Chapter 18
RHYSS's POV
Bakit di na niya ako kayang pagkatiwalaan? Anong gagawin ko? Sundin ang sinabi niya? Paano na kami? Haaaay, maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko ngayon. Sobrang sakit ang nararamdaman ko. Sana noon palang inalam ko na kung anong dahilan niya pero dahil sa pesteng pride ko, ako lamang ang nasasaktan lalo. Arrrggghhhh. Bakit ganito ang nangyayari sa akin?? Bakit??
ALTHEA's POV
Hi! I'm Althea Chloe Esguerra. 23 years of age. Pure Filipina. Born at LA, California. Nakapagtapos ng pag aaral sa LA sa kursong architecture. Fashion designer na rin ako. Mahilig sa cartoons. Sophisticated ang dating. Enough for that damn introduction...Chuchuchu......Nahiya ako eh.
"Althea my dear, until now, NBSB ka pa rin? No Boyfriend since Birth? What happen to you??" Sabi sa akin ng isa sa mga friends ko na si Jane. Si Jane ay anak ng isa sa mga kasosyo ng Dad ko sa negosyo. Isa na siyang doctor ngayon.
"Sa ganda mong yan, walang pumapatol sa LA? How pathetic!" Sabi naman ni Airah. Si Airah, anak ng isa sa mga milyonaryo na kaibigan ng Dad ko.
"Kayo talaga! Intrigira kayo." Sabi ko sa kanila.
"Baka may hinihintay!" Sabi ni Twine. Boom! Tama may hinihintay nga ako at ako lang ang may alam dun except for my parents. Hindi naman ako makakatago ng sekreto sa kanila.
"Magpapahanda talaga ako kapag magkakaroon ka na ng boyfriend Sis." Sabi naman ni Tantan. Si Tantan ang pinakamaingay at pinakamagulo sa grupo.
"Si Althea Chloe Esguerra na anak ng isa sa mga milyonaryo sa Pilipinas, architect at higit sa lahat fashion designer, walang nagkandarapa?" Sabi ni Maris, ang dyosa ng chismis. Paano kasi halos lahat ng chismis makakalap talaga. Ewan ko ba dito.
"Napakaganda mo nga pero halos takot naman sayo ang mga lalaki." Sabi ni Thea, na medyo boyish sa grupo namin. Isa yang engineer.
"Hay nako mga Sis, marami namang nanliligaw sa akin eh kaso hindi ko talaga sila gusto." Sabi ko sa kanila.
"Then I'm right. May nagmamay ari na nga sa puso mo simulat sapol." Sabi ulit ni Twine. I just nod at them.
"Sino namang mapalad na lalaking yun at hindi ka pa nakita hanggang ngayon?" Siguro, it's time to reveal the truth. Wala naman sigurong masama di ba? At tsaka friends ko naman sila.
"My bestfriend in LA."
"Who is he? Hindi ata namin alam na may bestfriend ka galing LA?" Tanong ni Jane.
"May bestfriend ako noon sa LA. Hindi lang pala bestfriend kundi magkababata talaga kami. Nagpromise nga siya noon sa akin na kapag hindi siya makakita ng babaeng mamahalin, pakakasalan niya ako. But hindi nangyari yun kasi nagkagirlfriend siya. Masakit sa part ko ang nangyari. Kaya I told him the truth."
"Ganun ka katapang?" Hindi makapaniwalang tanong nila.
"Oo noon. But he ends up our friendship. Sabi niya sa akin, hindi na kami maging bestfriend kung ipagpatuloy ko ang kahibangan ko sa kanya. Kahibangan ba ang pagmamahal?. That's why, pumunta ako ng Pilipinas. Nagpatayo ng bahay sa Sta Barbara. After two years, umuwi ako ng LA and to my surprise, pumunta rin sa New York ang bestfriend ko dahil nasasaktan siya sa ginawa ng girlfriend niya. Magpapakasal kasi ito sa iba."
"Sana sinundan mo siya."
"Yeah! Sinundan ko nga siya to win him back pero talagang kapatid lang ang turing niya sa akin. After a week, may natanggap siyang sulat galing sa pamilya ng girlfriend niya na naospital raw ang babae at kailangan siya nito. Ewan ko ba sa bestfriend ko at talagang in love siya doon sa babae kaya nagmamadali naman siyang umuwi. Ako naman, sumama na lang sa kanya."
BINABASA MO ANG
Falling In Love With You Again
Genç KurguIt is all about a girl who always get hurt and in the end, she became strong. Dito rin natin makikita kung gaano kadakila ang PAG-IIBIGAN ng mga bida. Nagiging TANGA sila dahil sa pag-ibig.