To Infinity and Beyond!

27 0 0
                                    

Chapter 35

GRA's POV

Hi! Ako nga pala ang nakakatandang kapatid ni SAL. I'm Graciana Deva. Haaayyy, grabe ang buhay ng kapatid ko parang teleserye. Nalaman kung ikakasal raw ito. Anong ikakasal na kasal na ang kapatid ko kay Rhyss! Malaking kalokohan yan. Kaya heto ako, uuwi sa amin para linawin ang narinig ko. Bakit magpapakasal si Alex? Hindi ba niya natatandaan na kasal siya? Napakatanga talaga ng babaeng ito. Paniguradong pinilit lang ito. Hayyyy!

*Calling*

"Hello!"

["This is St. Terrace Hospital, nasagasaan si Stella Alexandria Louise Deva at nandito siya ngayon sa hospital."] Ano? Si Alex, nasagasaan?

"Ok! I'll be there!" Sabi ko habang kinakabahan masyado. Bakit siya nasagasaan? Nasagasaan ba talaga o sinasagasaan? Nagmamadali naman akong pumunta ng hospital. Malapit lang naman yun sa Sta Fe. Actually taga Sta Fe ako. Ang St. Terrace Hospital ay matatagpuan sa Sta Clara, ang sunod na barangay ng Sta Fe going South. Pagdating ko doon, inaasikaso pa siya ng mga doctor. Sana magiging ok siya. May anak pa naman siya. Tinawagan ko naman sila Mama na pumunta ng hospital.

"Ate Gra!"

"Xander! Anong ginagawa mo rito?" Ang dami nitong dapat iexplain sa akin.

"Ako po ang nagdala kay Ella rito sa hospital."

"Gra, asan na ang kapatid mo?"

"Nasa ER Mama. Hindi pa kasi lumabas ang mga doctor. Mama, kayo na po ang bahala rito. Uuwi muna ako, hindi kasi ako nakapagpaalam sa asawa ko. Baka hinahanap na ako nun."

"Sige!" Nagmamadali naman akong umuwi. Sana nagpaalam na lang ako kanina. Pero bago ako umuwi, dinaanan ko muna ang anak ng kapatid ko.

"Mommy Gra, how's Mommy Alex? Are she okay?" Mommy rin ang tawag sa akin ng pamangkin ko kasi nakasanayan na yan sa iba kong pamangkin.

"Your Mom is okay now." Pagsisinungaling ko nalang kasi hindi ko pa alam kung anong nangyayari. Haayyy, buti pa tong anak ng kapatid ko nasanay na English ang gamitin sa pagsasalita. Ang cute nga niyang mag English, fluent na fluent.

"Can I go to the hospital?"

"No baby. Your Mom won't allow you to go there. Don't worry; she'll be okay!"

RHYSS's POV

Pagkatapos kung pumunta sa mental hospital. Bumalik na lang ako ng Sta Fe. Sa bahay ng Ate Janine ko.

"Anong nangyari sayo?"

"May tinulungan lang akong hospital kanina Ate. Naaawa kasi ako sa mga nandun eh."

"Anong klaseng hospital yan?"

"Mental hospital Ate!"

"Mental hospital? Bakit?"

"Yun na nga Ate, naaawa ako sa mga taong andun sa loob ng hospital na yun."

"Aie, akala ko pa naman, andun si Sal."

"Ate, matakot ka sa sinasabi mo."

"Anyways, may balita na ako kung saan mo matatagpuan si Sal. Sabi ng secret agent ko. Nakatira raw si Sal sa isang apartment sa kabilang barangay, ang Sta Clara."

"Ano ngayon Ate?"

"Baliw ka ba? Wala ka na bang isip? Edi puntahan mo dun."

"Hindi Ate, may iba na siyang pamilya."

"Anong pamilya ang pinagsasabi mo? Wala siyang ibang pamilya!"

"Hindi ba nakita ng secret agent mo na may anak na si Ella?"

Falling In Love With You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon