Chapter 02
Nandito ako ngayon sa bahay nila Owem, wala kasing pasok ngayon kaya pumunta muna ako dito.
"Babe" tawag ko sa kanya habang nagbabasa siya.
"Yes?" sagot niya, hindi pa din tinatanggal ung paningin sa libro.
Lagi siyang busy pero naiintindihan ko naman kaya nga kukulitin ko eh, HAHAHAHAHAHA. Mahirap talaga maging med student pero dahil pangarap ko ito, wala mahirap mahirap lahat kakayanin para sa pangarap.
"Babe" tawag ko ulit.
"Hmm?" sagot niya din habang hindi pa din tinatanggal ung paningin sa libro.
Nakakaselos na ung libro--- char.
"Baaabbeee"
"Baabbbeeee"
"Owem...
...Castro"
"BABE!!" sigaw ko dahil hindi niya ako pinapansin.
"Po?" mahinahong tanong niya habang ako nababadtrip na.
"Hindi mo ako pinapansin. Hindi mo na ako lab?" tanong ko.
Binaba niya ung libro at lumapit sa akin-- Sa wakas binaba niya din ung libro.
"Syempre lab kita." sagot niya sabay kiss sa akin.
Kahit boyfriend ko na siya kinikilig pa din ako, gosh! Ang harot ko.
"Pero hindi mo na ako pinapansin!" nagtatampo kunwaring sabi ko.
"Nagbabasa kasi ako, Babe!" sabi niya.
Umirap na lang ako at tumalikod para umepekto ung drama ko. Gosh med student ako pero daig ko pa artista kung umarte pero atleast kung di ako palarin maging doctor, aba hindi pwede yon.
May kamay na pumulupot sa bewang ko at sabay hiniga sa kama.
"Babe naman, wag ka na mag tampo!" suyo ni Owem.
"Hindi naman ah! Gusto ko lang ng yakap kaya ko yom ginawa." sabi ko habang naka ngiti.
I heard him chuckled.
Naka cuddles kami ngayon, ito ang isa sa pinaka masarap sa pakiramdam. Ang maramdaman mong nakayakap sayo ung lalaking sobrang mahal mo. Sana ganto na lang palagi, sana hindi na dumating ung oras na maghihiwalay kami.
________________________________________________________________________________________________________________________________
:):
