Sam's POV
Kakatapos lang naming magtanghalian ni Aljosh. Siya ay nasa kaniyang opisina dito sa bahay habang ako naman ay nandito sa kusina at naghahanda ng mga kakailanganin namin mamaya.
Alam kong after office hours pa ang dating ng mga kaibigan ko pero ayaw ko kasing madurot kaya minabuti ko nang umpisahang i-marinate yung mga karne at iba pang dapat i-marinate Sigurado kasing mag-iihaw kami mamaya.
Barbecue party is always on the list kapag nag-sleep over kami. And when we say barbecue party, huwag kang umasa na karne o barbecue lang iihawin namin. Dahil tiyak na bukod sa karne ay meron ding isaw, chicharong bulaklak, balat, adidas, ulo ng manok, dugo ng baboy at manok, hotdog, at seafoods na pang-ihaw tulad ng pusit, tahong, shrimp and crabs.
Bukod sa mga pang-inihaw ay inuumpisahan ko na ring pakuluan ang karne ng baka na gagawin kong nilaga. Hindi rin kasi pwedeng mawala ang higuping sabaw, lalo na ang nilaga, sa umpukan naming magkakaibigan.
At ngayon naman ay iginagayak ko na ang rekado ng iba ko pang lulutuin. Kailangan kong masiguro na kumpleto mga rekado bago magsimulang magluto. Yun kasing mga sobrang pagkain kahapon ay walang pasabing kinuha ng mga kapatid at pinsan ko. Sila na raw bahala para hindi masayang ang mga iyon. Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang sila.
Magluluto ulit sila Joanna, Marianne, at Katherine ng fajitas, burger steak, chicken and fish fillet, pasta carbonara, pizza with different toppings, lasagna, dumplings, hot pot, ma po tofu, spring rolls, samgyeopsal, kimchi, jjajangmyeon, sushi, udon, tempura, yakitori, sashimi, ramen, donburi, tamagoyaki, tonkatsu, sukiyaki, okonomiyaki, nikujaga, curry rice, takoyaki, at yakisoba. Pero dahil maraming customer ngayon sa Sweetbaby's, do'n na lang daw nila lulutuin ang mga iyon at dadalhin na lang nila dito mamaya.
Ako naman ay magluluto ulit ng stuffed egg, fruit salad, buko pandan, buko salad, french frieskalderetang kalabaw, chopsey, sinigang na hipon, grilled stuffed pusit at mixed vegies. Dadagdan ko pa ng sinigang na hipon, baked tahong, baked macaroni, tiramisu, potato salad, honey garlic shrimp, garlic butter shrimp skillet, spicy New Orleans Shrimp, butter garlic crab, ginataang alimasag, sweet and spicy crab, at crab in oyster sauce.
Alam kong marami ang inihanda kong pagkain, pero sinadya ko 'yan dahil food lover kaming magkakaibigan. Siguradong habang nag-uusap kami ay hindi rin matitigil sa pagnguya ang mga bibig namin. Ganoon lagi ang nangyayari sa tuwing nagkakasama-sama kami.
Alam kong hindi ko kakayaning iluto lahat ng iyan kaya naman nagpapunta ako ng ilang empleyado ng Sweetbaby's. There is more than enough kitchen helper sa Sweetbaby's kaya kahit maraming gawa doon eh walang magiging problema kahit nagpapunta ako dito ng ilan.
Hindi na ako nag-abalang maghanda ng kahit anong inumin. There is a silent agreement between us na kung kaninong bahay kami tutuloy siya ang bahala sa mga pagkain, at ang mga dadayo naman ang bahala sa lahat ng inumin. And when I say drinks, it involves all kinds of drinks na iinumin namin, alcoholic man o non-alcoholic.
Busy ako sa pagluluto nang maramdaman kong may biglang dumigkit na mabalahibo sa paa ko. And when I check what it is, agad akong napangiti dahil nakita ko si Keroberos, my male African lion cub. And yes, galing din sa anime ang name niya tulad nila Hikaru at Lantis, at nang iba ko pang fur babies.
Agad ko siyang niyuko at hinimas, "What are you doing here, Keroberos? Where are the others?" kinarga ko siya at hinarap ang mga kasama ko dito sa kusina.
"Punta lang muna ako sa garden." nakangiti kong saad sa kanila.
"Sige po, Ma'am. Kami na po ang bahala dito. Kaya na po namin. Don't worry." saad ni Annie, ang nagsilbing namumuno sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/153313845-288-k886412.jpg)
BINABASA MO ANG
The Blitz Marriage: Married At First Sight
RomanceSobrang nasaktan si Sam nang matuklasan niyang niloloko siya ng kanyang fiancé. He cheated with her bestfriend. Dahil sa kagustuhan ni Sam na maklimot sa sakit na nararamdaman, napagdesisiyunan niyang lunuring mag-isa ang sarili sa alak. Pero dahil...