K 331 29
                                    

Jasmine's POV

Inis na ibinato ko ang isang bagay na nagpapatunay na simula sa araw na ito ay magbabago na ang aking buhay.

Nanlulumo akong napa-upo sa sofa ko.Di ko na rin mapigilan ang pag-iyak.Sinabunutan ko ang sarili kong buhok.Hindi ko alam kung ano ang gagawin.Patuloy lang ang paglandas ng mga luha ko.Pakiramdam ko kasi,hindi na matutupad ang pangarap ko para sa sarili ko at sa pamilya ko.

Mahigit isang buwan na ang nakaraan ng huli kong nakita si Kevin.At ang gabing iyon ang huli.Ang gabing iyon na nagpakatanga ako.Ang gabing iyon na ibinigay ko sa kanya ng buong-buo ang sarili ko.At ang gabi ding iyon ang babago sa hinaharap ko.

Gusto ko siyang hanapin.Gusto ko siyang tawagan pero kahit paano ay nangingibabaw pa rin ang pride ko.

Noong gabi na may nangyari kasi sa amin,kinaumagahan ay di ko na siya nakita sa higaan ko.Bigla siyang nawala.Kasabay noon ay ang pagkawala ko sa sarili.Oo, mahal ko na si Kevin.Pero ang tanga ko lang.At di ko rin siya masisi kasi hinayaan ko rin siya sa nangyari.Kahit pa na walang relasyon na nangyari sa amin.

Ang kinaiinisan ko lang ay yung biglang pagkawala niya na parang bula.Ni tawag at text ay di niya nagawa.Ano pa nga ba ang aasahan ko?

"Kevin,nasaan ka na ba? Kung buhay ka pa,magpakita ka naman.At kung patay ka na, magparamdam ka naman." Inis na bulong ko sa sarili.

Naalala ko bigla si Allison.Kailangan ko siyang maka-usap.Kaya tinawagan ko siya at mabuti na lang dahil hindi siya busy ngayon.Kaya kahit nahihilo pa ako ay tumayo na ako.

------------------------------

Agad akong nakarating sa isang coffee shop na kung saan ay dito kami magkikita ni Allison.And there she is.Nauna pa sa akin.Bibihira na lang kasi siyang pumapasok sa office kaya di kami nakakapag-usap.

"What's the problem?" Nag-aalalang tanong niya kaagad.

"This." Agad kong inilapag sa table ang bagay na ibinato ko kanina. Siyempre, muli ko iyon dinampot kanina.

Nanlaki naman ang mga mata niya ng makita ang bagay na iyon.Biglang nangunot ang noo niya.Naka-awang lang ang mga labi niya habang nakatingin sa akin.

Umupo ako sa tapat niya.At isinuklay ang kamay ko sa buhok. "Ang tanga ko Allison." Naibulalas ko.At medyo nanunubig na rin ang mga mata ko.

"S-sino...ang ama?" Halos napapalunok pa siya habang nagtatanong.Siguro di pa rin siya makapaniwala sa pregnancy test na ipinakita ko sa kanya. Oo, buntis ako.Nagbunga ang gabing iyon na pinagsaluhan namin  ni Kevin.

Pinahiran ko muna ang gabutil na luha ko bago nagsalita.Parang wala pa akong lakas ng loob na sabihin sa kanya kung sino ang ama.Pero pinapunta ko siya rito para maka-usap ko siya kaya nilakasan ko na ang loob ko.Pero bago pa ako nakapag-salita ay napapalunok pa ako ng laway.

"Si..." Seryoso ako na tumingin ng deretso sa mga mata niya. "....si K-kevin,Allison." Dugtong ko.At lalo namang nanlaki ulit ang mga mata niya.

"I knew it." Palatak niya.Parang tanga lang siya na tumawa pagkatapos ng pagkabigla.Ang sarap batukan ng babaing ito. Nagawa pa ba naman ang maging masaya sa kabila ng kalagayan ko.

Inis na tinapunan ko siya ng tingin.Kaya sumeryoso na siya.

"Congrats Jas ha.Mabuti ka pa." Sabi niya at biglang nalungkot ang mukha niya.Paano ba naman,hindi pa siya kasi nabubuntis.Malapit na kasing mag-two years sila na mag-asawa ni Zach.

Our Ridiculous Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon