Engagement Party!

11 0 0
                                    

Chapter 33

SAL's POV

Buong araw na naman akong umiyak pero di ko ipinapakita sa anak ko. Bukas na ang engagement party para sa amin at sa susunod na araw ay kasal ko na. Nakakapagod pala ang ganito siguro kung di ko na lang nameet si Rhyss di maging ganito ang buhay ko. Sana kung hindi ako sinaktan ni Kevin noon hindi magiging ganito ang buhay ko. Ayoko ng magmatigasan pa sa Mama ko, baka bumalik rin naman ang feelings ko para sa ex ko. Mabait naman siya. Di ko lang siguro nabigyan ng importansya dahil si Rhyss palagi ang nasa isip ko. Kailan pa kaya matatapos ang problem ko? Andito ako ngayon sa harap ng bago kong apartment. Nagmumuni muni at naglakad lakad.

"Miss! Tumingin ka sa nilalakaran mo? May kotse!"

"Ahhhhhhhhhhhh!"

Two days to go kasal ko na. Haayyy ang bilis naman. Ready na ang lahat sa underground hotel ang reception. Di naman bongga ang kasal. "Mas mabuti pang itago ko na ang mga gamit ko na galing kay Rhyss." Masaya ba talaga ako sa gagawin ko? Hindi makakauwi ang sister ko na nasa Singapore, okay lang di naman special ang kasal ko. Walang pasok ngayon kasi Saturday at hindi na sana ako papasukin sa school ng principal namin kasi busy raw ako sa kasal ko pero matigas talagang ulo ko kaya pumasok pa rin ako. Ano namang special na gawin sa kasal ko, wala naman. Sila lang ang nag aasikaso wala akong paki alam kong mag effort sila ng husto. Ang ginawa ko, nag shoshopping at pumunta kahit saan. Kung pwede ko lang takasan ang nightmare na ito ginawa ko na pero hindi ko magagawang hiyain ang Mama ko sa pamilya ni Kevin. Kung nandito lang sana si Rhyss, hindi sana ganito. Rhyss, san ka na ba?

"Mommy, where are we going?" Hahahaha maglalayas anak pero joke lang yon. Pupunta kami sa friend ko sa high school.

"To your Ninang Jess." Oo pupunta kami kina Jess ngayon, wala lang gusto ko lang pumunta. Nandito na pala kami.

"Girl! Tao po!"

"Sandali lang."

"Bilisan mo naman. Hahahahaha!" Hahahaha, ganyan talaga kaming magbarkada.

"Oh SAL, anong ginagawa niyo rito? Halika pasok kayo." Sabi niya sa amin nung nawala na ang pagkagulat sa mukha niya.

"Bakit hindi na ba pwedeng dumalaw ang kaibigan sa kanyang minahal na kaibigan?"

"Anong hindi, pwedeng pwede."

"Napipilitan ka lang ata."

"Hindi ah. Hi baby KAPKAP."

"Baby magbless kay Ninang and mag Hi rin."

"Hi Ninang Jess bless po ako."

"Kaawaan ka ng Diyos anak. Ang swerte mo talaga sa anak mo, ang bait."

"Syempre mana sa Mommy. Hahahahaha"

"Oh, bat naglakwatsa ka pa, di ba bukas na ang engagement party mo at sa susunod na araw ay kasal mo na?"

"Yeah you're right pero wala naman akong gagawin sa bahay eh kaya napagpasyahan ko na pumunta dito. Maglalayas sana ako kung pwede."

"Baliw ka ba! Grabe kayo talaga ang magkatuluyan no. Bilib na talaga ako sa fate." Hahahahaha kung alam lang niya na hindi ko gustong magpakasal kay Kevin. Bahala na siya kung anong iisipin niya.

"Pwede bang dito na kami kakain."

"Ano? Dito kayo kakain?"

"Oo nga, kakapagod kasi umuwi sa bahay."

"Wala kaming ulam eh."

"Ano ka ba. Kakain naman kami ng kahit ano."

"Weeh! Di nga?"

