SAL's POV
Pagkatapos kong mag walk out sa Papa ko,,, hmm,, pumunta naman ako sa Sta Clara para bisitahin ang Ate Gra ko pati pamangkin. Alam ko naman kung saan ang bahay nila kasi nakapunta na ako dun nung grumadwet ako ng elementarya. Isinama niya ako dun nung dalaga pa siya. Mabilis lang naman akong nakarating sa kanila. Maliit lang naman ang bahay ng Ate ko pero may tindahan sila, makatutulong na rin yun para sa pang-araw-araw na gastusin sa bahay kasi ang sweldo ng Ate ko bilang guro ay napupunta lamang sa tuition ko kasi di na yun buo eh... Nakapagloan na ang Ate ko. Naaawa na nga ako sa kanila eh pero wala naman akong magagawa kasi hindi pa kaya ng mga magulang ko ang pagpapaaral sa akin.
"Oy, buti nakabisita ka dito?" Bungad ng Brother-in-law ko.
"Panigurado, nag-aaway naman kayo ng Papa o di kaya'y kayo ng Kuya Denise mo." Sabi naman ng Ate ko.
"Ate, hindi ba pwedeng pumunta rito sa inyo para bumisita lang?" Bakit ba kasi hindi ko kayang humarap sa problema? Ako kasi na tao na ayaw sa problema eh kasi takot akong humarap... Takot akong hindi makaya ang mga problema. "Hi mga pamangkin!" Baling ko sa mga pamangkin ko. "Ate, magstay muna ako rito ng mga three days... Wala kasi kaming klase ngayong darating na Monday because its holiday. Local holiday."
"Okay lang naman. Nandito rin si Anthony."
"Alam ko! Nasabi sa akin ni Mama."
"'Baka naman wala nang tutulong dun sa bahay?"
"Nagpaalam naman ako kay Mama. Pumayag naman siya."
"Kasi hindi ka matitiis nun." I just smiled at her. Tama naman. Hindi ako matitiis ng Mama ko sa tuwing may irirequest ako. Pero hindi po ako spoiled...Sadyang maganda lang ako... Hehehehehe. Walang connect yun.
"Ate Alex, may pasalubong ka?" Tanong sa akin ni Anthony.
"Pasalubong? Wala eh. Wala akong pera."
"Tao po! Bibili po ako ng biscuit."
"Ako na." Prisinta ko sa kanila. Tumango naman sila. "Ilan po ang bibilhin niyo?"
"Bigyan mo ako ng dalawa. Tapos dalawang pan, limang supersticks, isang itlog at 1/4 oil."
"Okay, pakihintay po." Kinuha ko naman lahat ng sinabi niya. Dalawang biscuit=12, 2 pan=10, 5 supersticks=5, 1itlog-8 at 1/4 oil=16. "Bale, 51 po lahat." Binigyan naman niya ako ng isang daan. "Ito po ang sukli niyo, 49. Maraming salamat po."
"Tao po!"
"Anong sayo?"
"Isang lollipop."
"Ito oh!" Sabay kuha ng pera niya. Hayyyy, kung ikaw ang magiging bantay ng tindahan nila, hindi ka makakapaghinga kasi every seconds may bibili. Medyo nakakapagod pero masaya naman kasi nang dahil sa mga bumili, lumalago ang negosyo nila. At masaya ako para dun.
"Kain ka na muna dun. Ako na muna ang magbabantay ng tindahan."
"Okay, salamat Anthony." Ang bait ata ng kapatid ko. Anong nakain nito? Heheheeh. Pumunta naman ako sa kusina para kumain na. Subo rito, subo doon. Tapos! Ang bilis ko namang natapos!
"JM ano? Tumunganga ka lang dyan? Ilang taon mo na yang trabaho, makalimutan mo pa?" Sigaw ng Ate ko. HHayyy nako! Ang Ate ko, high blood na naman.
"Ako na ho ang manghuhugas Ate!" Prisinta ko dahil naaawa ako sa bata. "JM, pakilinis na lang ng mesa!"
"Salamat Ate!" Ate ang tawag ni JM sa akin. Nanghuhugas na lang rin ako pagkatapos dahil ako naman talaga ang dapat manghugas ng pinggan dahil ako ang huling kumain.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With You Again
Ficção AdolescenteIt is all about a girl who always get hurt and in the end, she became strong. Dito rin natin makikita kung gaano kadakila ang PAG-IIBIGAN ng mga bida. Nagiging TANGA sila dahil sa pag-ibig.