Chapter 28

0 0 0
                                        

Havana's pov:






"Tita?"





"Havana" tawag sa akin ni Tita na pumapatak na ang mga luha.




"Ako nga po Tita" sabi ko naman sa kanya na umiiyak narin. Lumapit ako sa kanya.




"Kamusta kana. Ang laki laki mona." sabi niya sa akin at niyakap ako ng paglahigpit higpit.




"Ok lang naman po ako Tita. Kayo nga po dapat ang tinatanong ko ng ganyan, e, May masakit po ba sa inyo Tita?" tanong ko sa kanya.





"Wala ok lang ako. Ang tagal kitang hindi nakita Havana. Napakaganda mo."





"Sorry po Tita kung hindi po ako nakakadalaw sa inyo. Pero walang pong isang segundo na nakalimutan ko kayo, lagi ko po kayong iniisip kaya ng malaman kong nandito kayo sa Hospital gustong gusto ko ng dumalaw sa inyo. Mag pagaling ka po Tita ha." sunod sunod kong sabi sa kanya at nag simula nanamang pumatak ang mga luha niya.





"Sorry, sorry, I'm sorry" sabi niya na mas lalo pang umiyak.





"Wag po kayong mag sorry Tita. Mag pagaling ka po"




"Havana, hindi mo ako naiintindihan." sabi ni Tita na ikinabigla ko.





"Karen, hindi pa ito ang tamang oras." sabi naman ni tito kaya tumigil ang pagluha ko.





"Melvin, panahon na para malaman niya." sabi naman ni tita kaya naguluhan na ako as in naguguluhan.





"Anong panahon na para malaman Tita, Tito?" tanong ko sa kanila na naguguluhan parin.





"Havana, meron kang kapatid. Nakatatandang kapatid, ngunit isang taon lamang ang inyong agwat." sabi ni Tita na ikinagulat ko.





"Ano?!" sigaw ko sa kanila na gulat na gulat.






"Havana, anak siya ng Daddy mo sa ibang babae." sabi ni Tita kaya nag simula ng pumatak ang mga luha ko.





"Paano nangyari yon? Bakit hindi ko alam?!" umiiyak kong sabi sa kanila.





"Ang kwento sa akin ng Mommy mo bago sila ikasal ng Daddy mo ay nakabuntis siya ng ibang babae. Isang taon bago sila ikasal dumalo sa isang kasiyahan ang Daddy mo. Nag inuman sila at nagka biruan. Biniro ang Daddy mo ng kanyang mga kainuman, sinabi nila sa kanya na lapitan ang babae, kausapin ito at iuwi sa kanyang bahay. Ng una ay hindi raw pumayag ang Daddy mo ngunit ang kanyang mga tropang ugok ay sinulsulan siya kaya wala na siyang nagawa kundi lapitan, kausapin at iuwi ito sa bahay niya. Nahalata ng Mommy mo na palagi ng umaalis ang Daddy mo at umuuwi ito gabing gabi na. Kaya isang araw ay sinundan niya ang Daddy mo kahit na ipinag bubuntis ka niya at malapit kana niyang ipanganak." putol ni Tita sa kwento niya huminga siya ng malalim at ipinag patuloy ito.






"Nagulat ang Mommy mo sa kanyang nakita. Dahil may kasamang ibang babae ang Daddy mo at may hawak na bata. Ng hindi niya na kaya ang nakikita niya ay umalis na siya at umuwi sa bahay niyo dati. Hinintay niyang makauwi ang Daddy mo at iyak siya ng iyak. Ng makarating na ang Daddy mo ay ipinaghahampas niya ito. Ang sabi ng Daddy mo sa Mommy mo ay 1 taon na ang kapatid mong lalaki. Umamin siya sa Mommy mo at humingi ng tawad. Hindi nila sinabi sayo dahil alam nilang mag seselos ka. Dahil ang lagi mo daw sinasabi noon ay ikaw lang dapat ang anak nila, wala ng iba." kwento ni Tita na mas lalo pang ikinaiyak ko.






Everything will be ok Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon