Special Chapter 1

217 4 0
                                    

Special Chapter.


A/N: Here's the SC of Until we meet again. I'll update another SC of UWMA and ONM after Christmas. Keepsafe and advance Merry Christmas my Achies.



It's been a few days since nalaman kong may sakit ka... Bakit? Bakit ikaw pa?




It's already 2:00 am but I'm still awake, looking at your handsome face. Iniisip ko pa lang na mawawala ka parang hindi ko na kakayanin.




Patuloy lang na tumutulo ang mga luha ko habang nakatingin sayo... Hindi, hindi ko kaya ng wala ka Owem.




"B-babe, please l-lumaban ka. H-hindi ko k-kaya ng w-wala ka" Umiiyak na kausap ko sakanya kahit alam kong hindi siya sasagot dahil malalim na ang tulog niya. "K-kailangan pa k-kita."




Bakit kailangan pang mangyari 'to? Bakit si Owem pa? Madami pa kaming pangarap eh, at gusto ko pang matupad lahat ng 'yon.




"M-mahal na mahal na m-mahal kita, b-babe" Mahinang sambit ko habang patuloy na tumulo ang mga luha ko.




Ayokong mag isip ng hindi maganda pero hindi ko maiwasan dahil kahit ako nakikita kong nahihirapan na siya at alam kong gustong gusto na niyang sumuko, alam kong pinipilit lang niyang maging malakas para sa'kin, sa'min.




Selfish na kung selfish pero hindi ko kayang mawala siya kahit alam kong hirap na siya sa araw araw, gusto ko pa din na lumaban siya, na pilitin niyang gumising pag sapit ng umaga.




Magpapa-kasal pa kami eh, bubuo pa kami ng sarili naming pamilya, magiging masaya ulit kami pero bakit pakiramdam ko mawawala ka na? Bakit parang may ibang mangyayari pag sapit ng umaga? Bakit ang bigat ng nararamdaman ko?




Kilala kita Owem at alam kong lalaban ka, please lumaban ka pa. Hindi ko alam kung saan ako magu-umpisa ulit pag nawala ka.




Keep on fighting babe for me and for our future.

______________________________________________________________________________________________________

:(

Until We Meet Again Where stories live. Discover now