Wooooooooooowwww! More! More!

7 1 0
                                    


Chapter 15

SAL's POV


Pinarenovate ko na rin ang bahay namin. Maganda na, naka tiles at may pinta na. Ito kasi ang pangarap namin noon ng mga kapatid ko. Ang matapos ang bahay namin.

"Alex, thank you dito ha. Kung di dahil sayo, hindi matatapos ang bahay natin."

"Syempre naman po Mama. Yun po kasi ang pangarap namin nila Ate Gra at Ate Am2X."

"Wow naman. Basta thank you sa inyo."

"Dapat sana ako ang dapat tumapos sa bahay na ito dahil ako ang Padre de Pamilya."

"Papa, wag mo nang iisipin yun. Ang dapat mong gawin, alagaan si Mama. At yung farm natin, ipasaka na lang natin sa iba at kayo dito na lang sa bahay."

"Pero anak, yun na lang ang magagawa ko para sa inyo eh. Hindi na rin kasi ako makapamasada. Para na akong walang silbi nito."

"Mali po kayo Papa. Mayron kang silbi at yun ay ang pag alaga kay Mama."

"Wala pa naman akong sakit para alagaan ng Papa mo."

"Ma, hintayin pa ba nating magkasakit kayo bago ka pagsilbihan ni Papa?" Natigilan naman sila sa sinasabi ko. "At tsaka, ako na ang gagastos para sa bahay nato." Tumango na lang sila.

"Aalis muna ako."

"Saan ka naman pupunta Papa?"

"Dyan-dyan lang."

"Papa!" Iniwan lang kami. Di pa naman kami tapos mag usap ah.

"Anak, intindihin mo na lang ang Papa mo. Sa tingin ko, naooffend mo siya kaya yun nagtampo." Ganun na ba ako ka manhid para hindi makita na nasaktan ko na pala ang Papa ko?

"Hindi ko naman po alam na maooffend siya ng ganun eh. Gusto ko lang namang makatulong sa inyo at tsaka ito yung dream ko eh simula bata pa kami." At nagpapasalamat ako dahil natupad na. "Sige lang po Mama. Pagkauwi ni Papa, iexplain ko pong mabuti para maintindihan niya ang plano ko."

"Sige anak, maiwan na muna kita."

"Sige Mama." Umalis na si Mama nang may naisip ako bigla. "Teka! Mama! Nakahanap na po ako ng apartment para doon na ako magstay habang nagtatrabaho ako eh."

"Okay lang. Basta makabubuti yun para sayo."

"Salamat Mama!"

....

....

....

...

...

...

...

...

...

Sinama ko pala si Baby dito as Sta Cruz ngayon kasi wala siyang pasok sa araw na ito at uuwi rin naman kami agad. Bibili lang kami ng mga gamit para sa bago kong apartment. Maganda naman ang napili kong apartment, may garden at yong pang Barbie ang design at kulay ng bahay. Pambata lang ano. Ano kayang hitsura ng may ari? Baka mukhang Barbie? Hmm. Caretaker lang ang nakatira dun kasi nasa Manila raw ang may ari. Good to hear that. 3-storey ang bahay.

..

...

...

...

...

Kumain muna kami sa restaurant at sa di inaasahang pangyayari eh nagkita kami ng dati kong classmate, my Best Friend in High School. Siya si Dwaine Liam Sebastian.

Falling In Love With You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon