Chapter 13
Malapit na ang birthday ko dapat masaya kaming naghahanda ni Owem para sa isa sa mga special na araw namin pero dahil nga may sakit siya ay hindi ko magawang maging masaya.
Gising na si Owem at nakakausap na siya, nakatingin lang ako habang kausap siya ni Tita Olivia.
"Kamusta ka na, anak?" tanong ni Tita.
"Ayos lang ako Ma, don't worry too much." naka-ngiting sabi ni Owem.
Kung hindi ko lang alam na may cancer siya, iisipin kong simpleng sakit lang ang meron siya kaya siya nasa ospital.
Parang wala siyang iniindang sakit sa paraan ng pagkausap niya sa amin, parang normal na normal kahit alam kong may nararamdaman siya sakit. Lagi naman siyang ganyan eh, hindi niya pinapakita sa kahit na sinong nasasaktan siya.
Nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Owem.
"Babe." tawag niya.
"Hm?" sagot ko habang pinipigilang umiyak.
"Lalabas muna kami." sabat ni Tito na agad naman sinang-ayunan ni Tita.
Nang malabas sila ay nag-salita ulit si Owem.
"Babe, halika." sabi niya sabay tapik ng kama niya.
Pag-upo ko sa gilid ng kama niya ay bigla niya akong niyakap, konti na lang ay maluluha na ako pero i did my best to hold my tears dahil ayokong makita niya akong mahina, kailangan niya nang lakas ngayon kaya hanggang kaya ko ay lalakasan ko ang loob ko.
"Sorry." biglang sabi niya.
"For what?" tanong ko.
"Alam kong nasasaktan ka dahil sa nalaman mo, you can cry babe. I'm still here to wipe your tears." sabi niya dahilan para mag bagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Please, babe. Promise me na lalaban ka. Wag mo akong iiwan, please." umiiyak na sabi ko.
"I'll do my best to stay babe, I promise." -Owem.
_________________________________________________________________________________________________________________________________
:):