Chapter 20

4 1 2
                                    

Havana's pov:





Ng maka hupa hupa na ang inis ko kay Alysson ay pumunta na kami sa next subject namin ang Math.





Lalaki ang Teacher namin na si Teacher Jake Simbez. Napakagawapo niya maraming nag kakagusto sa kanyang mga estudyante at mga co teachers niya dahil sa napakagwapo niyang mukha single pa diba san kapa haha.





Pero wala akong gusto sa kanya dahil iisa lamang ang aking nagugustuhan walang iba kundi si Vhaugn parin at Oo siya parin ang crush ko......





Ng makapasok kami sa room ay pinagtitinginan ako as in ako ang tinitignan ng mga classmate ko. Tinirayan ko lang sila isa isa.




Ng magtama ang mata namin ni Alysson ay agad siyang umiwas ng tingin para siyang nahiya ng makita ako tsk....




Umupo na kami sa kanya kanya naming upuan at shempre magkakatabi kami ng mga kaibigan ko..





"Goodmorning class." bati sa amin ni Teacher Jake na napakalawak ang ngiti... He's so hot with that smile...





"Goodmorning Teacher" bati naming lahat.




So......



Discuss

Discuss

Discuss


LUNCH TIME




Ringggggg Ringggg Ringgggg




"So class Dismiss have a nice lunch." sabi ni Teacher Jake at umalis na.




Ang mga kaibigan ko naman ay aligaga ng mag make up dahil nga sabay daw silang mag lalunch kasama ang kanilang manliligaw.





Sabi ko sa kanila ay mag papaiwan nalamang ako dito sa room at mag peprepare sa contest mamayang alas tres ng hapon.





"So maiwan ka na namin dito Havana. Bye galingan mo ha." sabi nila sa akin at umalis na sila.




Ihing ihi na ako kaya umihi muna ako sa CR namin dito sa classroom.




Actually lahat ng classroom dito sa school ay may sari sariling CR. Pagkatapos kong umihi ay agad din lang akong lumabas.




Laking gulat ko ng makita ko si Alysson kasama ang kanyang mga kaibigan dito sa labas ng CR.




"Havana" tawag ni Alysson sa pangalan ko kaya agad akong lumingon sa kanya.




"Why..... Iinsultuhin mo nanaman ba ako?" sarkastikong tanong ko sa kanya at napayuko siya.




"No I just wanna say Im sorry....Im sorry for everything I told you earlier. I realized that the hurtful words I had said were wrong. Yeah  Tama ka It's really hard to get money especially when you don't earn it sincerely. I really want to apologized to you hindi lang sa lahat ng mga sinabi ko sayo kundi gusto ko ding magkaayos tayo at maging magkaibigan."  sabi niya sa akin kaya napangiti ako sa kanya.





"Sincerely Apologized Accepted. So yes pwede tayong maging magkaibigan." nakangiting sabi ko sa kanya.




Nagulat ako sa sumunod niya ginawa sa akin dahil bigla niya akong niyakap at umiyak na siya.




"Your so kind Havana." sabi niya sa akin habang yakap parin ako.





"Hindi ako mabait Alysson." sabi ko sa kanya at napatawa siya.Umayos na siya ng tayo at pinunasan niya ang mga luha niya.





Everything will be ok Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon