Dedicated to Shevana Jaira Hernaez :))
Stay tuned my friend lovelots :))
Baka nagkataon lang na parang similar kayo ng pangalan ng character ko dito si Havana HAHA
Shevana, Havana diba HAHAHavana's pov:
Nandito na ako ngayon sa sala ng room namin dito sa hotel. Nagkukulong ayaw kong lumabas dahil nawalan na ako ng gana. Ayaw kong manuod ng TV at ayaw kong gumalaw dito sa hinihigaan kong sofa.
Kanina pa ako dito pagkarating ko at hindi narin ako kumain ng tanghalian dahil wala talaga akong gana. Tsaka hihintayin ko nalang yung mga kaibigan kong hindi pa umuuwi hanggang ngayon mag aalas kwatro na ng hapon.
Hayss buti pa sila masaya:(
Sana kasi hindi na ako nag assumed para lang akong tanga dito eh. Pinagsakluban ng langit at lupa.
So wala pala yung sinabi niyang she's my girl, Wala din yung paghalik niya sa noo ko kagabi, Wala din yung sinabi niyang goodnight sweetdreams, at wala lang din ang pag aaya niya sa akin ng date dahil friendly date lang naman daw FRIEND lang.
Tutulo na sana ang luha ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok sila Lea at Ashlynne.
"Oh my god!!!! kinikilig talaga ako. Sobrang romantic ng pinuntahan namin ni Aly. Ang dami niyang nilagay na flowers at maraming kandila sobra sweet niya god! Kahit umaga palang kanina sumayaw sayaw na kami. He told to me na pwede daw bang manligaw siya sa akin and I said yes!!" sabi ni Ashlynne na sobrang saya.
"Oh my god parehas tayo Ashlynne Kyle. Pumayag na din akong magpaligaw kay Mack. Oo tama ka kahit umagang umaga palang kanina nag sayaw sayaw nadin kami dahil sobrang romantic ng pinuntahan din namin." sabi naman ni Lea na tumili tili sa sobrang saya na akala mo wala ng bukas para huminga tsk.
"Ahhhhh ano ba!!! Ang iingay niyo!!!"
"Oo na kayo na ang masaya sa mga date niyo kanina pero wag niyo namang iparinig sa akin at wag niyong ipakita ang pag mumukha niyo sa akin na kilig na kilig!!" sabi ko sa kanila na tumutulo na ang luha huhu.
"Havana bakit?" malungkot na sabi ni Lea na lumapit sa akin at inalo alo ako.
"Wala lang sa kanya ang date na yon Lea. He told me the date we had earlier was just a friendly date." umiiyak na sabi ko sa kanya.
"Huh akala ko ba crush ka niya? eh ano yung sinabi niyang she's my girl doon sa private place ni Vozze." tanong naman ni Ashylnne na naguguluhan.
"Wala lang daw yon..." sabi ko sa kanya.
"Hay nako akala ko naman parehas kayo ng nararamdaman na parehas kayong may gusto sa isat isa tsk akala ko lang pala." sabi ni Lea.
"Kaya ayaw ko sa mga lalaki eh. Masasaktan lang ako." sabi ko sa kanila na medyo humuhupa na ang iyak.
"Paano na ang sinabi mo kagabi na mahal mo na siya?" tanong naman ni Lea.
"Pwede ko namang bawiin yon. Masyado kasi akong nag assume. Simula ngayon titigilan kona itong nararamdaman ko para sakanya ayoko na talagang masaktan pa." sabi ko sa kanila.
"Sige kung yan ang gusto mo. Tahan na nandito lang kaming mga kaibigan mo. Kumain kana ba?" tanong ni Lea. Umiling iling lang ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
Everything will be ok
Dla nastolatkówSi Havana Queen Morales, isang babae na puro pangarap ang inaatupag. Maganda, Makinis, Mahaba ang buhok, May maamong mukha, May mahahabang mga paa, at May mabuting puso. Sumasabak ito sa lahat ng mga patimpalak tulad ng spoken poetry, pag kanta, pag...