Chapter 34
SAL's POV
Tumakbo na ako palabas ng simbahan. Ayoko na. Bakit ba ang tanga tanga ko? Bakit ko kinalimutan na kasal ako kay Rhyss? Grabe ang dami ng nangyari sa buhay ko. Kailan pa kaya to matatapos?
"Ella, wait!" Sinundan pala ako ni Rhyss. Huminto ako sa pagtakbo at hinarap si Rhyss. *Slap*
"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit ngayon ka lang dumating ng planado na ang lahat. Kung nagpakita ka lang sana sa akin hindi na sana nasa kahihiyan ang pamilya ko." Umiyak na ako ng tuluyan. "Sana hindi ka na lang bumalik kung ngayon ka pa nagpakita. Sobra na ang sakit na ibinigay mo sa akin. Kung tinupad mo sana ang pangako mo, sana hindi magkaganito ang buhay ko ngayon. Alam mo ba na walang araw na hindi kita inisip at walang araw na hindi ako kinukulit ng anak ko kung nasaan na ang kanyang ama. Lahat ng pasakit ng magulang mo kinaya ko ng dahil sayo, sana man lang ipinaglalaban mo kami. Akala ko okay na tayo noon pero hindi pala. Mas lalo kaming nagmukhang kawawa nung hindi mo kami ipinaglalaban sa mga magulang mo. Ang sakit ng ginawa mong yon. Sana man lang kahit tumawag ka lang sana para hindi ka kamumuhian ng anak mo. Alam mo ba kung anong ginawa ko para hindi ka kamuhian ng anak mo? Nagsisinungaling ako na tuparin mo ang pangako mo. Ano lang ba kami sa buhay mo Rhyss? Kung hindi mo na ako mahal, sana kahit sa anak mo pinakita mong may ama pa siya. Limang taon na naghahangad ang anak mo ng ama Rhyss. Limang taon siyang naghihintay at nangangailangan ng ama na magiging proud sa kanya. Sana man lang maipakita mo yon." Galit na sabi ko sa kanya.
"Ella, sandali. Magpapaliwanag ako. Hindi ako agad nakabalik sa inyo dahil binablack mail ako ng ina ko. Sinabi ng mama ko na kung magpapakita pa ako sayo puputulin nila ang connection ko sa company namin. Pinaghirapan ko yon, sinakripisyo ko ang limang taon na mahiwalay sa inyo dahil sa company na yon. Patawarin mo ako Ella."
"Tama nga naman. Mas importante pa sayo ang company niyo kaysa sa amin. Okay lang Rhyss, tanggap ko yon pero ang anak mo, hindi makakatanggap. Ayoko munang makita ang pagmumukha mo ngayon!" Tumakbo na naman ako kahit naka trahe de boda ako. Oo nga naman tanggap ko naman yon na ipinagpalit niya kami sa company. Haler malaking company kaya yon, ang hindi ko lang matanggap ang kahihiyan na dinanas ng pamilya ko ngayon. Di ko namalayan na may mabilis na sasakyan ang paparating at tsaka pa ako natauhan ng may bagay na tumama sa katawan ko at di ko na alam ang susunod na nangyayari dahil nag turn black na ang paligid.
SOMEONE's POV
Sinundan pa rin ni Rhyss si Sal kahit ayaw na niyang makita ang pagmumukha nito. Tumakbo siya ng mabilis at tsaka pa niya napansin na may mabilis na sasakyan ang paparating. Huli na ang lahat nasagasaan na siya. "Bakit ba bigla nalang siyang tumawid." Yun ang nasa isip ni Rhyss. Haaayyy, dalidali naman itong binuhat ni Rhyss. Wala na itong malay.
"Para! Manong sa pinakamalapit na hospital po." Sabi ni Rhyss dun sa driver ng jeep. Masyado nang maraming dugo ang lumabas kay Sal. At napaiyak na si Rhyss.
"I'm sorry Ella kung bakit ngayon lang ako nagpapakita sayo. Gusto ko lang kasing patunayan sa mga magulang ko na deserving ka para sa akin at ikaw lang ang nararapat na babae para sa akin. Mahal na mahal kita. Nag sacrifice ako ng dahil sa pagmamahal ko sayo." Yun ang sabi niya sa duguang katawan ni Sal.
Nang makarating sila sa hospital ay dalidali niya itong binuhat at tumawag ng doctor at nurse. Dalidali rin si Sal na ipinasok sa emergency room. Nasa labas ng ER si Rhyss at hindi mapakali. Tinawagan ni Rhyss ang bestfriend ni Sal na si Baby at sinabi dito ang nangyari. Ang bestfriend na lang raw ni Sal ang mag eexplain sa nangyari sa pamilya ni Sal at sa pamilya ni Kevin. Marami ang pumunta sa hospital ng malaman nila ang nangyari. Lumapit ang ina ni Sal kay Rhyss.
"Kumusta ng anak ko?" Umiiyak nitong tanong.
"Nandun pa siya sa ER Tita." Sagot naman ni Rhyss.
"Bakit ba nangyari ito sa anak ko? Mabait naman siya eh." Lumapit si Rhyss sa kanya at hinagod ang likod nito.
"I'm sorry Tita, ako ang may kasalanan nito. Di ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sa kanyang masama." Umiiyak na rin si Rhyss.
"Wag mong sisihin ang sarili mo Iho. Nangyari na ang lahat. Wala na tayong magagawa." Pumunta rin si Kevin, ang ama ni Sal at ang bestfriend nito sa hospital dahil nag-alala rin ang mga ito para kay Sal. Lumapit ito kina Rhyss at ng ina ni Sal. Tahimik ang lahat hanggang sa lumabas ang doctor. Dalidali naman silang lumapit dito.
"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" Tanong ng Doctor.
"Yes doc."
"Okay, di na ako magpaligoy ligoy pa. 50-50 ang pasyente. Kailangan siyang dalhin sa Sta Cruz ngayon na. Maraming dugo ang nawala sa kanya." Pagkatapos, umalis na ang doctor. Inilabas na nila si Sal at pinasakay sa ambulance.
"Tita, Tito ako na po ang bahala sa kanya." Prisinta ni Rhyss sa mga magulang ni Sal.
"Sasama kami."
"Sige po Tito, Tita may sasakyan naman akong dala. Doon nalang kayo sasakay." They all nodded. Dalidali naman silang pumunta sa parking lot ng hospital. Pinagsabihan na rin ng mga magulang ni Sal ang kapatid nito na magdala ng mga gamit ni Sal sa Sta Cruz. Habang nasa daan, panay ang dasal nila na sana magiging okay rin ang lahat. Nakarating rin naman sila ng walang mga nangyaring masama. Dalidali na naman si Sal na dinala sa emergency room at yung sumama ay nasa labas lang. matagal tagal rin bago lumabas ang doctor. Kaba at takot ang nasa puso ng mga taong nasa labas.
"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?"
"Yes Doc."
"Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya nangangailangan siya ang magdodonate sa kanya. Naubusan kami ng suplay ng dugo na ka blood type niya. Blood type AB siya."
"Doc, blood type AB po ako, baka po pwedeng ako nalang ang magdodonate."
"Okay, etetest ka pa namin. Halika na."
"Gagawin ko ang lahat para mabuhay lang siya." Baling ni Rhyss sa mga magulang ni Sal.
"Salamat Iho. Mag iingat ka." Dinala naman ng doctor si Rhyss para etest kung wala bang deperensya ang dugo niya.
"Thanks God!" Yun ang nasa isip ni Rhyss. Dahil matagumpay na naitransfer ang dugo niya kay Sal. Pero nanghihina rin ito pagkatapos.
"Okay na po ba ang pasyente?"
"Okay na siya pero maghihintay pa tayo kung kailan siya magkamalay. Ililipat na namin siya sa room 125."
"Thanks Doc." Di namalayan ni Rhyss ang oras. Mag 10:00pm na pala at sa kasamaang palad, wala pa silang dinner.
"Tita, Tito mag dinner na muna kayo. Ako na muna ang magbabantay dito."
"Okay lang sayo na maiwan dito. Pwede ka namang sumabay. Alam ko wala ka pa ring dinner at bago ka palang kinunan ng dugo."
"Okay lang po. Pagkatapos niyo nalang po."
"Sige Iho, gutom na rin kasi kami." Rhyss nodded.
Magbabalik na ba ang team AleXander?
Ano sa tingin niyo?
Abangan....
End of Chapter 34
By: Ms. Sayonara
6
BINABASA MO ANG
Falling In Love With You Again
Novela JuvenilIt is all about a girl who always get hurt and in the end, she became strong. Dito rin natin makikita kung gaano kadakila ang PAG-IIBIGAN ng mga bida. Nagiging TANGA sila dahil sa pag-ibig.