Chapter 27

170 6 0
                                    

Nasa manila na kami ni mama at namangha sya sa apartment na tinutuluyan ko.

"Anak? Sigurado ka ba na dito ang tinutuluyan mo?" Tanong niya.

"Yes mama, kung sa tutuusin simple palang ito kung sa ibang apartment na tinuluyan ko noon. Besides, comfortable rin ako dito"

"Grabe 'nak iba na talaga taste mo. Tinupad mo yung mga sinabi mo noon" at agad ako napatingin sakanya. Naalala nya pa ang mga sinabi ko sakanya noon. Don't worry ma nalalapit na ang pangarap nating dalawa.

"Sabi ko naman sayo mama gagawin ko ang lahat maging maayos lang tayo" matapos ko itong sabihin ay ngumiti sya saakin at nag pasalamat.

May kumatok sa pinto at agad kong binuksan ito. Nang mabuksan ko ito ay agad akong sinalubong ni Aaron ng yakap.

"Yzaaa!! Welcome back!!!" Pota? Seryoso ba toh?

"Sandali nga Aaron, Kanina lang naman ako umalis.. "

"Eh namiss kita agad eh" abot tenga ang ngiti nito. Lumingon sya sa likod ko at lumapit kay mama

"Hi mama, im Aaron this is my present for you. Welcome to manila" nag mano ito at binigyan nya ng contis cake si mama. Sinarado ko ang pinto at lumapit sakanila sa sala

"Nako ijo, nag abala ka pa" hiya ni mama.

"Maliit na bagay lang yan mama. Thank you for accepting my gift"

"Walang anuman iyun ijo, ako nga dapat ang magpasalamat. Ohsya kainin na ito at mukhang masarap"

Ilang minuto ang nakalipas at kinain na namin ang dinala ni Aaron. Bukod sa cake na dinala nya ay may dala rin itong magandang balita.

"Base on my research siguradong matutuwa ka rito yza" at inilabas nya ang papel sa bag nya ang information for house na ipinautos ko sakanya.

"Nakahanap ka?" Katabi ko si mama at kaharap ko naman si Aaron habang pinag-uusapan tungkol sa bahay at lupa

"Yes! At ang maganda pa dito ay malawak ang lupa at maganda ang bahay. Bukod duon ay safe kayo sa lugar na iyon. Kaya nga lang 50 million ang bibilin mo dito sa bahay"

"Hindi ba masyadong napaka laki ng perang iwawaldas mo nak?" Pag aalala ni mama.

"Don't worry may assurance naman po ito na gawa ang bahay sa matibay na materyales kaya siguradong matagal ang tayo nito"

"Subdivision?" Tanong ko

"Yes!"

"Saan naman?"

"Sa ayala alabang subd."

"Looks interesting ha"

"Yap, im sure magagandahan kayo sa lugar na iyun. Besides, hindi ka na rin mag babayad sa mala condominium mong apartment"

"Atlis maganda" singit ko agad

"Ginawa mong condo ang dapat apartment lang"

"Para tipid"

"Mautak ka"

"Ganun talaga pag-utak ang ginagamit" pang aasar ko

"Wehh pero pag dating nial, bobo na" agad akong nagulat sa kanyang sinabi

"Eh bakit ba" sagot ko.

"Susss nahiya ka pa eh, mama oh anak nyo kerekere" sumbong nito kay mama.

"Wehhh sumbong mama, dun ka nga" at natawa lamang ito.

"Sino si nial?" Tanong ni mama.

"Ahh... eh.. boyfriend ko po ma" sagot ko habang kinakabahan pa.

Pain & Pleasure 2: Nial Lial (COMPLETED)Where stories live. Discover now