"Totoo. Kahit nga sa bahay nila Mama kahit anong ulam lang ang kinain namin at tsaka sanay ako dyan dati. Grabe naman to, anong akala mo sa tiyan ko, namimili ng pagkain?"

"Eh di okay, ikaw ang bahala. Sabi mo eh."

...

...

..

...

...

...

...

...

This is it! Kasal ko na talaga. Hindi na kami nagkita ng groom kasi di pa kami live in. Hiwalay pa ang bahay. Teacher rin pala siya. Haayyy di ko alam sa teacher rin pala ako bagsak. Ang haba na sana ng hair ko noon. Nandito na ako sa labas ng simbahan. Ready to go inside na. Pinadala ko nalang ang bag ko doon sa Ate ko. Hahahaha weird no nagdadala ng bag. Ewan ko ba kung bakit gusto ko lang dalhin ang bag ko. Masama ba yon? Ikakasal na pero nagdala pa rin ng gamit. Hahahahaha. Bongga rin. "Ang dami namang tao." Nandito lahat ng mga teachers ko, co-teachers ko, co-teachers ng husband to be ko, mga batch mates sa high school pero ang masakit di makarating ang best friend ko sa college. May importante raw siyang puntahan ngayon. Susunod nalang raw siya sa reception. Di ko namalayan ako na pala ang papasok. Buti pa sila masaya, ako kinakabahan. Nandito na agad kami sa harapan ni Father.

"Bago ko simulan ang kasalang ito, magtatanong lang ako. May hahadlang ba sa pag iibigan ng dalawang batang ito?" Father talaga. Bata ka dyan. 25 years old na kaya ako. Hahahaha. Nagtawanan ang lahat.

"AKOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!" Umaalingawngaw ang boses ng isang lalaki. Pag turn ko para tingnan kung sino. Oppppss, may mali ata rito.

O_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _O Ganyan mukha ko, gulat na gulat. "Bakit siya nandito?" Nakita ko sa kanyang tabi ang best friend ko na naka peace sign. Kaya pala hindi siya nakapunta rito ng maaga. Naguguluhan na talaga ako, wait lang. May inilabas siyang papel sa pitaka niya.

"Hindi mo pwedeng pakasalan ang asawa ko at ito ang katibayan. Ella, pwede mo akong iwan pero kasal tayo. Kasal tayo sa husgado. Di mo ba natatandaan yun?" What the F!

O_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _O another gulat face. Anong pinagsasabi niya. Anong asawa? Shocked rin ang mga tao. Nagbulung bulungan sila. Lumapit sa kanya si Kevin.

"Anong asawa? Bakit ka nandito? Wala ng gusto sayo ang tao in fact ikakasal na kami ngayon. Bakit ngayon ka lang nagpakita sa kanya? Pwede ba umalis ka nalang." Galit na sabi ni Kevin. "At tsaka fake lang yang certificate na yan. Mayaman ka so pinagawa mo lang yan."

Tsaka ko pa natatandaan na kasal na nga pala kami ni Rhyss, yon nga lang Civil wedding. Kaya pala di ko pwedeng madaliin ang pagproseso ng mga papers ko para sa kasal. Bigla na lang akong tumakbo palayo sa kanila at pumunta sa Ate ko na may dala sa bag ko. Hinalungkat ko doon ang gamit ko at nakita ko ang wallet ko. May kinuha sa pinakasulok na parte ng wallet and at last nakita ko rin. Certificate of marriage ito. Bumalik agad ako sa kanila.

"Wait! I'm sorry Kevin but Rhyss is right and this is the truth." Sabay pakita sa marriage certificate. "I'm sorry kasi nakalimutan ko na ito kasi nakalagay ito sa pinakasulok ng wallet ko dahil ayokong maiwala." Umiyak na ako. Kaya pala ako kinabahan masyado. "I'm sorry. I'm so sorry Kevin."

Ano na ang mangyayari ngayong nalalaman na nilang kasal pala si Sal kay Rhyss??

Tuluyan na bang bumalik sa normal si Rhyss?

Abangan...

End of Chapter 33

By: Ms. Sayonara

|A


Falling In Love With You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon