Chapter 2

20 2 4
                                    

Havana's pov:




Pagka tapos namin marinig ang lahat lahat ni Ashlynne umalis na si Lea.




Pero hindi niya kami nakita kasi nga nakatago kami dba.




"My goodness Ashlynne narinig mo ba yon ha. Narinig mo ba yon. Hoy!" ay lutang din d pa masyado nag sisink in sa utak niya hehe.




" Hoy Ashlynne Kyle Sarmiento! Naririnig mo ba ako!" niyugyog ko siya para bumalik siya sa katotohanan.




"My god Havana Queen Morales. Oo oo narinig ko yon medyo naguluhan lang ako girl. Meron siyang boyfriend? wait hindi niya sinasabi sa akin ang tungkol don ha. My goodness na stress ako." Sabi niya sakin.





"Same lang tayo. Pati sa akin ay wala siyang sinasabi. Tara sundan na natin baka hinahanap nadin tayo non."Sabi ko naman sa kanya.





Sinundan na namin si Lea papunta siya ngayon sa tambayan naming tatlo sa ilalim ng puno ng narra.



Actually lahat ng puno dito sa campus puro narra.



At ang pinag tatambayan namin na yon sa ilalim ng narra mayroong lamesa na square ang hugis at mayroong apat na upuan.



Magandang pwesto at magandang tambayan ito dahil medyo tago din. Medyo lang naman hehe.




At ayun na nga habang palapit na kami ni Ashlynne naririnig namin ang hikbi ni Lea.




God medyo masakit din na nakikita yung kaibigan mong nasasaktan dahil sa lalaki o kaya dahil sa mga problema sa buhay. Tsk tsk d din kasi ito nag sasabi sa amin eh tapos ngayon nag eemote emote jusko naman life....




Si Lea kasi ay hindi siya masyado nag sasabi ng mga problems niya mas gusto niyang kimkimin nalang daw para d na kami mag worry sa kanya. Jusko dba isipin nyo nga din.





Mas maganda dbang ipagsabi mo sa iba ung mga problems mo para kahit papaaano gumaan yang pakiramdam mo. Pero iba tong isip ng kaibigan ko eh.





Mas lalo lang kaming nag woworry kapag kinikimkim niya yang mga problems niya. Tsk tsk goodness its getting to my butt ay hehe its getting to my nerves pala hehe...






"Hoy anong iniiyak iyak mo jan babaeng maraming sikreto sa buhay. Alam mo sana namatay ka nalang ano. Kasi feeling ko wala ng saysay yang buhay mo." Realtalk shet hahaha hindi ako nag sabi niyan ha si Ashlynne po haha.





"Ooops wag kang masasaktan sa mga sinasabi ko sayo kasi naiinis na ako sayo ha. Dahil yang pag sisikreto mo nayan sa amin na kaibigan mo mas lalo lang nadadagdagan yang problema mo. My god Lea be matured enough. Kami ang nag kaka roon ng problema kapag ganyan ka. Kami ni Havana ang nasasaktan kapag umiiyak ka. Ano ba Lea ha. Narinig namin ang lahat. At ano may boyfriend ka pala pero dmo man lang sinabi sa amin."Sunod sunod yon na sinabi ni Ashlynne na umiiyak na.





Kaya ako din ay nakigaya umiyak nadin ako.





"Lea lagi namin sinasabi sayo na kapag may problema ka ay sabihin mo sa amin hindi yung sinasarili mo lang. Dahil kahit kami ni Havana ung walang problema tapos nakikita ka naming ganyan. Nag kakaroon na din kami. Ang tigas tigas ng ulo mo na kahit batu batuhin mo hindi nababasag." Ashlynne said.






"Sorry sorry Ashlynne sasabihin ko naman dapat na may boyfriend ako eh. Kaso nahihiya ako atsaka natatakot ako. Baka kung ano yung sabihin niyo sa akin." sabi ni Lea na mas lalong humikbi pa. At nainis ako sa sinabi niya.






Everything will be ok Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon