Havana's pov:
"Goodnight guys, iloveyou all" sabi ko sa mga kaibigan ko at pinatay na ang ilaw.
Talagang pinapatay namin ang ilaw pag natutulog dahil kaming tatlo ay hindi sanay kapag nakabukas ang ilaw. Parang feeling namin hindi kami makatulog kapag nakabukas ito. It's kinda weird but mas maganda talagang naka patay ang ilaw kapag matutulog kana. Kasi parang doon ka makaka tulog ng maayos at mahimbing (odiba ang daming "tulog na word haha") :)
Medyo na usawan narin ako sa alak na nilagok lagok ko lang kanina. Nag babad ako sa bathtub ng isang oras para mausawan talaga. Uminom narin ako ng maraming tubig kaya medyo ok na ako. Naaalala ko pa naman ang mga nangyari kanina bago ako tumakbo dito sa room namin at iniwan si Vhaugn mag isa sa labas ng bar ni Vozze.
Oo guys talagang kinaladkad ko siya paalis sa babaeng haliparot na iyon. Jusko pabebe na nga si Lea mas pabebe pa iyon may pa iyak iyak pang nalalaman. Nanggigigil na nga ako kanina eh sasapakit kona sana eh pero hindi ko tinuloy dahil kahit papaano ay may kaunting bait pa naman ang aking puso....Hindi katulad ng sa iyo....Oo sayo... Ikaw na nag babasa CHAROT HAHA.
Napaamin ako kanina kay Vhaugn. Ano na kaya ang iniisip niya ngayon. Siguro sinasabi na niya na may sapak ako sa ulo dahil sinabi ko sa kanya na siya ang problema ko jusko naman huhu. Kung ano ano kasing lumalabas sa bunganga ko eh. Makatulog na nga.
Hihiga na sana ako pero may biglang kumatok sa pinto ng room namin.
"Sino yon?" tanong ko sa mga kaibigan ko.
"Magkakasama tayo diba....Alam ba namin kung sino yon...Kung tignan mo kaya para malaman mo tsk magtatanong tanong ka sa amin eh alam mo namang magkakasama lang tayo." mataray na sabi sa akin ni Lea kaya inirapan ko siya.
No choice ako kaya tumayo ako ulit sa kama para tignan kung sino ang kumatok.
Badtrip naman ito eh gabing gabi na tapos kakatok katok tsk.
Bago ko buksan ay sinilip ko muna sa maliit na butas kung sino ang kumatok ng gabing gabi. Laking gulat ko ng makita ko ang lalaking......
"Vhaugn!" bulalas ko na hindi pa binubuksan ang pintuan.
"Sino ang tao sa labas." biglang tanong sa akin ni Lea mula sa likuran ko. Bigla kong hinawakan ang dalawang kamay ni Lea.
"Lea please wag mong sasabihin na gising pa ako. Please mag sinungaling ka sa kanya sabi-- sabihin mona tulog ako please. Baka kasi ako ang hanapin niya" sunod suno kong sabi sa kaibigan ko pero ang mukha ng kaibigan ko ay naguguluhan.
"Sandali nga sino ba yang nasa labas?" tanong ni Lea kaya hinawakan ko ulit ang dalawa niyang kamay.
"Si Vhaugn" sagot ko sa tanong niya.
"Wait....What si Vhaugn?" iritang sabi ni Lea at sinilip niya sa butas ng pinto kung sino ang nasa labas.
Laking gulat naman ni Lea ng makita na si Vhaugn nga ang nasa labas.
"Ok go go go go" sabi ni Lea sa akin kaya nag taka ako.
"Huh?" natatakang tanong ko sa kanya.
"Bonak ka talaga diba sabi mo sa akin na kapag ikaw ang hinanap niya ay sabihin kong tulog ka pe-----" hindi naituloy ni Lea ang sasabihin niya ng may kumatok muli sa pinto kaya alam na niyang si Vhaugn nanaman yan.
Tinanguan nalang ako ni Lea at kumaripas na mg takbo sa silid naming tatlo atsaka nag talukbong ako ng kumot dahil sobrang kinakabahan nanaman ako.
"Psst bakit?" pabulong na tanong ni Kyle. Kaya inalis ko ang kumot sa mukha ko at humarap sa kanya.
"Si Vhaugn ang kumatok at sinabi ko kay Lea na magsinungaling siya kapag hinanap ako ni Vhaugn sabihin niyang mahimbing na akong natutulog." kwento ko sa kanya. Kaya bumangon siya at pumunta sa pintuan ng silid nila.
"Hoy anong ginagawa mo!" naiinis na bulong kong sabi kay Kyle.
"Shhhh halika pakinggan natin." sabi niya sa akin kaya wala na naman akong choice kundi lumapit din sa pintuan na medyo nakaawang ng kaunti.
Narinig na naming binuksan na ni Lea ang pintuan ng room na ito.
"Vhaugn ikaw pala anong ginagawa mo dito gabing gabi na ha." sabi ni Lea na kunyaring humikab pa ng pagkalakas lakas para marinig namin ni Kyle.
"Sorry ha kung gabing gabi na akong pumunta rito. Pero gising paba si Havana siya kasi ang ipinunta ko rito. Gising paba siya?" tanong ni Vhaugn.
"Ah....Kanina pa mahimbing ang tulog niya. Ako nga din eh matutulog na sana pero bigla kang kumatok kaya tumayo ulit ako sa kama ko para ipagbuksan ka ng pinto." pagsisinungalin ni Lea.
"Ah ganon ba." malungkot ang tono ni Vhaugn. Tsk bakit naman ito malulungkot ng malaman niyang tulog na ako. Wag ko na ngang isipin yan tsk tsk masasaktan nanaman ako eh.
"Anong oras ang balik niyo sa manila bukas?" rinig kong tanong nanaman ni Vhaugn kay Lea.
"Alas kwatro ng madaling araw ang flight namin tomorrow papunta sa manila. Bakit?" tanong ni Lea.
"Ah ok. Akala ko hanggang sunday din kayo dito?" tanong ni Vhaugn.
"Ah kasi nakiusap kami na pwedeng bukas na ang balik namin pumayag naman sila." sagot ni Lea.
"Ah ganon ba. Maaabutan kopa kayo bukas?" sabi ni ni Vhaugn kaya napatawa si Lea.
"Bakit ako ang tinatanong mo niyan dapat ang sarili mo hahaha ikaw naman. Oh ano wala ka na bang sasabihin pa? Tulog na kasi si Havana eh ayaw ko namang gisingin dahil baka mabatukan lang ako." pasisingungaling ulit ni Lea.
"Ah wala na sige matulog kana din salamat nalang." sabi ni Vhaugn at narinig ko ang yabag niya paalis ng room namin.
Humiga na ako sa kama ko. Bakit ganon parang may nararamdaman akong mali. Bakit ang lungkot ng boses niya???
"Oh ano masaya kana?" bungad sa kaagad sa akin ni Lea kaya pilit nalang akong ngumiti.
"Salamat." sabi ko sa kanya.
"Alam mo ba parang ang lungkot ng mukha niya ng malaman niyang tulog kana at nalaman niyang tuloy na talaga ang pag alis natin bukas." sabi naman ni Lea. Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
"Havana hindi kaya a-----" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil nag salia na ako.
"Lea thankyou dahil nagsinungaling ka sa kanya at sinabi sa kanya na tulog na ako. Pero please ayoko ng marinig pa ang pangalan niya kung maaari ay iiwasan kona siya dahil ayoko ng masaktan pa kaya please lang matulog na tayo." susunod kong sabi sa kanya at pinatay na ulit ang ilaw.
Narinig ko nalang si Lea na nagbuntong hininga.
"Ok ok sige matulog na tayo maaga pa tayo aalis bukas." sabat naman ni Kyle kaya humiga na kami sa sari sarili naming kama at natulog na.
Eto na ata ang araw na pinaka masaklap sa akin........

BINABASA MO ANG
Everything will be ok
Teen FictionSi Havana Queen Morales, isang babae na puro pangarap ang inaatupag. Maganda, Makinis, Mahaba ang buhok, May maamong mukha, May mahahabang mga paa, at May mabuting puso. Sumasabak ito sa lahat ng mga patimpalak tulad ng spoken poetry, pag kanta, pag...