Chapter 31
SAL's POV
Nakakawalang gana naman itong mga kasamahan ko oo. Bakit ba ang init init ng dugo nila sa akin? Friendly na nga ako sa kanila pero palagi pa rin nila akong inaaway. Bakit ba para silang teenager? Bakit ang immature nila? Masama ba yong naging close ko ang isang kasamahan kong guro na lalaki. Ang sabihin nila, in love sila sa friend kong si Daniel Lou. Alam na alam ko yon kasi makikita sa kanilang mga mata ang inis at selos sa akin. Haayyy, bakit ba kasi ako lang ang naging close ng taong ito. Oo aaminin ko gwapo rin naman siya pero wala eh, di ko siya type. Friends na nga kaming dalawa eh. Naiinis sila sa akin kasi kapag sila ang lumapit kay Daniel, dedeadmahin lang sila pero kapag ako, nacks makikita mo ang kislap sa kanyang mga mata. Sila Arnie at Joy ang kasamahan kong guro na galit sa akin.
"Ano bang mayron sayo SAL at ganyan ka nalang pinagkakatiwalaan ng lahat?" Sigaw sa akin ni Arnie.
"Pwede ba wag mo ng landiin pa si Daniel ko." Oh, tingnan mo tong si Joy. Sinabihan pa akong malandi. Kapag ba lapitin ng mga lalaki, malandi agad? Hayyy!
"Excuse me, di ko nilalandi si Daniel. Friends lang kami, hello."
"Oo ikaw friends lang ang tingin mo sa kanya pero siya hindi."
"Ano ba yang pinagsasabi niyo? Walang meaning ang friendship namin no."
"May anak ka na SAL, sana naman wag ka ng maglandi." Sabi sa akin ni Arnie.
"Ooopps, hinay hinay lang kayo. Wag na wag niyong idamay ang anak ko dito. Ibang usapan na yan. Kung may gusto kayo sa kanya, wag niyo naman akong idamay. Sabihin niyo nalang sa kanya o kung hindi ba kaya'y ako nalang ang magsasabi para hindi na kayo magalit sakin. Nakakapagod kasi na pagbintangan ako sa kasalanan na di ko ginawa." Haayyy, wag niyong sabihing in love na naman sa akin si Daniel. Naku naman, malaking war ito. Tulad ngayon kami na namang dalawa ang magkasama.
"Alam mo BFF, galit na sakin ang dalawang bagong babaeng guro nang dahil sayo. Bakit ba ako lang ang naging close mo, di ba matagal ka na dito?"
"Wag mo na silang pansinin BFF. Selos lang sila sayo." Parang mga high school lang... BFF raw?? Hahahah
"Bakit ba kasi?" Makulit rin ako no. Pero gusto ko lang kasing malaman para maging okay na ang lahat. Ayoko lang kasi na may mga taong galit sakin.
"Gusto mo talagang malaman ang totoo?" I nodded. "Dahil mahal kita SAL." Shocked pa rin ako kahit na alam ko ang sagot niya. Iba pa rin kasi yung sa bibig talaga niya manggaling.
"Ano? May gusto ka sakin? Nagbibiro ka ba? Dan, alam mo naman na may anak na ako. I'm sorry but I can't accept your love. I'm sorry Dan hanggang friendship lang talaga ang maibigay ko sayo."
"Yun na nga eh. Hanggang friends lang ang maibigay mo sa akin. Nafriendzone ako. Okay lang SAL, alam ko naman yon eh kaya nga hindi ko nalang sinabi sayo pero ngayon na alam mo na sana di magbabago ang friendship natin. Ako pa rin ang BFF mo SAL, di ba?"
"Oo naman BFF. And thanks for understanding me. Isa pa pala BFF, pansinin mo naman sila Arnie at Joy. Galit kasi yang dalawa sakin dahil ako lang raw ang close mo."
"Ok! Kung para sayo, gagawin ko."
"Thank you!" Sabay hug sa kanya.
JANINE's POV
"Kapatid, anong balak mo ngayon?"
"Hahanapin ko po si Ella Ate!" Bumalik na si Xander sa normal. Pero hindi ko alam kong forever na ba siyang babalik sa normal o hindi.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With You Again
Teen FictionIt is all about a girl who always get hurt and in the end, she became strong. Dito rin natin makikita kung gaano kadakila ang PAG-IIBIGAN ng mga bida. Nagiging TANGA sila dahil sa pag-ibig.