Chapter 17
Today is my birthday at hindi ko pa din mabura sa isip ko ung pag-uusap namin ni Owem, meron lang ako ng hanggang ngayon gabi para pag handaan na palayain si Owem.
Ayoko na siyang mahirapan pa kaya kahit mahirap sisikapin kong paghandaang palayain siya.
Nabalik ako sa reyalidad ng tawag ako ng make-up artist.
"Miss Katherine, tapos na po." sabi ng Make-up artist.
"Thank you." nahinang sambit ko.
Pumasok na ako sa kwarto kung nasaan ang susuotin ko. Nang maayos na ako ay tumingin ko sa salamin para i-practice ang ngiting gagawin ko sa harap ng maraming tao mamaya.
Ayokong mahalata nilang malungkot ako.
Nasa labas na ako ng malaking pinto, hinihintay ko na lang ang signal nila na pwede na akong pumasok.
Maya maya lang ay nakita ko nang nag go signal sila kaya pumasok na ako. Bumungad sa akin ang madaming tao na nakatingin sa akin habang naka ngiti.
Pag punta ko sa harap ay binigay sa akin ang mic para mag salita.
"Good evening, everyone." panimula ko. "First, I want to thank all of you for being here I'm happy to with all of you tonight and thank you Mom and Dad for this party, that's all. Again thank you for attending my 21st birthday party. Let's enjoy the night."
Binigay ko uli sa kanila ang mic at umupo sa upuan ko.
Ilang minuto ang lumipas at napansin kong may pumasok sa pinto at ganon na lang ako gulat kong nang...
"O-owem?"
________________________________________________________________________________________________________________________________
:):