Chapter 27
SAL's POV
Nakauwi na nga pala kami sa Philippines. Ang bilis lang no, parang kailan lang. On leave ako sa trabaho ngayon. Binigay na rin sa akin ang lahat ng topics na napag aralan nila sa loob ng isang buwan at may exams pa akong dapat sagutin. Hayyyy, naku naman nakakapagod naman ito buti nalang nandito ang angel of my life ko, ang baby KAPKAP ko, short for KEN ANDREII PHOEBUS. "Baby, para sayo tong ginagawa ni Mommy." Waaaaaaaahhhhhh! Nagsmile ang anak ko. Napakasupportive naman nito. Katulad na katulad ng kanyang ama. "Miss ko na ang Daddy mo Nak. Dahil kahit anong gawin ko, mahal ko pa rin siya." Haaayyyy, ngayon, naiintindihan ko na si Mama kung bakit ang bilis lang niyang pinatawad si Papa nung nagkasala ito. Hmm, dahil pala sa PAG-IBIG! May dapat akong gawin para hindi kamuhian ng anak ko ang ama niya kahit hindi na kami babalikan nun.
JANINE's POV
"Janine! Janine! Janine! ANO BANG BALAK MO SA KAPATID MO HA?? KUNG HINDI MO SANA YAN DINALA SA KOREA, HINDI YAN BABALIK SA DATI. ANO BANG UTAK NA MAYRON KA!!!" Pinagalitan ako ng ina-inahan ko. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko tapos pagalitan pa ako. Pero kasalanan ko naman talaga eh. Kung di ko siya dinala sa Korea, eh di normal na sana ang buhay niya ngayon.
"Clarita, hindi naman yun kasalanan ni Janine, ako ang may kasalanan dahil pumayag ako sa gusto ni Xander." First time tong kinampihan ako ni Daddy ah. Kasi naman wala naman siyang kakampihan sa amin kapag nagkasagutan kami ng asawa niya.
"Bakit ba kayo nag-aaway???"
"Xander, anak, bumalik ka na ba?"
"Sinong Xander? Who am I?" Gumuho na naman ang pag-asa kong babalik sa normal si Xander dahil kahit larawan ni Sal ay hindi na niya kilala. Ganun na ba niya kinalimutan ito?
FLASHBACK
"Ate, kahit na anong mangyari sa akin, wag mong sasabihin kay Ella ang tungkol sa sakit ko, please! Ayokong mag-alala pa siya sa akin. Please Ate. Nagmamakaawa ako sayo." Tumango ako bilang sagot. Kahit nasaktan siya pero si Sal pa rin ang iniisip niya. Hayyy nako Xander, bakit ka ganyan. Nagiging martyr ka na ba??
END OF FLASHBACK
Ano na ang gagawin ko ngayon???
*Calling*
"Hello! Janine's speaking!"
SAL's POV
"Hayyyy, nakakapagod magstudy!" Ah, maglaro na muna ako ng net book ko. Scroll, scroll, scroll. Oyyyyy, ang dami namang messages at friend request. Akalain mo nga naman oo, umabot lang naman ng 500 plus ang friend request ko. Iba na talaga ang maganda. Hahahaha. Ano daw? Ilang months na ba akong hindi nakapagfacebook? Matagal tagal na yun ah. Masyadong busy! Kakapagod naman mag accept. Sa message nalang ako. Galing sa mga pinsan ko, relatives, friends, kay ate Janine at higit sa lahat galing kay Rhyss. Basahin ko nga.
{Ella,
Alam kong galit ka pa sa akin dahil sa ginawa ko. Sana mapatawad mo na ako sa mga nagawa ko. Wala na kami ni Rosette. Di naman talaga totoong naging kami eh. Nagawa ko lang siyang ipakilala sa mga magulang ko na girlfriend ko siya dahil ayokong magmukhang tanga at ayoko rin siyang pagmukhaing tanga dun sa party.
Akala ko umalis ka na sa bahay namin kasi yon ang sinabi ng mama ko. Hindi ko akalain na hindi pa pala. Salamat dahil hindi ka naniniwala sa mga larawan na ibigay sayo at patawad dahil ako yung naniniwala.
Ella, I'm so sorry. Patawarin mo na ako. Gusto ko lang makipag ayos sayo bago ako pumunta ng Chicago for five long years. Kung pwede sana na pumunta ako dyan pero alam ko na masaya ka na kay Phoebe.

BINABASA MO ANG
Falling In Love With You Again
Teen FictionIt is all about a girl who always get hurt and in the end, she became strong. Dito rin natin makikita kung gaano kadakila ang PAG-IIBIGAN ng mga bida. Nagiging TANGA sila dahil sa pag-ibig.