Vhaugn's pov:
Nandito na kami ngayon sa labas ng bar ni Vozze at hindi na kami nakapag paalam sa mga kaibigan namin.
"Sabihin mo nga sa akin ano ba talagang problema mo ha. Kaninang umaga ok pa naman tayo hinatid kita sa room niyo dahil ang sabi mo inaantok ka sa date natin kanina tapos ngayon sabi ni Lea na ayaw mo daw akong papuntahin dito pagkarating ko naman dito nilalagok mo ang mga alak at ayaw mong papigil sa------" hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil bigla niyang tinakpan ng kamay niya ang bunganga ko.
Wait parang....Umiiyak ba siya???
Tinanggal ko ang kamay niya sa bunganga ko at niyakap ko siya.
"Tell me what's your problem and why are crying? may ginawa ba ako? may mali ba akong nagawa? ano? tell me." sabi ko sa kanya. Tinanggal niya ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya at lumayo siya ng kaunti sa akin at umiling iling.
Naguguluhan ako fuck!!
"Ikaw......Ikaw ang problema....!!!" sigaw niya sa akin habang bumubuhos ang mga luha sa mukha niya.
"Huh? ako? bakit?" sabi ko naman sa kanya pero hindi niya sinagot tumakbo siya palayo sa akin. Tinawag ko siya pero hindi na siya lumingon. Akmang hahabulin ko na siya pero may humila sa akin ng tignan ko kung sino ay Si Lea at Ashlynne.
"Pabayaan mo muna siya Vhaugn."
sabay nilang sabi. Kumunot ang noo ko."Hindi ko siya maintindihan.....Sa pag kakalaam ko wala akong ginawang mali sa kanya.....Kaninang umaga ay ok pa kami.....Mabilis lang ang date namin kaninang umaga pagkatapos namin kumain ay sinabi niya sa akin na inaantok siya kaya inuwi ko na siya para makapagpahinga. And now ganito na ang nangyayari??" sabi ko sa mga kaibigan niya na naguguluhan.
Pero walang imik ang mga kaibigan niya at umiiwas ng tingin sa akin. May mali talaga eh at parang may tinatago sila meron ba akong hindi alam???
"Hayaan nalang muna natin si Havana....Vhaugn" yan lang ang sinabi nila sa akin.
Aalis na sana sila pero bigla ulit akong nag salita.
"Wait kanina ng itanong ko sa kanya kung ano ang problema niya at ang sabi niya ako....Ako daw ang problema....Lea....Ashlynne may alam ba kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa pero umiwas ulit sila ng tingin.
Tsk sinasabi kona eh!
"Sorry Vhaugn...Pero wala din kaming alam eh.... Sige mauuna na kami." pagsisinungaling nilang sabi pero bago sila umalis ay niyakap muna nila ang kanilang manliligaw.
"See you in manila boys." sabi ni Lea kaya nag tatakang tumingin ako sa kanya.
"What?? anong see you in manila?" tanong ko naman sa kanya.
"Ah.... Eh... Kasi uuwi na kami bukas ng madaling araw. Sabi din kasi yon ni Havana." sabi ni Lea na kinakamot kamot pa ang batok.
"Ano ba talagang problema niya naguguluhan na ako!" inis kong sigaw.
"Ah Vhaugn wag kang sumigaw dito nakakahiya eh ang daming tao....Sige una na kami." hindi na ako nakapalag dahil kumaripas na sila ng takbo.
"Tara na bro bumalik na rin tayo sa room natin." sabi naman ni Aly na parang natamaan na ng alak.
Bumalik na nga kami sa room namin. Ng makarating kami ay kinausap ko muna sila Aly at Mack.
BINABASA MO ANG
Everything will be ok
Teen FictionSi Havana Queen Morales, isang babae na puro pangarap ang inaatupag. Maganda, Makinis, Mahaba ang buhok, May maamong mukha, May mahahabang mga paa, at May mabuting puso. Sumasabak ito sa lahat ng mga patimpalak tulad ng spoken poetry, pag kanta, pag...