Kevin's POV
"Sweety,bakit di mo ginagalaw ang pagkain mo?" Malambing na tanong ko sa kanya. "Ayaw mo ba yan? Gusto mo palitan ko na lang?" Dugtong ko pa.Nitong mga nakaraang araw ay palagi na siyang nasa malalim ang pag-iisip.Katulad ngayon,pinagla-laruan niya lang ang pagkain na nasa plato niya.
Simula ng makita niya yung nilalaman ng envelope na iyon,ay naging ganito na siya. At sa tuwing tinatanong ko siya, di naman sumasagot.Basta tahimik lang siya.Ano kaya ang mayroon sa mga bagay na iyon.Ibinigay kasi iyon ni mommy sa akin pagka-uwi namin dito sa Pilipinas galing America. I was just ten years old ng umuwi kami dito.Doon na ako lumaki although dito ako ipinanganak.
Nang malaman ni mommy na buntis siya ay umuwi kami agad dito.Ang layo nga ng gap ng edad namin ng sumunod sa akin.Almost eleven years kasi ten years old na ako ng mabuntis siya ulit.
Naghahapunan kami ngayon kasama si mama.
"Ok na ito sweety.Ayoko na nga eh." Tumayo siya. "Pasok na po ako sa kwarto ma." Paalam niya kay mama.Napapailing na lang si mama habang ang mga mata ay nagtatanong kung may problema ba kami.Umiling lang ako at mabilis na sinundan si Jasmine.Nahihirapan na ako sa kanya. Kahit nga pagkain ko ay di ko pa natapos.Pero ok lang.Baka may tampo sa akin.Kaya kailangan kong suyuin at lambingin.
Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita ko siyang naka-upo sa kama.Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa batok.
"Sweety,may problema ka ba? Sabihin mo naman sa akin eh." Tanong ko sa kanya. Agad na kinalas niya ang pagkaka-yakap ko sa kanya at hinarap ako.
"Gusto kong umuwi bukas ng Bulacan,Kevin." Napa-buga pa siya ng hangin.
Nagulat ako sa sinabi niya.Alam ko naman na taga-roon siya pero halos ayaw niya na nga umuwi doon. At isa pa,madalas namang bumibisita dito ang mga kapatid niya at kahit si papa niya."Sweety,ano naman ang gagawin mo doon? Mainit ang panahon.At isa pa,buntis ka.Baka mahirapan ka." Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Probinsiya kasi ang Bulacan.Kaya mainit ang sikat ng araw.
"Yung pamilya kasi ni Kent ay naka-uwi na daw doon. Gusto ko lang malaman kong nasaan na si Kent." Habang sinasabi niya ang mga katagang iyan ay malungkot ang mukha niya.
So,iyon pala ang gusto niya?Nais kong magselos pero pina-kalma ko na lang ang sarili ko.Baka ito na naman ang dahilan ng pag-away namin.
"At kapag nalaman mo kung nasaan si Kent,ano ang gagawin mo Jasmine?" Kahit nasasaktan man ako ay pinanatili kong normal pa rin ang tono ko.
"Wala.Gusto ko lang malaman.Kaya please sweety,payagan mo na ako oh.Di naman kita iiwan kahit nagkita na kami ni Kent.Ikaw na ang asawa ko." Malambing na ang boses niya.At kapag ganito na siya,talagang di na ako makaka-tanggi.
"Ako ang asawa mo? Eh ang mahal mo?" May himig na tampo na ang pagtatanong ko.
"Siyempre, ikaw din.Kaya please sweety oh." Hinalikan pa ako sa mga labi pagkatapos niya magsalita.Paano pa ako makaka-tanggi rito "Sweety,I love you." Dugtong pa nito at saka nag-puppy eyes.
"Binobola mo lang ako Jasmine." Kunwaring nagtatampo pa rin ako.
"Ako kaya ang binola mo.Tingnan mo nga itong tiyan ko oh.Bolang-bola na. Oh di ba? Ikaw ang dahilan nito kung bakit naging bola ito. Kaya wag mong sabihin na ikaw ang binobola ko." At tumawa siya ng nakaka-loko.Agad na pinitik ko siya sa noo.
"Array!" Reklamo niya.
"Magka-iba naman ng kahulugan yan." Sabi ko.
"Pero pareho ng spelling." Nakangiti niya pa ring pagpapa-lusot. "Sige na kasi sweety, payagan mo na ako." Pagpatuloy niya."Ano pa nga ba magagawa ko?Na-uto mo na ako sa I love you mo eh."
"Talaga sweety?Sabi ko na nga ba eh.Bait talaga ng sweety ko.Kiss nga." Parang bata na sabi niya.Tuwang-tuwa siya at inginuso pa ang mga labi. Kaya hinalikan ko rin ito.
"Sa isang kondisyon." Sabi ko ng matapos ko siyang halikan.Bigla naman siyang nanlupaypay.
"Ano yun?" Tanong niya.
"Kasama ako dapat.Ako ang magda-drive ng kotse.Di ako papayag na aalis kang mag-isa.Isama na rin natin si mama." Mahabang sabi ko.
"Yun lang naman pala eh.Sure sweety.Basta ha,wag kang magselos." Saad niya sa akin.
"Bakit naman ako magseselos?Alam ko namang patay na patay ka sa akin eh." Biro ko.Pero sa totoo lang,nangangamba ako na baka sa muli nilang pagkikita ay maiwanan ako.
"Yabang.Hmp!" Hinampas pa ako.
"I love you Jasmine.Mahal ko kayo ni baby.At sana kahit anong mangyari ay di mo ako iiwan." Nagseryoso na ako.
"Oo naman no.Love ka rin namin ni baby eh.Baka magalit pa siya sa akin kapag iniwanan ko si daddy niya." Nakangiting sagot niya sa akin.Kaya kahit papaano ay nawala ang pangamba ko.
-------------------------------------
Jasmine's POV
Mabilis naming narating ang lugar na kinalakhan ko.Ang Bulacan.Pagpasok pa lang namin sa iskinita ay panay na ang tingin ng mga tao sa amin.Ano pa nga ba ang aasahan ko?Ganito naman dito sa lugar namin ang mga tao.Lalo na dahil naka-kotse si Kevin.
Wala pa ring pinagbago dito.Marami pa ring tambay na mga tao.Yun bang nag-aabang sa pwede nilang madiskartihan kapag alam nila na madatong ang nadayo dito.Mababait naman ang mga ito. At isa pa,di naman skwater ang lugar namin.
Na-miss ko to.Na-miss ko ang lugar namin dito sa San Gabriel,Malolos,Bulacan.Ang mga maliliit na tindahan.At kahit papaano ay may mga restaurant din dito.Magkakakilala ang lahat ng tao dito.Maliban na lang sa mga bagong salta.
Naglalakad kaming tatlo ngayon nina mama.Samantala si Kevin ay naka-akbay sa akin.Iniwan lang namin sa may labasan ang kotse niya kasi.
Kaya ayun,maraming nanganga-musta sa akin at nagsasabing ang swerte ko raw.At siyempre, pati si Kevin ay hinihingi-an din nila. Mabuti naman si Kevin dahil di madamot.Nagbibigay din siya ng pera.
Malapit na kaming makarating sa amin.Pero bago pa mangyari iyon ay nakita ko ang dating tinatayuan ng bahay nina Kent na ngayon ay bago na ito.
"Anak, yan na ang bagong bahay nina Kent." Bulong ni mama sa akin.Naramdaman ko na napahigpit ang pag-akbay ni Kevin sa akin.
At ako naman ay di malaman ang nararamdaman.Kinakabahan na nangangamba.
Bago pa kami makarating sa bahay,ay madadaanan mismo ang bahay nila Kent.
Napansin ko kaagad ang medyo may edad ng babae.Alam kong nanay ito ni Kent.Nilapitan ko ito.
"Kamusta po?" Medyo nagulat pa siya sa pagbati ko.Bumilog naman ang mata niya ng makita ako.
"Jasmine? Ikaw nga. Ikaw nga yan." Nagulat na lang ng bigla niya akong niyakap.Naramdaman ko pa ang pagpatak ng luha niya sa balikat ko.Kahit ako ay napaiyak na rin.
"Buntis ka na? Nag-asawa ka na?" Tanong niya habang pinapasadahan ang katawan ko.Naroon sa mukha niya ang lungkot at saya. Saka ko lang naalala si Kevin.Nilingon ko ito. Nakatingin lang siya sa amin habang naka-kunot ang noo. Ni hindi nga rin siya napansin ng nanay ni Kent.
"Tita, asawa ko po,si Kevin.Sweety si tita Ka -"
"Kent, anak? Ikaw...nga yan." Putol niya sa sasabihin ko ng makita si Kevin.Ano daw? Tinawag niyang si Kent si Kevin?
"K-kent...anak..." Napahagulhol siya ng iyak.Mabilis na niyakap niya si Kevin na tulala pa rin.
"Hindi ako nagkakamali.Ikaw si Kent.Ikaw ang anak ko.Na...raram...daman ko.D-dito sa puso ko...ikaw iyan..." Halos di pa niya mabuo ang mga kataga dahil sa kakaiyak.At kami naman ni Kevin ay parang nabato-balani.Ano ang ibig sabihin nito?
------------------------------------
A/N: Unedited
No reviewsWaaaaahhhhhh....sobrang miss ko na ang umuwi ng Bulacan.Makauwi nga one of this month.He he!Love,love Bulacan.
BINABASA MO ANG
Our Ridiculous Fate (Completed)
RomanceKevin and Jasmin(JaVin)story from the "His Way of Revenge" (HWOR) Nagger.Yan ang pinakaayaw ni Kevin Sacramento sa isang babae. Mahangin at mayabang.Ang pinakaayaw ni Jasmine Imperial sa isang lalaki. Kaya nanumpa sila sa kani-kanilang sarili na "th...