Nag eenglish siya

24 1 0
                                    

Chapter 12

SAL's POV



After 2 weeks, marunong na akong magluto, kumunta at maggitara. Naks! Hanep! Medyo madali lang naman gawin yun. Siguro nga, hidden talent ko yun at tsaka love ko naman talagang gawin yun eh. Sabi nila, kapag mahal mo ang isang bagay, madali mo itong matutunan. O di kaya'y kung mahalaga ang isang bagay sayo, madali mo itong matututunan. Thanks also to my Dearest Boyfriend Ever. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko maipapalabas ang talent ko. Hmm. Ano kayang ginagawa ko ngayon kung hindi ko nakilala si Rhyss? Gaya rin ba ng dati??? Nagmahal? Nasaktan? At nagpatawad? Nagmahal? Nasaktan? At nagpatawad? Cycle? Ganun?? Hayyyyy! O di kaya'y naging miserable na ang buhay ko? Sa tingin niyo?? Hindi naman siguro no? Hindi naman siguro ako pababayaan ng Diyos.

Hayyyy, ano bang gagawin ko ngayon wala rito ngayon ang boyfriend ko, may inaasikaso raw. Wala akong kukulitin. Wala akong landiin. Hihihi. Joke lang. And kung tatanungin niyo naman ako sa sakit ko, may pag asa naman raw'ng gumaling ako sabi ng Doctor at kailangan lang once a week pupunta kami ng hospital at kailangan sundin lahat ng sinabi ng doctor. Okay lang naman sa akin kasi ipinanganak na talaga akong masunurin eh. At tsaka gustong gusto ko na ring gumaling ako para hindi na mamumrublema ang mahal kong boyfriend. Tapos next week papasok na rin kami sa new school namin. Bongga nga eh kasi dalawa ang course na kinuha namin. HRM and Bachelor in Science in Business Administration Major in Marketing Management. Oh! Di ba bongga. Siguro nagtataka kayo kung bakit naging dalawa ang pwedeng course na kunin. Dito sa LA, pwede lang yon pero buong araw at hanggang 9:00 ng gabi ang klase. Okay lang yon yakang yaka namin yon para bawas sa time ang pag stay namin dito. Loves na loves talaga ako ng boyfriend ko. Wala pa namang kumontra sa lovestory namin ngayon, liberated kasi ang mga girls dito. Nitong huling linggo namin dito, nasa bahay lang kami kasi nga tinuturuan niya akong kumanta, maggitara at magluto. Para rin akong nag aral ng dalawang linggo.

"Anong iniisip ng Mahal ko?? Ang lalim naman." Nagulat naman ako dun. Nagmumuni muni pa naman ako. Pagdating ng 6453837567353545 hours. Nandito na ang Beb ko. Hahahaha. Echus lang yang mga numbers.

"Hi! Beb! Andito ka na pala." Mukhang pagod siya pero hindi niya pinapahalata sa akin. Pero dahil kilala ko siya kaya hindi siya makapagtago sa akin.

"Wala pa. Joke lang to."

"Ikaw talaga. How's your day?"

"I'm good. Medyo napagod ako ng konti pero nawala yun ng makita kita."

"Talaga? Nakakataba naman nang puso. Nice to hear that. By the way, I'm done cooking. It's all ready for dinner. Let's eat. Ikaw naman ang pagsisilbihan ko ngayon mahal kong hari."

"Tara. Nagugutom na rin ako. Hindi kasi ako kumakain dahil alam ko na nagluluto ka. Sayang naman yun di ba? Ikaw pa naman ang nagluto." Sabay kiss sa akin sa forehead.

"Alam mo Beb, ikaw lang talaga ang nakakapagpapataba ng puso ko nang husto. Ang saya ko, alam mo ba yun? Beb, isa pang request."

"Ano yun? Anything Beb. Basta makaya ko gagawin ko para sayo."

"Pagkatapos nating kumain, manonood tayo ng movie, ok lang ba? May nakita kasi akong magandang movie kanina sa YouTube kaya dinownload ko."

"Okee dokey! Maganda ba yan?" (Okee dokey is an expression also which means ok!)

"Sa tingin ko, maganda siya. Sa totoo lang Beb, hindi ko pa nakita ang kabuuan nang movie pero nakita ko na ang thriller. So far, so good naman."

"Okay lang. Horror ba yan?"

Falling In Love With You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon