Denial ka pa!

29 1 0
                                    



Chapter 5

SAL's POV

Isang oras nang nakauwi si Rhyss pero ako, tulala pa rin hanggang ngayon. Sino naman kasing hindi. Eh, hinalikan ka ng crush mo.

Yieeeeh. At isa pa, ngayon pa lang ako nahalikan.

Joke. Hahahhah.

Ngayon pa lang ako nahalikan ulit. Hahahah. Nakoooooooooo naman di ako makatulog nito mamayang gabi sa kakaisip. Hahahaha.

"HOOOOOOOOYYYYYYY!!!!" Aray naman... My ear drums!! Balak ba niya akong patayin?

"Papatayin mo ba ako??? Kung makasigaw ka dyan akala mo walang tao dito!" Best friend ko yan ha. Ang laki ng bunganga.. Tsskkk. Wag niyo na akong isumbong.... Baka madideadbol na talaga ako..

"Ano ba yan kanina pa ako tanong ng tanong di naman sumagot. Dyan ka na nga." Sabay walk out ng bangag at maldita kong bestfriend. Hindi ko talaga narinig ang mga sinasabi niya kasi naman hindi pa ako nahimasmasan. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.

"Uie sandali lang."

"ANO?????" Tingnan mo nga ito, Sinigawan na naman ako.

"Sorry na please." With puppy eyes pa yan ha. ^________^

"Hayyyy, ikaw naman kasi di ka nakinig."

"Sorry na."

"Soooos kong di lang kita bestfriend." Sabay batok sa akin.

"Aray naman. Baby, aminin mo nga sa akin, balak mo ba akong patayin?"

"Bakit mo naman yan natanong???" Tingnan mo nga ito, pa inosente pa.

"Kasi naman sinigawan mo ako ng malakas tapos ngayon, binatukan mo na naman ako ng malakas... Ano ba talaga ang totoo???"

"Wala... Bayad yan sa lahat ng kasalanan mo sa akin...."

"Kasalanan??? Wala naman akong natatandaan ah..." Baliw ba siya?? Wala talaga akong maisip na kasalanan ko...

"Mayron! At yun ang hindi mo pagsabi sa akin na may kilala ka palang papa." Sino naman ang tinutukoy niya?? Papa???? As in Papa ko?? Kung Papa ko, hindi naman yun pumupunta rito eh..

"Hindi naman pumunta rito ang Papa ko. Sino bang papa ang sinasabi mo??"

"Ang slow mo talaga..." What??? Ako pa ngayon ang slow.

"Eh sa hindi ko talaga alam yang pinagsasabi mo...Dyan ka na nga. " Sabay alis at sigaw......"BAHALA KA NA SA BUHAY MO!"

"Teka lang.....May gusto pa akong malalaman galing sayo." Tumigil naman ako kasi naman, hindi rin ako magiging payapa kung hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo. "Ang tinutukoy ko ay yung kaninang guy na naghatid sayo.. akala mo sigurong hindi ko nakita ano??"

"Ah, si Rhyss yun. My new friend..."

"My new friend!!!!!!!!!!! Ganun??? Ngayon mo pa lang nakilala, friend mo na agad!!!!! Iba talagang ganda mo. Nakakaloka ka!" Napangiti naman ako sa sinabi sa akin ni Baby...

"Eh sa ganito talaga ako..." Hindi yun pagmamayabang ha... sadyang lapitin lang talaga ako ng mga lalaki pero kung babae ang pag uusapan, ayaw nilang lumapit sa akin.. eh wala naman akong sakit...

"Sumama ka na sa kanya di ba??"

"OO.....Ano bang masama dun??? Mabait naman si Rhyss eh...^_________^

"Kung makangiti, wagas!" Bakit??? Ano bang mayron sa ngiti ko??? "Parang may something eh.Oh! Magsimula kanang magkwento." Wala na akong ibang magawa kundi magkwento kasi naman di talaga ako papatulugin nito hanggat di ko masabi ang lahat. Sinimulan ko noong nagkakilala kami ni Rhyss kanina hanggang doon sa kiss.

Falling In Love With You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon