Havana's pov:
Wala na akong nagawa kaya natulog nalamang ulit ako. Pati ang mga kaibigan ko ay nagsi tulog narin.
5:30 AM ng magising ulit ako. Tinignan ko ang mga kaibigan ko ay tulog parin sila, kaya bumangon na ako at dumeretso sa kusina. Dito na ako nag hilamos at nagmumog. Nag luto ako ng tuyo, hotdog, egg at isinangag ko ang kanin.
Ng matapos akong mag luto ay pumunta na ako sa kwarto para gisingin ang mga kaibigan ko. Bumangon naman sila agad at dumeretso narin sa kusina. Umupo na kaming tatlo at nag dasal, para kahit papaano ay mabless naman ang aming umagahan.
Kumakain kaming tahimik, walang nag sasalita. Nararamdaman kong tumitingin tingin sila sa akin at ako naman ay naka focus lamang sa kinakain ko.
"Ahm, Havana. Galit kaba sa amin?" hindi na natiis ni Lea ang mag tanong sa akin.
"Naiinis ako sa inyo" walang emosiyong sabi ko sa kanila.
"Sorry kung hindi namin agad nasabi sayo. Sasamahan ka namin mamaya." sabi nanaman ni Lea.
"Ako nalang" sabi ko naman.
"Sorry Havana" sabi naman ni Kyle.
"Bakit ba kasi hindi niyo sinabi kaagad. Ano naman ngayon kung nahihiya sila" sabi ko nanaman sa kanila na naguguluhan nanaman.
"Eh kasi, sinabi rin nila na huwag muna naming sabihin sayo." sabat naman ni Lea na kinainis ko na talaga.
"Kapag ba sinabi nila sa inyong kainin niyo mga tae niyo kakainin niyo!" sabi ko sa kanila na naiinis.
"Hindi naman sa ganon Havana. Tsaka ayaw ka naman naming mabigla." sabi naman ni Kyle na ikinainis ko nanaman.
"Kahit ngayon niyo pa sabihin ay mabibigla at mabibigla parin ako!" sabi ko nanaman sa kanila. Tapos na akong kumain kaya bumalik na ako sa kwarto para maligo. Iniwan ko silang kumakain parin doon.
Nag palit na ako ng uniform ko ng matapos akong maligo, nag suklay narin ako, nag pabango, nag lotion, nag powder at nag lipstick lamang ako. Siguro mag cocommute na lamang ako. Lumabas na ako ng kwarto at ang mga kaibigan ko ay maliligo pa lamang.
"Mauuna na ako sa inyo" sabi ko sa kanila na wala paring emosiyon.
"Havana sorry na" sabay nilang sabi sa akin.
"Mamaya na siguro natin pag usapan yan." sabi ko nanaman na wala paring pinapakitang emosiyon.
Nagulat nalamang ako dahil sa bigla nilang pagyakap sa akin. Si Lea ay humihikbi na at si Kyle naman ay panay ang sorry sa akin. Kaya wala na akong nagawa kundi yakapin din sila. Sa totoo lang mabilis lamang akong bumigay.
"Ok tama na. Ang aarte niyo. Hihintayin kona kayo, sabay sabay tayong papasok sa school. Dalian niyo ng maligo." sabi ko sa kanila at dali dali silang naligo.
Ilang minuto lamang akong nakatulala dito sa sala ay natapos narin sila. Kaya nilock nanamin ang ang condo ni Ashlynne at sumakay na ng elevator.
Ng makalabas kami ng elevator ay dumeretso na kami sa parking lot. Kanya kanya kaming sakay na, ako ay sa passenger seat si Kyle ay sa driver seat at si Lea naman ay nasa back seat as usual lang ganern.
BINABASA MO ANG
Everything will be ok
Teen FictionSi Havana Queen Morales, isang babae na puro pangarap ang inaatupag. Maganda, Makinis, Mahaba ang buhok, May maamong mukha, May mahahabang mga paa, at May mabuting puso. Sumasabak ito sa lahat ng mga patimpalak tulad ng spoken poetry, pag kanta, pag...