15

123 6 0
                                    

Chapter 15


Palapit na ng palapit ung birthday ko pero hindi ko magawang ma-excite.







Sila Mommy ang nag-aasikaso ng party na yon dahil ayokong ngang umalis sa tabi ni Owem.







Humihina ng humihina si Owem kada araw, hindi ko alam kung bakit pero ginagamot naman siya. Ayoko pang mawala si Owem hindi pa sapat para sa akin ung 2 taon na mag kasama kami, gusto ko pang madagdagan yon.







Mapintag ako ng biglang tumunog ang cell phone ko. Tumatawag si Mommy







"Hello, Mom?" sagot ko sa tawag.







[Kath, anak. Kailangan kita dito para sa dress na susuotin mo, kailangan ng sukat mo.] sabi ni Mommy.







"Pero--"







[It'll be quick Kath, after this you can go back to the hospital. We just need your measurements.] putol sa akin ni Mommy.







"Okay." pagsuko ko bago ibaba ang tawag.







Nag-paalam muna ako kay Tita at Tito. Buti na lang at nandito sila atleast may mag babantay kay Owem.







"Tita, tito aalis po muna ako kailangan daw po kasi akong sukatan sabi ni Mommy." paalam ko.







"Go do your thing, hija." sabi ni Tita.







Lumapit ako kay Owem at hinalikan siya sa pisnge. "I'll be back, babe."







"Take care, babe. I love you." sabi ni Owem.







"I love you too." sabi ko tapos ay umalis na.







Pag baba ko ay pumara agad ako ng taxi at sinabi ang pupuntahan ko, medyo malayo ung pupuntahan ko kaya medyo nag tagal ako.







Pag-dating ko doon ay agad akong sinalubong ng yakap ni Mommy kaya niyakap ko din siya pabalik.







Naging mabilis ang pag-kilos ng mga nag-susukat sa akin dahil sabi ko ay kailangan ko ulit bumalik sa ospital.







Nasa kalagitnaan na kami ng pag-susukat nang biglang mag ring ang phone ko, tinignan ko kung sino ang tumatawag at hindi ko maiwang kabahan ng makitang si Tita Olivia iyon.







Sana walang nang-yaring masama kay Owem.







"Hello, Tita? May nangyari po ba? Kamusta po si Owem? Ayos lang po ba siya?" sunod sunod na tanong ko.







[Aaaaahhhhh! Ma sobrang sakit ng ulo ko! aaaaahhhhh] rinig kong sigaw ni Owem.







[K-kath, s-sobrang sakit na daw ng ulo ni Owem.] sabi ni Tita, halatang umiiyak.







Kung mahirap to para sa akin alam kong mas mahirap to para sa kanila kasi anak nila yon eh. Wala namang magulang na magiging masaya pag nakita nilang nasasaktan ung anak nila.







"Sige po Tita, papunta na po ako." sabi ko at aligagang lumabas ng boutique at pumara ng taxi.







God, please wag po muna. Gusto ko pa pong makasama si Owem sa birthday ko please.

________________________________________________________________________________________________________________________________

:):

Until We Meet Again Where stories live. Discover now