06

155 6 0
                                    

Chapter 06

Nandito kami ngayon ni Owem sa kwarto ko, nagre-review kami dahil malapit na ung final exam. Kailangan naming pumasa sa finals kasi balak namin ni Owem na mag out of town. Alone time namin kung baga.


Buong araw kaming magkasama pero hindi kami nag-uusap dahil nga kailangan namin mag-review kahit naman mag jowa kami alam pa din namin ung priority ng isa't isa at ayon ay ang pag-aaral namin.


Nasa gitna kami ng pag-babasa ng biglang may kumatok at bumukas ang pinto, si Mommy lang pala.


"Oh Kath, Owem kain muna kayo." Sabi ni Mommy sabay lapag ng tray na may lamang juice at sandwich.


Napaka-maalagain talaga ng Mommy ko.


"Sige po tita, thank you po." pasalamat ni Owem.


Umalis na si Mommy pag-tapos non at si Owem naman at kumain na, mukhang gutom na nga siya.


Tinuloy ko lang ang pag-babas ko dahil hindi pa naman ako masyado nagugutom.


Makalipas ang ilang minuto ay biglang nagsalita si Owem.


"Break ka muna Doktora, here have some sandwich." sabi niya sabay abot sa akin ng sandwich.


"Thank you doc." sabi ko at kinuha na ung inaboy niyang sandwich.


"Sipag mo ah, wag kang susuko ah?"


"Of course babe, magdo-doctor pa tayong dalawa eh." sabi ko.


"I can't wait for that day." -Owem.


Napa-ngiti ako sa sinabi niya pati kasi ako hindi makapag-hintay dumating ung araw na yon.



Naeexcite akong magtapos ng pag-aaral kasama siya, tumira sa iisang bahay kasama siya, buong ng pamilya kasama siya, siya lang ung gusto kong kasama sa lahat kasi kung hindi siya, hindi na ako magmamahal pa ng iba.

________________________________________________________________________________________________________________________________

:):

Until We Meet Again Where stories live. Discover now