Havana's pov:
3 months later......
Sa loob ng 3 months na yon, Puro kami aral, date, chikahan, kwentuhan, road trips, harutan, pikunan, kainan at marami pang iba.
Ang palagi ko ng kasama ay si Vhaugn, pero sa condo parin ako ni Ashlynne tumutuloy. Kapag nasa condo ako ni Ashlynne shempre friendships time muna, kapag sa school o kaya weekend na shempre bebetime ganern sis (haha)
Marami na akong alam sa buhay ni Vhaugn, shempre ako din marami narin siyang alam sa buhay ko. Palagi siyang nag kwekwento kung ano ang buhay na meron siya. He is only son and only child.
Sabi niya ay, oo, nasakanya na nga daw ang lahat. Ang pera, mansion, kotse, friends, etc. pero ang kanyang magulang ay wala, palaging wala. Lagi daw nasa ibang bansa ang mga magulang niya at madalang lang umuwi. Kapag umuuwi naman daw ay saglitan lamang silang namamalagi sa mansion nila. Ang lagi lamang niyang kasama sa kanilang mansion ay ang kanilang mga katulong, minsan naman daw ay bumibisita ang iba nilang relatives kaya parang doon lang daw siya sumasaya.
Ang ginawa ko naman ay nag bigay ako ng advise at ako na mismo ang nagpaliwanag kung bakit wala ang kanyang mga magulang, kahit na wala naman ako sa position para magpaliwanag. Pero carry ko lang mahal ko naman kasi siya (haha)
I said to him na kaya wala ang mga parents niya, They have to work outside the country so that they can provide everything he needs and to support what he wants in the future.
He told me that he would try his best to understand his parents at basta nandito lang daw ako palagi para sa kanya at hinding hindi siya iiwan.
"Hi baby, wanna go date with me?" tanong niya sa akin na kinindatan pa ako.
"Yes, of course" masayang sabi ko sa kanya at sumakay na sa kotse niya.
"Ano yang hawak mo?"
"Order ko ito. Kakarating lang, papasok na sana ako pero biglang kang dumating at nag aya ng date kaya sasama na ako na kasama din itong inorder kong damit." I said to him while smiling.
"Ah ok baby, tsup." sabi niya at mabilis akong hinalikan sa labi.
"Saan tayo mag dedate baby?" tanong ko.
"Saan moba gusto?"
"May bagong bukas na restaurant diyan sa pangalawang kanto, kaya try natin don, balita ko nga masasarap ang kanilang sineserve sa kanilang costumers, e." sunod sunod kong sabi sa kanya at napatawa siya.
"Napaka daldal at chismosa mo talaga." sabi niya na pinitik pa ang noo ko.
"Aray ko!, palagi mo na akong pinipitik sa noo ha!" sigaw ko sa kanya at napatawa ulit siya. Sinilip ko ang noo ko sa salamin pulang pula na tuloy kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Goodafternoon Ma'am, Sir welcome po sa aming restaurant. Ito po ang aming menu at meron po kaming discount dahil kakaopen lang po namin ang restaurant na ito. Enjoy po kayo" sabi ng isa sa mga staff ng resaurant na ito at mapapa wow ka dahil mukang masasarap ang mga pagkaing nasa menu nila, plus meron pa silang discount odiba san kapa!
Nag order ako ng kanilang sweet and spicy chicken with lasagna and drinks para sa dessert ko naman ay umorder ako ng kanilang best seller na ube, strawberry with hazel nuts and cheese na ice cream, hmmmmm yummy!
BINABASA MO ANG
Everything will be ok
Teen FictionSi Havana Queen Morales, isang babae na puro pangarap ang inaatupag. Maganda, Makinis, Mahaba ang buhok, May maamong mukha, May mahahabang mga paa, at May mabuting puso. Sumasabak ito sa lahat ng mga patimpalak tulad ng spoken poetry, pag kanta, pag...