Chapter 29

0 0 0
                                        

Havana's pov:








"Let's go home. Gumagabi na." bulong sa akin ni Vhaugn. Kaya tumayo na kami at umalis na sa tambayan namin. Hinatid na niya ako sa condo ni Ashlynne, nag paalam na ako sa kanya at hinalikan siya sa labi.





"Bye baby, see you tomorrow." sabi ko sa kanya at umalis na sa kotse niya.





"Anong nangyari. Bakit ganyan itsura mo?" tanong kaagad ni Lea pagkapasok ko sa condo. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina kaya nagsimula nanamang tumulo ang aking luha.





"Are you ok? Anong nangyari?" nag aalalang tanong ni Kyle.





"Meron...... Meron......" hindi ko natutuloy ang sasabihin ko dahil sa iyak ko. Paputol putol ang pagsasalita ko.





"What? Ayusin mo hindi ka namin maintindihan" sabi ni Lea.






"Guys, I have a brother." umiiyak na sabi ko sa kanila.





"Huh?, Paano nangyari yon?" naguguluhang tanong ni Lea.






"Ngayon lang nila sinabi sa akin!" sabi ko sa kanila na umiiyak parin.






"Oh my goodness!" sigaw ni Kyle na parang kinikilig pa, kaya napakunot ang noo ko.






"Bakit ka kinikilig?" tanong ko habang umiiyak parin.






"Hindi ba obvious, maganda ka, kaya siguradong gwapong din ang kapatid mo, kyahhhhh!" tiling sabi ni Kyle at binatukan siya ni Lea.






"Gaga ka, yaan na ang iniisip mo, tignan mo nga kaibigan natin." sabi ni Lea sa kanya.






"Oh I'm sorry, ok lang ba bess?" sabi naman ni Kyle.






"Hahanapin ko siya, but I don't know kung nasaan siya." sabi ko.





"Mag search tayo, o kaya ireport natin sa police, o kaya naman manawagan tayo sa TV." sabi ni Kyle.






"May is1 pang problema." sabi ko sa kanila, kaya kumunot ang mga noo nila.






"Ano?" sabay nilang tanong.






"Hindi ko alam ang pangalan niya" sabi ko s1 kanila.






"What!" sigaw ni Kyle.





"Exaggerated ka naman." sabi ni Lea kay Kyle.






"Bakit hindi mo alam, paano na natin mahahanap?" malungkot na sabi ni Kyle. Tsk.






"Alam mo kanina kapa OA. May jowa ka hoy! Huwag mong gawing pulutan ang kuya ko!" sabi ko kay Kyle, napahawak naman siya sa dibdib niya.






"Grabe, maka pulutan ka naman girl" sabi niya na tinarayan pa ako.





"Paano mo malalaman, pangalan ng kapatid mo?" tanong naman ni Lea.






"Pupunta ulit ako sa hospital bukas." sabi ko sa kanila.





"Sama kami, please" sabi ni Kyle at nag puppy eyes pa ang gaga.






Everything will be ok Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon