Chapter 04
It's weekend today and Owem text me last night na magda-date daw kami kaya pumayag ako, mamaya na lang ako mag-aaral tutal mahaba pa naman ung araw tsaka kaya ko na din yon.
Naka-bihis na ako at hinihintay na lang ang pag dating ni Owem my babe.
After a few minutes dumating na siya. Naka simple white shirt, black pants at snikers lang siya pero sobrang pogi pa din niyang tignan. Habang tinitignan ko siya, nakikita ko ung future ko kasama siya.
Ang harot ko. HAHAHAHA! Pero totoo yon.
"You're so beautiful, babe." bungad niya sa akin ng makalapit siya.
Ilang beses naman na akong nasabihan ng maganda pero bakit iba ung nararamdaman ko pag galing na sa kanya ung mga salitang yon? Parang may magic kasi pag siya ung nag sasabi kinikilig ako.
Habang nasa sasakyan kami ay nag tanong ako.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
"Magda-date." sagot niya.
Minsan talaga kahit pogi siya gusto ko siyang saktan eh.
"Alam ko, i mean saan tayo magda-date." may bahid ng inis na sabi ko.
Tumawa muna siya bago sumagot. "Manonood lang tayo ng movie tas kakain."
Namiss ko din ung ganito kasi matagal na simula nung huli kaming nag date, madalas na kasi kaming busy sa pag-aaral kaya rest day muna namin ngayon ng babe ko.
________________________________________________________________________________________________________________________________
:):