Chapter 9

17 0 0
                                        

Havana's pov:






Nandito ako ngayon sa labas ng room namin at balak kong maglibot libot muna. Ng may narinig nanaman akong pamilyar na boses sa ikalawang kwarto bago ang kwarto namin. Ng makita ko siya ay si Alysson!!





Agad akong nag tago sa may gilid ng cabinet na nakalagay sa harapan ng room namin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mga kasama niya oh my god!!






Akala ko ba silang tatlo lang mag kakaibigan. Meron yung crush ni Lea, At at yung bumighani sa aking nananahimik na puso (ay ang OA haha). Bakit wala yung crush ni Ashylnne? wala na akong pake sa crush ng kaibigan ko basta yung akin meron mwehehe.






"Kuya Mack at kuya Vhaugn. Pumunta na kayo sa room niyo mag papahinga pa kami ng friends ko. Bakit ba kasi kayo sumunod dito eh hindi naman kayo suspended tsk." maktol ni Alysson na rinig na rinig ko.






"For your information little sis hindi ikaw ang ipinunta namin dito." sabi naman ng kapatid niya.






"Huh? eh bakit kayo nandito sa room namin kung hindi naman pala ako ang ipinunta niyo dito?" tanong niya sa kapatid niya.





"Yaang room ang ipinunta namin dito." turo ng kapatid niya sa...sa...sa room namin?






"Huh? anong meron jan at sino ba ang tao jan?" tanong naman ni Alysson.






Bigla namang bumukas ang pinto ng room namin at iniluwa si Lea at Ashlynne. Ako naman gulat na gulat ng makita ko ang mga kaibigan kong lumabas.





"Oh bat gulat na gulat ka? Bakit ka nandiyan? Bakit ka nag tatago? Akala koba mag lilibot libot ka tsk para kang sira." sunod sunod na sabi ni Lea.





Jusko lord I'm dead!!!





Dahan dahan akong tumayo.





"Ah kasi ano eh----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Alysson.





"Bakit kayo nandito? Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Alysson sa amin.





"Bakit ikaw lang ba ang pwedeng pumunta dito. Wala kang pake kung nandito kami eh dito ang gusto naming puntahan eh may magagawa kapa ba?". sabi naman ni Lea na nakataas pa ang kilay.





"Sinusundan niyo ba kami?" tanong ni Alysson na naiinis na. Ay wao.






"At sino ka para sundan namin aber. Hindi mo kami mga alipores para sundan ka kahit saan saan. Kahit kaylan hinding hindi kami tutulad sa mga KAIBIGAN MONG GINAWA MO NG MGA ALIPORES TSK NAPAKASAMA MO!" sabi ulit ni Lea.





"Ito ba kuya? Ito ba ang pinunta niyo dito sa mga babaeng parang kakainin ka na ng buhay dahil sa galit? Para sabihin ko sayo Lea hindi ko kinakawawa ang mga kaibigan ko. At kahit kaylan hindi ko sila ginawang mga alipores ko. Masyado ka namang judgemental! Narinig nyo ba yon ha. Kayo ang magpaliwanag jan sa babaeng halimaw nayan." sabi ni Alysson sa mga kaibigan niya na parang iiyak na.






At nag walk out na siya sinara niya ng napakalakas ang pinto ng room nila.






"Abat.... Narinig niyo yon sinabihan niya akong halimaw. HINDI PA TAYO TAPOS ALYSSON LUMABAS KA DIYAN." sigaw ni Lea.






Everything will be ok Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon