Oh My G!!! Liligawan niya ako???

51 1 0
                                    

SAL's POV

 

Tama na nga ang pagdadrama ko. Isipin ko na lang na mamahalin rin ako ni Rhyss. Hmm, ano na nga bang ginagawa namin??? Pumunta lang naman kami ni Rhyss sa supermarket. Namili ng fruits. Wow! Mango, orange, watermelon, at apple. Ang dami ng binili niya para sakin ah. Hahahaha. Pero totoo. Kinilig ako. Hayyy, how I wish na maging kami. Ang swerte ko siguro pag maging kami. Nacks! Hahhaha! Nangarap na naman ulit ako.

"^__________________________________________________^" Ngiti ko yan. Ang lapad noh?  Masyado lang akong natuwa sa kanya. Hayyyy!

"Ang lapad ng ngiti mo ah." Patay nakita niya...Kinabahan ako bigla. SAL naman kasi, bat mo pinakita? Nakakahiya. Eiiiihhhhhh!      "Ella!"   Ang sweet ng boses niya.

"Ba- B—Bakit?" Eiihhh, bat ako nauutal??? Nandito na pala kami ulit sa park. Yun bang pinuntahan namin ni Rhyss nung bago pa lang kami nagkakakilala. Yung park na pinalibutan ng mga bundok.

"May boyfriend ka na ba?"   Tinanong niya kung may boyfriend na ba ako, anong isasagot ko? Ano nga ba? Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nalilito ako na kinakabahan. Ganito ba ang feeling kapag in love ka na tapos parang liligawan ka??? EEiihhh, basta hindi ko alam ang feeling ng ganito.

"Hehehehe, wa-wala. Matagal na kaming hiwalay ng last kong boyfriend at pagkatapos nun, wala na akong balak magkaroon. Bakit mo natanong?"  Nagtanong pa talaga ako no? Hindi na talaga ako nahiya. Tssskkkk.

"Wala lang. Kung may isang tao na manliligaw sa iyo ngayon, bibigyan mo ba siya ng chance???"    Kung ikaw siguro, may chance! Baliw na tong isip ko! Can someone help me?

"Hindi ko alam. Depende sa kung sinong tao."                                  

"Paano kapag ako??? Kung manliligaw ako, may pag asa ba ako?" Direct to the point talaga. Oh My G!!! Liligawan niya ako??? Hindi ba uso sa kanya ang ipagbukas ang panliligaw??? (Sigh) Ito na nga ba eh. Paano ba bastedin ang crush? Haayy.  Ano na namang isasagot ko? Alam niyo ba yung feelings na nalilito ka dahil may manliligaw ka tapos hindi mo alam kung anong isasagot sa kanya kasi may feelings ka na before pa siya nag court? Ito ang feeling ko ngayon. At kanina pa ako paulit ulit sa statement na to.

"Oo naman."  EEiihhh, anong nangyari sa bibig ko, bakit sinabi niya ang ganun??? Bakit hindi ko napigilan???

"Talaga?" Nakita kong kumislap ang mga mata niya. Ganun ba siya kasaya?? Ayun na eh. Nasabi ko na. May chance na talaga akong pakasalan ang taong ito. Hahahahah. Ang landi ko. Oh My G! 

"Oo na nga eh." Gusto pa talagang ulitin ko. Paulit ulit Kuya??? Pero aminin ko, masaya ako. Hindi lang pala masaya kundi masayang masaya kasi naman matutupad nang pangarap ko.

"Thank you Ella. I'll promise, pag sinagot mo na ako, di talaga kita sasaktan. I love you Ella at hindi ako mahihiya na sabihin yun."   Yun oh! Ningitian ko nalang siya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi. Maniniwala kaya ako sa sinabi niyang di raw niya ako sasaktan. Pareho lang naman sila sa mga una kong boyfriends eh. Hindi raw ako sasaktan pero sa huli, sasaktan at sasaktan pa rin nila ako. Ano bang gagawin ko? I already fall in love again with him.  "Liligawan kita ng paulit ulit hanggang sa sagutin mo ako."

"Sobra ka naman. Hindi naman ako paasa eh."

"So, may chance talaga ako???" Tumango lang ako.

"Pero hindi pa ngayon."

"Okay lang at least may chance ako, di ba??? Kapag sinagot mo na ako, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo." Sana nga... Pareho lang naman kayo ng mga sinasabi eh.    "Bakit parang malungkot ka???"  

Falling In Love With You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon